CHAPTER 23

580 88 22
                                    

"I have to go, mag memeet kami ni mommy" agad na paalam ni Carrie sa mga kaibigan ng matapos ang klase. Ni hindi na hinitay ni Carrie ang mga sasabihin ng mga kaibigan at dalidaling lumabas ng classroom.

"Himala at mukang atat na atat mommy nya na makita sya." puna ni Gabby pag ka alis ni Carrie habang nag aayos sila ng gamit ni Rynnah. Maging si Rynnah ay nag tataka dahil mukang emergency ang magiging pag kikita ni Carrie at ng ina nito. Madalas nilang naabutan si Carrie na nasa phone na pinipilit o wari mong pinapakiusapan ang ina nya na makipag kita sakanya. Ang alam ng mag kaibigan ay masyadong busy ang ina ni Carrie kung kaya't minsan lang mag kita ang dalawa at madalas bago pa makita ni Carrie ang ina ay kailangan pa nitong humingi ng kumpirmiso. Tatlong beses palang nila na memeet ang mommy ni Carrie at ang huli nga ay noong nag shoot silang tatlo para sa annual pictorial nila para maging cover ng isang magazine. Habang hindi naman kilala nila Rynnah ang tatay ni Carrie dahil ni minsan ay hindi pa nila ito nakikita

"Okay na din yun, alam mo namang hirap kumuha ng schedule si Carrie sa time ng mommy nya" sagot naman ni Rynnah.

"Bish umamin ka nga sakin, may alam ka ba sa ligawang naganap kay Carrie at Blake?" tanong ni Gabby. Maging si Rynnah ay wala ding ideya kung paano nag simulang lumabas ang dalawa dahil madalas naman na kasama nya si Blake nitong mga nakaraang linggo at ni wala ding nabanggit ang kaibigan

"Ang naalala ko lang nung tinanong ko sya kung nagagandahan sya kay Carrie tapos sabi nya oo daw, maganda daw si Carrie. Well, sino bang hindi nagandahan sakanya" walang ganang sagot ni Rynnah

"E bat mo tinanong kung nagagandahan sya kung alam mo na palang maganda si Carrah Misakie!" tanong muli ni Gabby

"W-wala lang"

"Sus sabihin mo may gusto ka kay Blake" singit ni Zhiek na syang kinagulat ng dalawa. Hindi nila kaklase si Zhiek sa isang subject na naiadvance na ng binata nung summer ang subject na ito kung kaya't pag ganitong araw ay hinihintay nalang ni Zhiek si Gabby hanggang matapos ang last subject

"hoy Zhiek Ford! Wag kang ma issue!" sabi ni Rynnah at mas lalong minadali ang pag aayos ng gamit

"Hindi nga Bish? Sa tagal nyong friends ni Blake hindi ka nag kagusto sakanya?" tanong ni Gabby.

"Psh! Sya nga hindi nag kagusto sakin, ako pa kaya? ASA SYA!" masungit na sabi ni Rynnah at agad tinalikuran ang mag nobyo ng matapos mag ligpit ng gamit. Sinundan naman sya ng dalawa at pinagitnaan habang nag lalakad sa kahabaan ng hallway

"Tayo tayo lang Bish, you know you can trust us. At alam mo namang mas mahal kita kesa kay Carrie kaya secret lang" pag gatong ni Gabby

"Wala nga!" muling maang ni Rynnah

"Kahit 0.1%?" tanong ni Zhiek

"Wala, wala, wala!" pag mamatigas ni Rynnah

"Si Blake yun diba? Kasama ni Carrie." sabi ni Zhiek

"Saan?" tanong ni Rynnah at sinundan ang tingin ni Zhiek. Nakita nyang nakaakbay si Blake kay Carrie habang nag lalakad ang dalawa sa field at mukang papunta sa parking lot

"Kala ko i memeet ni Carrie mommy nya?" tanong ni Gabby

"Baka ipapakilala na si Blake" gatong ni Zhiek

"Nux exclusive! Pinapakilala sa nanay" sabi ni Gabby. Sinamaan ni Rynnah ng tingin ang dalawang taong pumapagitna sakanya

"Mga chismosa at chismoso, che!" sabi nito at saka muling iniwan ang dalawa at dali daling tumakbo sa hagdan

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon