EPILOGUE

820 78 41
                                    

Sinampahan ng kaso ang ina ni Carrie ngunit dahil sa sakit nito sa pag iisip ay pinayagan ito ng korte na maipagamot sa isang institute. Tinapos nalang ni Carrie ang huling term at napag desisyonan na lumipat na ng eskwelahan sa darating na pasukan para masimulan ang bagong buhay kasama ang ama.

Ngayon ay nag tipon tipon ang mag kakaibigan kasama sila Wayne,  Gabby, Zhiek, Khaye, Rynnah at Blake. Naikwento na ni Blake ang tunay na nangyari sa pagitan nila ni Carrie at maging ang pag tulong sakanya ni Wayne Avila noong araw ng Socialization Night. Sinubukang gamitin ni Carrie ang pinanakot nya kay Blake ngunit ang pangalawang may pinaka mataas na boto na si Wayne Avila na mismo na dapat magiging automatic na mananalo ang nag sabi na hindi nya kukunin ang title at ayos lang sakanya na kay Blake parin ito mapunta.

"Thompson Blake Alcantara, Cum Laude"  saad ng master of the ceremony, umakyat naman si Blake ng stage kasama ang ina at ama na syang mag sasabit ng medalya sa anak

"WOOHHH BOYFRIEND KO YAN!!!" matinis at proud na proud na sigaw ni Rynnah, tumingin naman si Blake sa kinaroroonan ng mga kaibigan at kinawayan ang mga ito. Nag palakpakan ang mga ito sa tuwa habang tinitignan ang masayang si Blake.

Ilang pangalan pa muli ang tinawag sa mga listahan ng graduates.

"Khayeden Ford . . . loyalty awardee" umakyat naman si Khayeden sa stage kasama ang mga magulang na mag sasabit ng medalya. Dahil sa Mallow Academy nag Highschool at College si Khaye kung kaya't naka tanggap din sya ng award. 

"WOOOHOOO ATE KO YAN!" sigaw naman ni Zhiek, hinampas naman ni Khaye ang hawak na dimploma na mukang nag drudrums

"HIPAG KO YAN!" sigaw naman ni Gabby

"KAIBIGAN KO YAN!" hindi nag patalo na saad naman ni Rynnah

"BAGONG CRUSH KO YAN!" sigaw naman ni Wayne Avila. Tinignan naman sya ng mga kaibigan sa pag ka bigla

"HOY AVILA!! Hindi porket graduate na ate ko pwede ng ligawan ha. Bawal pa yan mag ka boyfriend!"  singhal ni Zhiek

"Bayaw naman"  kamot ulo na saad ni Wayne

"Anong bayaw? Tigilan mo ko, over my dead super duper sexy body." sagot ni Zhiek kung kaya't natawa ang lahat.

Nang matapos ang seremonya sa graduation ay nag paalam si Blake at Khaye sa mga magulang na pupuntahan ang mga kaibigan

"This one is for you" saad ni Blake sabay hubad sa medalyang suot at isinabit kay Rynnah. Nakangitin namang tinignan ni Rynnah ang nakaukit sa medalya na nakalagay CUM LAUDE. "Anong gift mo sakin Love?" tanong ni Blake, namula si Rynnah sa tinawag sakanya ni Blake. Hindi nya magawang masanay na sa wakas nang yayari na ang dating pangarap lang nya.

"Here" sabay abot ni Rynnah sa isang box. Malugod itong tinanggap ni Blake, binuksan nya iyon at napangisi sya ng makita ang laman. "Kalahati lang kasi yung nainom mo dati, gusto ko sanang buong buo kitang magayuma"  biro ni Rynnah. Isang bote ito ng tinatawag nila noon ng love potion. 

"Ohh Avila, wag mong subukang mang agaw ha. Akin to ng buo" saad ni Blake at saka direchong ininom ang love potion na alam naman nila na wala naman talagang epekto "Bat ganun? Parang mas inlove na inlove ako sayo ngayon? Ang bilis naman ng epekto nito" saad ni Blake. Nag tawanan naman ang lahat

 

"San ba nakakabili nyan?" tanong ni Wayne "Bibilhan ko din yung bagong crush ko. Humanda ka na Khayeden Ford gagayumahin kita sa ayaw at gusto mo"  biro ni Wayne

"Lul, kutos gusto mo?" singhal ni Khaye

"Aww ang sweet mo talaga munchkins: sabay kurot ni Wayne sa pisngi ni Khaye

Hinampas naman ni Khaye ang kamay ni Wayne "Ay yawa! Wag mo kong gawing tuta!"

at muling nag tawanan ang mag kakaibigan.

Naputol ang mga ito ng mag ring ang phone ni Rynnah

"Hello Ninang Skye?" sagot ni Rynnah

(Tapos na ba ang graduation) tanong ni Skye sa kabilang linya 

"Opo ninang, kasama ko po yung dalawang graduates na nandito" saad ni Rynnah

(I loudspeaker mo babatiin ko sila) ginawa naman ni Rynnah ang utos ng ninang

(Congrats Blake and Khaye)

"Thank you po, gift po namin?" pabirong saad ni Khaye

(Syempre meron, free ba kayo tonight?)

"Opo, kasi lunch naman po kami lalabas ng family ko" sagot ni Khaye

(Good, invite everyone ok? Blake, Rynnah pati parents at buong friends ha)

"Bakit ninang? Anong meron?" mausyosong tanong ni Rynnah dahil ang galante naman ata ng ninang nya

(Check your facebook message. Bye) at saka binaba ni Skye ang tawag.

Kunot noo namang inopen ni Rynnah ang facebook at chineck ang message ng ninang, nanlaki ang mga mata nya sa photo na sinend ng ninang nya "OMG!" tili ni Rynnah

"WHY?" sabay sabay na tanong ng lahat, iniharap ni Rynnah ang phone kung saan naka open ang photo na sinend ni Skye

"KASALAN NA!!" saad ni Rynnah ng mapakita ang picture ng ninang na suot ang isang engagement ring.

------

From afar Carrie is secretly looking at her old friends, she felt the pain from her chest from seeing those happy smiles from them. Knowing that they were still happy even without him, actually they looked like much more happy without her.

Tumalikod sya at sumakay ng sasakyan dahil ngayon ang flight nya paalis ng bansa. Nauna na ang ama na nakaalis ng bansa kasama ang ina na ipapagamot sa espesyalista.

Habang nasa business class na upuan sa eroplano ay hindi mapakali ang dalaga, sa twing pinipikit nya ang mga mata ay rumerehistro ang masasayang ngiti ng mga dating kaibigan habang sya ay ito at mag isa nanaman.

Napag desisyunan nalang nya na buksan ang laptop at pinundot ang MS WORD


Dear Past,

             You didnt turned out great but I didn't regret every single memories that we shared. I can still see those wounds that never heal, and those scars that didnt fade from the pain you've caused me everytime you're tapping on my shoulder even though I dont wanna look back anymore. By seeing my face in the mirror, I can see the failures that I've made. I know you can get over it and turn yourself to a new better you.

P.S when I comeback I promise you that you'll get him back too.

With so much pain in heart,

Love Carrah Misakie Acosta Agustin soon to be Alcantara


--------

WAKAS


-------


DEAR PAST -COMPLETED

DEAR PRESENT ON-GOING (Save nyo na sa library nyo!)

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon