CHAPTER 31

560 84 9
                                        

Maagang umalis ang mag kakaibigan sa Baguio upang abutan ang kanilang 1:35 P.M na flight dahil nasa lima hanggang anim na oras pa ang byahe patungo sa airport. Dalawang araw lamang ang inilagi nila sa Baguio at agad na nag pa book ng flight paatungo ng Cebu mula sa DMIA airport sa Clark Pampanga.

Mag mula Mactan International Airport sa Cebu ay susunduin sila ng tourist van nila Wayne patungo sa Movenpick kung saan ang destinasyon nila. Apat na oras ang byahe mula himpapawid at nasa 10-15mins naman pag kalapag lulan ng van.

Tahimik ang lahat habang nasa byahe, ito rin ang isa sa naging dahilan kung bakit naisipan na nilang lisanin ang baguio dahil matapos ang eksena sa Burnham Park ay parang naging mabigat na aura ng lahat. Kung kaya't sinuwesyon ni Wayne na mag tungo na sa Cebu para maiba at mabago ang environment ng lahat, pabor naman ito kila Blake at Rynnah upang masimulan na ang talagang sadya nila sa Cebu, ang hanapin ang kanilang Uncle Sean.

Nakarating ang mag kakaibigan pasado alas sais na ng gabi. Sa lobby pa lamang ay mapapansin na ang modernong itchura ng hotel/beach/resort na kanilang pinuntahan kung saan isa ang pamilya nila Wayne ang may ari. Mayroon itong Blue, Green and white interior design. Dahil naabisuhan ni Wayne ang lugar sa pag dating nila kung kaya't malugod silang tinanggap sa entance. Mayroong binigay na complimentary chocolates and drinks para sakanila.

"Dayun kamo ug unta malingaw mo" bati ng isang staff na halatang masaya dahil sa wakas ay dumating na ang mga inaasahan nilang bisita (A/N: Welcome and enjoy your stay)

"A-ang ganda naman dito" manghang wika ni Rynnah

"Mas maganda ka crush" abot tenga ang ngiti naman na tugon ni Wayne

"Ayeiii" 

"Si sir Wayne sa wakas ay lovelife na"

"Bagay sila"

ilan sa kumento ng mga tauhan na nasa lobby.

"Hoy Avila, tigil tigilan mo nga yang kabaduyan mo ha!" hirit naman ni Blake

"Grabe ang gwagwapo ng mga kasama ni Sir Wayne"

"At ang gaganda din ng mga babae nilang kasama"

muling bulung-bulungan ng mga sumabulong sakanila.

Mayroong gameroom ang nasabing resort. It has billiard table, chess board,and a XBOX available for use.

"Where are we going to stay? Do you reserve one bedroom each for all of us?" bugnot na tanong ni Carrie

"Miss Carrie may Ibiza Loft po na exclusive for Avila Family, yun po ang pina prepare ni Sir Wayne to accommodate you and your friends po." saad ng isang receptionist, kumunot ang noo ng lahat at nag duda kung bakit kilala ng mga ito si Carrie

"Bakit kilala ka nila?" tanong ni Khaye

"I stayed here for vacation before" maikling sagot ni Carrie, pero hindi kuntento si Khaye sa sinagot ni Carrie at palagay nya ay hindi nag kataon lang iyon.

"Why not a Presidential Suite? Kagaya ikung san ako nag stay dati?" tanong muli ni Carrie

"Maam ang Ibiza Loft po ang pinaka maganda sa accommodation namin, at yung loft po nila si Wayne ay mas malaki sa ordenaryong Ibiza Loft" paliwanag muli ng babae

"Kung gusto mo, kami nalang don tapos ikukuhanan ka namin ng Presidential Suit na para sayo lang" nangbwibwisit na saad ni Khaye

"No thanks"  pairap na sagot naman ni Carrie

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon