CHAPTER 19

540 81 25
                                    

Hindi mag kamayaw ang tao sa pag sigaw ng sawakas ay dumating na ang pinaka aabangan na main event. A race between two outstanding car racers, Anita and Gabby. Lamang si Anita dahil gamay nya ang track kung saan sila mag lalaban ng katunggali ngunit kampante si Gabby sa angking kakayahan sa karera. Habang abala sa pag sasalita ang announcer ay abala na din ang dalawang mag katunggali sa pag aayos ng sarili.

Nakatayo ang mag kakaibigan sa VIP section kung saan sila manonood, habang si Zhiek naman ay kasama ni Gabby na nag aayos sa track. Nakapwesto na ang dalawang sasakyan ng mag katunggali at maangas na pinapatunog ni Anita ang leeg na mukang handang handa na sa laban

"You can do this baby ok?" sabi ni Zhiek sa nobya habang inaayos ang buhok nito

"Yes baby" sagot ng dalaga

"Goodluck, win this game okay? Importante to kay Rynnah" paalala ni Zhiek sa nobya

"Yes baby, I wont let my bish down." nakangiti at malakas ang kumpyansa sa sariling sabi ni Gabby

"Goodluck baby, I love you. Mag iingat ka" sabi ni Zhiek at saka hinalikan si Gabby sa noo

"Yes, opo!" sagot ni Gabby, si Zhiek ang nag lagay ng helmet ni Gabby at chineck mabuti ang nobya kung ayos na ba lahat

"I'll go ahead baby, i love you" sabi ni Zhiek bago tuluyang umalis at nag tungo sa lugar kung nasaan ang mga kaibigan.

Tinignan ni Anita ang katunggaling handang handa na

"Gear up? Handa na matalo?" tanong ni Anita, binuksan ni Gabby ang helmet umapang makapag salita

"Keep on dreaming b*tch" sagot ni Gabby, nginisian lang sya ni Anita at saka nag suot na din ng helmet

"Areeeeeeeee you readyyyyyyyy!?" sigaw ng announcer at nag tilian ang lahat, pumasok ang dalawa sa kanikanilang sasakyan. Pumagitna ang isang sexyng babae na syang mag huhudyat sa laban. Gigil na tinapakan ng dalawa ang pedal ng accelerator.

Ibinaba ng babae ang  flag hudyat ng Go. Gabby automatically shifted her car gear, ilang sandali lang ay tinahak na ka agad ni Gabby ang isang sharp edge, pumwesto sya sa gawing kaliwa upang hindi mahirapan sa pag liko sa kanan. Nauna si Anita, at hinarangan nito ang daan ni Gabby, pumagitna ito kung kayat hindi maka ungos si Gabby

"Shit, shit shit!" sigaw ng dalaga sa sasakyan, hindi mapag kakaila na nahihirapan ang dalaga sa liit ng track, kahit anong angas ng sasakyan nyang si Evo ay mas lamang parin ang Honda-ng dala ni Anita dahil sa gaan nito. "Fvck that old b*tch" inis na sabi nito

Bahagyang nag break si Gabby at muling nag shift ng gear upang pakiramdaman ang kalaban. Sa kabilang banda nakangisi at tuwang tuwa naman ang kalaban na si Anita.

 Nang mapansin ni Gabby na nakakampante na ang kalaban ay agad nag bago ang gear nito, mabilis syang nakahabol at naungusan ang kalaban ng muling nakarating sa isang sharp edge. Tinancha ng dalaga ang haba pa ng track at ang pwesto nya

  Break, shift, turn, gas , kalkuladong kalkulado na ni Gabby ang gagawin kada liliko ito.

"Habol tanda!" sabi nito sa sarili habang sinisilip sa salamin ang kalaban,

Gabby's hands are at 9 and 3 oclock position in her steering wheel, muling sumulyap ito sa salamin ng mapansin na papalapit na si Anita, hindi mabasa ni Gabby ang galaw ng sasakyan.

"Fvck liliko!" sambit nito, paliko na muli sya ng gitgitin sya ni Anita. She needed to step up on break because the space where she suppose to turn is now occupied with Anita's car. At dahil magaan ang sasakyan ni Anita ay madali lamang ito makakalusot dito. Pero sa kabilang banda kung mag brebreak sya ay matatalo sya. Kung itutuloy naman nya ay maari syang sumalpok sa harang at maaksidente. Isa nalang ang pwede nyang gawin, ang gamitin ang 6th gear ng sasakyan ngunit kapag nag kamali sya ay maari nya din itong ikadisgrasya. "For my bish!" kinagat ni Gabby ang dila at saka muling nag shift ng gear, halos mag kapantay na sila ni Anita, gitgitan ang laban, sinilip nya ang kalaban at naka ngisi ito. Mas lalong inilapit ni Anita ang sasakyan kung kayat na corner si Gabby "Ang dumi mong mag laro!" sigaw ng dalaga, inapakan ni Gabby ang break dahil kung hindi ay mag babanggan sila. Ngunit dahil sa mabilis nitong takbo ay nag paikot ikot ang sasakyan nya "Kalma Gabby, kalma" sambit nya sa sarili. Ilang beses pinalit palit ni Gabby ang gear hanggang sa huminto ito sa pag ikot.

"Bisssh" sigaw ni Rynnah ng masaksihan ang nangyayari "Tama na, puntahan natin si Gabby baka napano sya!" di mapakaling sabi ni Rynnah. "Zhiek, si Gabby. Tara!"magiyakngiyak si Rynnah habang inaaya na ang lahat na puntahan si Gabby

"Pakshit! Ang dumi ng kalaban ni Gab" kumento din ni Khaye. 

Hinihintay naman ni Zion at Blake ang magiging desisyon ni Zhiek. Habang walang ganang naka upo lamang si Carrie na parang walang pake sa nangyayari

"No" tiim na sabi ni Zhiek "I know my girl, she'll win this game" malaki ang kumpyansang sabi ni Zhiek

"Pero nakita mo yung nangyari, paano kung ano pang gawin ni Anita! Madumi sya mag laro. Tama na baka anong mangyari kay gabby" pakiusap ni Rynnah

"Trust her Rynnah, my baby can manage it" maya maya pa at muling tumunog ang sasakyan ni Gabby. Mukang galit na sumisigaw si Evo at handa na muling humabol. 

Sa kabilang banda ng makabawi ang sasakyan ni Gabby ay tumalim ang tingin ng dalaga.

"Masyado kang madumi, kailangan mo atang mag linis. B*tch" at muling gigil nyang inapakan ang pedal ng accelerator. "We can do this Evo" sabi ni Gabby at parang may sariling buhay naman ang sasakyan nya na nakikisabay sa bawat kambyo at papalit palit na apak ni Gabby sa break at clutch.

Nang maabutan si Anita, ay si gabby naman ang nang gitgit dito. Hindi sanay ang dalaga sa madayang paraan ng pag lalaro, ngunit kailangan nyang gawin to. Inilapit ni Gabby ang sasakyan kay Anita. Ang klase ng sasakyan ni Anita ay mahihirapan kontrolin ang manumela nito kung bigla itong liliko.

Ilang pulgada lang ang layo ni Gabby. 

"Lets go EVO!" sigaw nito, tinantya ni Gabby ang huling sharp edge na tatahakin. Hindi nya tinantanan ang pag dikit kay Anita. Nang makarating sa sharp edge ay agad nag palit ng gear si Gabby kung kayat naka ungos sya kay Anita. Pag liko ni Gabby ay sinilip nya ang nasa likuran na katunggali. Nag diredireco ang sasakyan ni Anita sa gilid at inararo nito ang damuhan. "That's the way i slap! Kanang sampal pa lang yan, b*tch" at saka unti unting binaba ni gabby ang speed.

"See what I mean" nakangiting sabi ni Zhiek kay Rynnah ng marating ni Gabby ang finish line.

Nag tatalon sa tuwa si Khaye habang si Zion naman ay napa nganga sa mangha. Wala sa sariling nag akapan si Blake at Rynnah sa tuwa.

"Pwede namang iba ang akapin, wag yung pag mamay-ari ng iba" singit ni Carrie na syang naging dahilan kung bakit kumalas si Rynnah sa pag kakayakap

"S-sorry" tiim na paumanhin ni Rynnah at inirapan sya ni Carrie

Binaling nalang ni Rynnah ang atensyon sa papalapit na si Gabby. Nakangiti ito ng tinaggal ang helmet, sinalubong sya ni Zhiek at inakap

"That's my girl!" sabi ni Zhiek "But dont do that again baby" paalala ni Zhiek dahil maging sya ay kinabahan sa ginawa ng nobya

"Yes, opo!" sagot ni Gabby.

Agad nag tatakbo si Rynnah para akapin si Gabby

"Thank you bish! Thank you. Sobrang galing mo!" sabi ni Rynnah habang magiyak ngiyak na inakap si Gabby

"no worrie bish! salamat sayo! nawala boredom ko" natatawang sabi ni Gabby.

"Nice game" napukaw ang atensyon ng lahat ng marinig ang boses ni Anita "Marunong ako tumupad sa usapan, kaya ito na ang microchip" binuksan ni Anita ang pendat ng kwintas nya at inabot ang microchip kay Rynnah. "Pakisabi kay Madeline na ang swerte nya" sabi ni Anita at pilit na ngumiti ang tinalikuran ang mag kakaibigan

"B*tch!" sigaw ni Gabby kay Anita kung kayat muling humarap ito "Sa susunod wag kang madumi mag laro, nag muka ka tuloy cleaners nung nilinis mo yung field! Sa track ka mag race ha wag sa damo" kantyaw ni Gabby. Ngumisi si Anita at tuluyan ng iniwanan ang mag kakaibigan.

-----

A/N: Try ko pa ulit pag update mamayang gabi after Mass :) 

Simbang gabi na. Sali kayo sa writing contest ha! Kaway sa Zhiebby babies! Gabby bish babies! Vote and Comment!




Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon