CHAPTER 5

668 82 15
                                    

"Wake up!" Agad naalarma si Rynnah ng maramdaman na may yumugyog sakanya. Agad nyang idinilat ang nanlalaking mga mata "Bumangon kana tanghali na" dahan dahang tinignan ng masama ng dalaga ang binatang nakatayo sakanya ng matunton nito ang muka ay muling dahan dahang pinasadahan ng tingin ito pababa at ng mapag tantu ng dalaga na paa ang ginamit ni Blake na pag yugyog sakanya para gumising ay agad syang napabalikwas sa pag kakahiga

"A-aray" mahinang ungot nya ng makaramdam ng pananakit sa balakang. Masamang tinignan muli ng dalaga ang nakapamewang na kababata. "Ayh grabe sya! Napaka baboy paa ang pinang gising" sabi nito habang hinihimas himas ang nananakit na likuran "Hindi na nga gentleman dugyot pa" daing ni Rynnah. Halos mapagod na ang dalawa kagabi sa pag tatalo dahil sa tutulugan ngunit sa huli si Rynnah na ang sumuko at nag paubaya na sa sahig na sya matutulog. Madalas namang ganito ang eksena nila ni Blake, noon pa lamang ay kapag late na silang matapos mag laro ng playstation o manood ng movie sa bahay nila Blake ay natutulog na si Rynnah kila Blake, kapag pinag pilitan nya na sa kama sya at si Blake ang sa sahig ay agad syang inaakay ng binata papunta sa guest room ng bahay. "Mauna na akong maliligo ha!" sabi ng dalaga at agad na tumayo at kinuha ang damit na inihanda kagabi pa at nag tatakbo sa banyo na nasa loob ng kwarto nila. Iiling iling na lamang na kinuha ni Blake ang pinag latagan ng kababata at tiniklop ito. Nang matapos ng maligo si Rynnah ay agad namang sumunod si Blake. 

Hindi parin tapos ang dalaga sa mga ritwal nito ng lumabas ang nakatapis na binata habang tumutulo pa ang tubig sa basang katawan. Tanaw ito ni Rynnah habang naka harap sa salamin ng dumaan ang binata sa likodan nya. Agad napalunok si Rynnah ng makita ang maganda hubog na katawan ng kaibigan. Halos mapanganga sya habang palihim na pinag mamasdan nito ang repleksyon ni Blake.

"Wag kang manilip" sabi ng binata ng hindi tinitignan si Rynnah habang nag hahanap ng masusuot.

"S-sino namang may sabi sayong nanininilip ako?" utal na sagot ng dalaga "Hoy Blake hindi ko type yang mga ganyang may abs abs at may V-cut na ganyan, ayoko ng katawang may bato bato ha kaya wag kang mag bintang na naninilip ako. Asa ka!" sabi ni Rynnah ng makabawi at patay malisyang itinuloy ang ginagawa

"Bat alam mong may abs kung hindi mo sinisilip" napangiwi ang dalaga ng mapag tanto ang pag ka dulas ng dila nya

"D-duh e nakita ko na yan dati" depensa ng dalaga 

"Ibig sabihin noon ka pa naninilip?" nang aasar na nag kunwaring nagulat na tugon naman ni Blake, agad syang hinarap ni Rynnah at lumapit sa kinaroroonan nya

"HOY!" duro ni Rynnah "Anong akala mo pinag nanasaan kita?" nakapamewang na dagdag pa nito

"Ikaw nag sabi nyan" kibit balita ni Blake

"Ano namang sisilipin sa katawan mo, patingin nga" pag sisimula ni Rynnah sa pambubuyo

"Rynnah, grabe ha? Gusto mo talaga?" kunwaring napapa atras na tanong ni Blake habang nakahawak sa twalyang nakatapis sakanya

"Asan ba kasi? Wala naman ka silip silip" muling sabi ni Rynnah na lumalapit sa papaatras na si Blake

"Gusto mo talaga?" tanong ni Blake at tumigil sa pag atras

"Asan?" hamon ni Rynnah

"Gusto mo nga?" matigas na tanong ni Blake but this time sya naman ang humahakbang paharap.

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon