CHAPTER 16

700 78 16
                                    

*Sa mga nakapansin na walang Chapter 14 last time, kusa syang na delete pero na retype ko na. Paki check! Salamat

-----

"Hi Doc Adrian" bati ni Reatha pag kadating ni Doc Adrian sa bahay na tinutuluyan nila. Sinuwesyon ni Reatha na sa may Mayantoc Tarlac na sila mag kita kita, but Doc Adrian insisted na daanan na sila dahil malapit lang naman ang Sta Ignacia sa Mayantoc "Baka gusto mo munang kumain?" aya ni Reatha sa kakarating na Doctor. Hinintay ni Reatha ang Doctor sa may gate habang naka antabay naman ang tatlo sa may pinto ng bahay

"Gwapo yung Doc Adrian ha, boyfriend ba yan ni Ate Reatha?" tanong ni Rynnah

"Mukang pumoporma e" sagot naman ni Blake habang tinitignan ang dalawang doctor sa may gate ng bahay

"Ang gwapo, kung manliligaw kay kay Ate Reatha for sure malaki chance nyan" sabi ni Rynnah, napantig naman ang tenga ni Zion sa narinig

"Anong gwapo dyan? Maputi lang kaya" sabi ni Zion, agad napalingon ang dalawang mag kababata sa binata at tinignan ito mula ulo hanggang paa

"Mag kasing gwapo lang kayo Kuya Zion mag kaibang paraan lang. Pero mas lamang sya kasi muka syang matino ikaw babaero ka" sabi ni Rynnah

"Oo nga bro, mukang stick to one" gatong pa ni Blake

"Mas gwapo naman ako dyan noh! Tignan mo mabuti Rynnah," at nilapit ni Zion ang muka sa dalaga "Napaka perfect ko diba? Im so handsome!"

halos mapaatras naman si Rynnah sa pag ka asiwa sa lalakeng pinsan na sobrang lapit na ng muka sakanya

"Layo mo nga yang muka mo kay Rynnah!" suway ni Blake kay Zion

"Asus selos naman to" sabi ni Zion

"B-bakit naman sya mag seselos? E-e pinsan kita s-saka kaibigan ko lang yang si Blake noh" utal na sabi ni Rynnah.

Pinitik ni Zion ang ilong ni Rynnah

"A-aray naman kuya zion!" daing ng dalaga

"Hindi para sayo yung selos. Bromance kami" atsaka niapit ni Zion ang muka kay Blake "Ayan na Baby Blake wag ka na ag selos kay Rynnah ilalapit ko na din sayo ang super perfect face ko" 

"Tumigil ka nga dyan, kadiri ka!" suway muli ni Blake

"Sus maka kadiri naman to, pustahan pinag nanasaan mo din ang super perfect na kagaya ko" pag yayabang ni Zion

"Bro tignan mo o" sabi ni Blake at tinuro ang dalawang doctor na nasa gate, napuwing si Reatha at hinihipan ni Doc Adrian ang mata nito. Sobrang lapit ng mga muka nila sa isat isa. Akmang susugod si Zion sa dalawa ng pigilan sya ni Rynnah

"Bat ka susugod?" tanong ni Rynnah "Selos ka noh?" biro nito

"B-bakit naman ako mag seselos" utal na sabi ni Zion at pumirmi muli sa kinatatayuan 

"Tsktskstk yan na nga ba ang sinasabi ko, kahit sinong babaero talaga may katapat din" sabi ni Rynnah

"Sinong may katapat? A-ako? Hindi pa pinapanganak ang babaeng makakatapat ko" pag yayabang ni Zion na muling nilalapit ang muka kay Rynnah

"Hahalikan ni Doc Adrian si Ate o!" pag bibiro ni Rynnah kaya agad nilingon ni Zion ang dalawa. "Joke lang! Tsktsk hindi daw nag seselos"

"Ikaw talagang bata ka!" muling pinikit ni Zion ang ilong ni Rynnah

"Ewan ko sayo Kuya Zion ang torpe torpe mo kasi, nabansagan pa manding babaero tss" sabi ni Rynnah

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon