CHAPTER 33

554 81 15
                                    

"Dahil sa isang picture sa notebook na naiwan ni Carrie dati." kumunot ang noo ni Khaye sa sagot ni Wayne.

"So kilala mo pala si Carrie noon pa?" tanong ni Khaye

"She had her vacation here before, kaya ko sya nakilala at ngayon nalang kami ulit nag kasama" wika ni  Wayne, may hakahaka si Khaye na hindi nagkataon ang pagkikita ni Wayne at Carrie ngunit base sa sinabi ni Wayne ay mas lalong naguluhan ang dalaga.

"Goodnight Avila" paalam ni Khaye, hindi nya magawang magtanong ng magtanong sa binata dahil baka makahalata ito

"Paki check naman Khaye kung ready na si Rynnah? Aalis kasi kami ni crush. Salamat" muling bumalik ang abot tengang ngiti ni Wayne. Tumango lamang si Khaye bilang tugod at pumasok na sa silid nila.

Inaya ni Wayne si Rynnah na lumabas para ipasyal sya sa pinaka paboritong lugar ni Wayne dito sa Cebu.

Nagmunimuni ang binata habang hinihintay si Rynnah, at muling umusbong sa ala-ala nya ang sagot sa likod ng tanong ni Khayeden kanina.


....

He's too busy pressing the doorbell button of Carrie's hotel room, Wayne is planning to invite Carrie for an activity that will be held at the resort at lahat ng guest ay welcome sumali.

"Sir Wayne, nag check out na po yung guest sa room na yan" saad ng isang hotel staff na sa palagay ni Wayne ay mag lilinis ng hotel room kung saan nag check in si Carrie.

"Kanina pa ba sya nag check out?" usisang tanong ni Wayne dahil kagabi ay kasama nya pa ang dalaga

"Kaninang nine a.m pa po sir Wayne" wika ng room attendant at tuluyan ng pumasok sa hotel room, sumunod naman ang binata papasok. "Dapat nga po sa isang araw pa ang check out nya kaya lang po sinundo sya ng mommy nya po ata yun" dagdag pa ng kausap ni Wayne

"Kaya pala hindi nya nabangit sakin na aalis na sya, biglaan pala" saad ni Wayne habang ginagala ang paningin sa hotel room. Napansin nya ang isang notebook sa may side table na mukang naiwan ni Carrie. Binuklat ito ni Wayne, simpleng notebook lang ito na parang ginawang planner para sa mga activities na gustong ma try ni Carrie sa Cebu. "Sige kuya alis na ako" paalam ni Wayne sa kausap na abalang nag lilinis ng hotel room, binitbit na din ni Wayne ang notebook na naiwan ni Carrie at bumalik sa Ibiza Loft kung saan sya nag sstay kasama ang tatay-tatayan na si Sean Cade

"Akala ko ay aalis kayo ni Carrie?" tanong ng ginoo pag pasok ni Wayne ng kwarto

"Umalis na daw sya papa, naiwan nya nga po itong notebook nya" sabay pakita ni Wayne sa naiwang notebook ni Carrie "Sino ba ang mga magulang ni Carrie papa?" usisa ni Wayne.

Bata pa lamang si Wayne ay madalas na syang na kwekwentuhan ng ama ng mga karanasan nito, maging ang mga dating kaibigan nito ngunit ni minsan ay walang nabangit na pangalan ang kanyang tatay tatayan maliban sa pangalang Madeline at mga codenames. 

Minsan nakwento ng ginoo sa binata ang dalawang kaibigan nito na nag kahiwalay ng halos limang taon at sa dulo daw nito ay nag kabalikan parin ang dalawa. Maging ang kakaibang storya ng dalawang kaibigan ng ginoo na may mag kaibang mag kaiba ang ugali ngunit nag katuluyan.

May mga pag kakataon na iniimagine ni Wayne noong bata palang sya ang sarili na nasa sitwasyon tulad ng kwinekwento ni Sean sakanya. Lagi nyang sinasabi sa sarili na balang araw daw ay magagawa nya din ang mga ito sa babaeng magugustuhan nya. 

"Anak si Carrie ng taong gumamit sa mama mo para pag hiwalayin kami noon ni Madeline" tiim na sagot ni Sean. Maging ang storyang ito ay naikwento na sakanya ngunit wala syang ideya sa mga pangalan ng mga taong ito. Nakaramdam sya ng galit, alam nyang hindi dapat madamay si Carrie sa nagawa ng magulang nya ngunit sadyang galit ang naramdaman nya ng mapagtanto na anak ito ng babaeng sakim na ginamit ang kanyang ina para sirain ang relasyon ng kanyang tatay-tatayan at ng nobya nito noon

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon