Titig na titig si Rynnah sa isang billboard kung saan ang kaibigan nyang si Carrie ang model habang nag mumunimuni sa rooftop ng condo. Kasabay ng pag hampas ng malamig na hangin sa kanyang muka ang sunod sunod na pag buga nya ng malalim na pag hinga.
Ginaya ng dalaga ang fierce look na pose ni Carrie gaya ng nasa billboard na kanina pa nya tinititigan.
"Sus sisiw, mas fierce pa nga ko dyan" sabi ng dalaga sa sarili "Woohhh Rynnah, pampalubag loob pa sige kaya mo yan" muling kausap ng dalaga sa sarili at saka muling nag pakawala ng isang bugtong hininga.
Samantala, kanina pa sya pinag mamasdan ng isang binata na aliw na aliw sakanya. Ngingiti ngiti na napapailing ito lalo na nung nakitang nag pose si Rynnah.
"Mas maganda lang sya ng dalawang paligo, dadalasan ko na talaga ang paliligo ko ng makahabol ako" muling sabi ng dalaga sa sarili habang pinag aaralan parin ang itchura ng kaibigan sa billboard. Ramdam ni Rynnah ang namumuong insecurity sa katawan buhat ng talagang mag sink in sa utak nya na mag nobyo na si Blake at Carrie
"Mas maganda ka pa dyan, naka photoshop lang yan" nagitla si Rynnah sa biglang nag salita sa likuran nya, kung kayat agad nya itong nilingon
"S-sino ka? Multo ka ba?" tanong ng dalaga, bawal ang tumambay sa rooftop pero dahil sila ang may ari ng condo unit na ito ay walang nakapigil sakanya
Napangiti ang binata sa bungad ng dalaga sakanya "Hindi ako multo, tao din ako gaya mo" nakangiting sabi ng binata
"B-bakit ka nandito? Bawal tumambay dito" sabi ng dalaga na humahangos parin sa pag ka bigla
"Bawal pala, e bakit nandito ka?" tanong ng binata, muling inalis ni Rynnah ang paningin sa gwapong binata at muling ibinaling sa billboard
"E exception ako, samin tong bldg e" sabi ng dalaga, lumapit ang binata at pinag masdan ang dalagang hindi mapukaw ang atensyon dahil sa pag kakatitig parin sa billboard
"Im Wayne" pakilala ng binata, tignan ni Rynnah ang estrangherong kasama. Hindi maitatangging gwapo ito at parang familiar ang itchura "Bagong lipat lang kasi ako kaya hindi ko alam na bawal palang tumambay dito sa rooftop" dagdag pa ng binata
"Alam mo familiar yung itchura mo, have me met?" tanong ni Rynnah
"Kasunod ba nyang tanong na yan kukunin mo yung number ko tapos magiging close tayo tapos lalabas tayo, nako miss ha marupok ako minsan wag kang mag the moves" biro ng binata, natawa si Rynnah sa kakapalan ng muka ng binata
"Rynnah" this time si Wayne naman ang nag isip na parang narinig na nya ang pangalang yon, ngunit isinawalang bahala nya nalang muna nya ito
"Bakit mo kinukumpara yung sarili mo sa model na yan?" tanong ni Wayne sa dalaga
"Wala lang. Parang ang perfect nya kasi, parang kahit sinong babaeng gugustuhing maging kagaya nya. Tapos kahit sinong lalake parang gugustuhin maging boyfriend nya" sabi ni Rynnah na nakabaling muli ang atensyon sa billboard ni Carrie, aminado ang dalaga na nilalamon na sya ngayon ng pag ka insekyurada nya. Ngunit hindi parin naalis ang mga mata ni Wayne kay Rynnah
"Hindi naman siguro lahat ng lalake" sagot ng binata, tinignan ni Rynnah si Wayne ng nag dududang mga mata
"Bading ka ba?" tanong nito "Bading nalang siguro ang hindi mag kakagusto kay Carrie e" sabi pa ng dalaga. Natawa si Wayne sa inasta ng dalaga.
"Hindi ako bading noh" sagot nito "She's typical. Nothing special about her. She's pretty, famous, reserved. Typical na katangian ng mayamang dalaga na iniingatan ang pangalan."
"Kilala mo sya?" tanong ni Rynnah "Sabagay, sino ba naman hinid makaka kilala sakanya"
"Exactly, typical" sabi ni Wayne "Iniingatan nya yung pangalan nya kaya maingat ang bawat galaw nya." at saka binaling ang paningin kay Rynnah "Hindi kasing special na bigla ka nalang mapapangiti kapag nakita mo sya, hindi kasing special na ma aattract ka sa weird stuff na ginagawa at kinikilos nya, hindi kasing special mo. Kaya wag mong ikumpara yung sarili mo sakanya" namula si Rynnah sa sinabi ng binata. Marahil ito ang unang pag kakataon na nakumpara sya kay Carrie na mas naging angat sya sa kaibigan.
"Hoy! Pang ilang babae na kong ginamitan mo ng ganyang linya mo ha!" maangas na sabi ng dalaga
"See, makikita mo ba si Carrie na gagawin yang ganyang asta? Hindi diba? Pero kung tutuusin ikaw kaya mong gayahin yung kilos nya." naisip ng dalaga na may point ang sinasabi ng kausap
"Kaibigan ko yang babaeng maganda na yan, kaya wag kang nag sasalita ng negative dyan!" sabi ni Rynnah at saka muling binaling ang paningin sa kanina pa tinitignan na billboard
"Baka naman matunaw na yang billboard ng kaibigan mo sa kakatitig mo ha" biro ng binata
"Iniisip ko lang, ano kayang pakiramdam na maging sya. Yung lahat hinahangaan sya, lahat nagugustuhan sya." may kung anong kirot na naramdaman si Rynnah ng sumagi sa isip nya na ano kayang pakiramdam na magustuhan ng lalakeng matagal na nyang gusto
"Tingin ko boring" sagot ni Wayne "Kasi yung mga taong humahanga sakanya napapanganga lang nya, pero yung mga taong hahanga sayo mapapatawa at mapapangiti mo. Patingin nga ulit nung pose mo kanina" sabi ng binata at saka tumawa
"Loko ka ahh, kanina mo pa ko pinapanood?" tanong ni Rynnah
"Oo, nakaka aliw ka e" sabi ng binata at inilapit ang muka sa muka ni Rynnah. Mas lalong namula ang pisngi ni Rynnah ng maramdaman nya ang pag hinga ng binata "Rynnah Krixel Lopez" dagdag pa nito at saka ngumiti. Dahan dahang inilayo ni Wayne ang muka sa dalaga habang pipikit pikit naman si Rynnah sa gulat "Sabi ko na e, kilala kita"
"S-sino ka ba?" tanong ni Rynnah
"Wayne nga, Wayne Avila" napanganga si Rynnah ng rumihistro sa isip nya ang pangalan ng kaharap na binata
"Yung varsity player?" gulat na tanong nito. Mailap sa tao ang mvp player na si Wayne Avila, madalas ay sa malayo lang ito nakikita ni Rynnah kapag obligado silang manood ng laro ng eskwelahang pinapasukan. Ito rin ang Wayne na tinutukoy ni Carrie na kailangan maungusan ni Blake para makuha ang title na King Of The Night.
"See you around Rynnah Krixel" nakangiting sabi ng napakatangkad ng binata na pilit ibinaba ang muka para mag pantay sila ng tingin ni Rynnah.
Tumalikod ang binata at iniwan ang nakatulalang si Rynnah,
"Sya nga pala" muling baling ni Wayne kay Rynnah ng makarating sa pinto pababa ng rooftop "Crush kita!" sigaw nito at saka ngumiti ng abot tenga sa dalaga. At saka tuluyang umalis sa rooftop
Nakabibinging kabog lamang ng tibok ng puso ni Rynnah ang narinig nya ng mga sadaling iyon. Hinawakan ng dalaga ang kaliwang parte ng dibdib para pakalmahin ang sarili
"A-ang ganda ko ah" wala sa ulirat na sabi bulong nito sa sarli.
------------
A/N: #DearPastWP follow nyo accounts nila @DPRynnahKrixel @DPCarrie @DPReathaAlexine @DPKhaye sa twitter. Tas ask nyo nalang sila sa account nun iba pa nakalimutan ko e haahahaha! Nag hahanap pa kami ng active na operators! :)
Nga pala basahin nyo yung story ni Zion at Reatha Pakisabi Nalang title hanapin nyo sa account ko. Pero bawal sa bata yun dahil medyo SPG ayun lang! Vote Comment
