CHAPTER 32

537 81 12
                                        

Lumabas si Carrie sa sarling Balkonahe upang mag pahangin, bawat kwarto ng Ibiza Loft ay may kanya kanyang balkonahe at maging sa bandang sala ay mayroon din. Kakatapos nya lang mag shower, nag papadalaw nalamang sya ng atok kung kaya't naisipan nyang tumambay muna at mag pahangin sa balkonahe ng kanyang kwarto. Nasakanya kanyang kwarto na din ang mga kaibigan nya habang mag isa nya sa isang kwarto. Kumalukipkip ang dalaga habang nakatanaw sa malayo, habang pinag mamasdan ang parehong tanawin na tinatanaw nya ilang taon na ang nakakaraan ay muling pumasok sakanyang isip ang nangyari, pang yayari na isang patunay na tama ang hinala ni Khayeden na hindi nag kataon ang pag punta nya dito noon.

Dalawang taon na ang nakakalipas buhat ng mag tungo sya sa lugar na ito, bakasyon noon at tutungtong na sya sa kolehiyo sa pasukan . . .

...

Narinig nya ang usapan ng kanyang ina at isa sa mga tauhan nito ng minsang mag report ito tungkol sa isang lalakeng na nag ngangalang Sean Cade Evangelista. Base sa naging reaksyon ng ina ay alam ni Carrie na walang malaking papel ang nasabing lalake at maaaring may inalam lang itong impormasyon. Ngunit binagabag parin ang dalaga ukol sa nasabing lalake kung kaya't agad syang nag tungo sa ama upang tanungin ang tungkol sa lalakeng nag ngangalang Sean Cade dahil sigurado sya na may alam ito tungkol dito dahil hindi man ipangalandakan ng ama ay alam ng dalaga na pinasusubaybayan sila nito.

Napag alaman nya na ito ang dating nobyo ng Ninang ng kaibigan si Rynnah at nag kahiwalay ang dalawa dahil sa kagagawan ng ina, nabangit din ng ama nya na muntik ng mapariwara ang Ninang ni Rynnah ng dahil sa pagiging masamang impluwensya ng ina. Alam nya na may masasamang pamamaraan ang kanya ina, ngunit malawak ang pag intindi nya sa pinag dadaanan ng ina at ang sakit nito sa pag iisip. Ngunit alam nyang sa loob ng ina ay may tinatago parin itong kabaitan dahil kung totoong masama ito ay sana matagal na syang kumitil ng buhay, ngunit puro pananakot at pananakit pang emosyonal lamang ang ginawa ng kanyang ina. Batid nya ang pananakot nito noon sa ina ni Blake ng minsan nya itong ipadakip ngunit ni isa sa mga tauhan nito ay walang armas, patunay na pananakot lang ang hanggad nito. 

Palihim nyang tinignan ang dokumento ukol sa kinaroroonan ni Sean Cade maging ang mga palihim na larawan na nakuhanan ng tauhan ng kanyang ina. Hindi nag sayang ng oras ang dalaga upang puntahan ang lalake sa Cebu. Madalas wala ang ina sa bahay kung kaya't kahit umalis sya ay hindi naman sya hahanapin nito kung kaya't nag paalam na lamang sya sa ama at sinuportahan naman sya nito sa kanyang hanggarin sa pag punta sa Cebu.

Hindi pa ganoon kaayos noon ang Movenpick at soft opening palang ng datnan nya. Isa sya sa unaunang guest ng nasabing hotel and resort, at marahil ito ang dahilan kung bakit naalala pa sya ng ibang staff ng hotel.

Maingat si Carrie sa pag mamasid noon sa paligid, ni hindi nya magawang ipag tanong tanong ang lalakeng hinahanap nya, ngunit mukang tadhana na ang gumawa ng paraan ng maabutan nya ang isang lalakeng kahit may edad na ay makisig parin ang pangangatawan, hindi mapag kakaila ang kagwapuhan nito maging ang napakabait na aura. Nag papahinga ito sa dalampasigan, nakatanaw sa malayo habang payapang nakaupo sa isa sa mga upuan na naroroon.

Agad nyang nilapitan si Sean Cade "Can I sit beside you Sir?" she asked. Malugod na tumango ang ginoo. "Mag isa nyo lang po ba?" tanong ni Carrie habang nakikitanaw din sa tanawing kanina pa pinag mamasdan ng lalake.

"Kasama ko ang anak ko" napantig ang tenga ni Carrie sa sinabi ng binata, kung gayon ay nag asawa pala ito. Ang buong akala nya ay kagaya ito ng Ninang ni Rynnah na kagaya ng kwinekwento nito ay hanggang ngayon ay nag hihintay parin sa binata. Nakaramdam sya ng awa para sa Ninang ng kaibigan.

"Vacation?"  tipid na tanong ni Carrie

"I stayed here hija, simula ng pinagawa namin ito ay dito na ako tumira" pag kwento ng lalake

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon