"Nandito tayo ngayon sa muling pag bubukas ng tanyag na Paskuhan Village dito sa Makati, maraming pakulo ang nasasaksihan natin na ginagawa ng ilang kabataan ngunit sadyang agaw atensyon ang pag aayos ng set para sa isang banda sa harap mismo ng Village kung saan lahat ng taong nag hihintay at nag aabang sa pag bubukas nito ay nakikiusyoso kung sinong banda nga ba ang tutugtog maya maya dito. Nakapanayam din natin ang ilan sa mga tauhan ng Village at sinabing wala silang inaasahan o ininbitahan na banda" malakas at bibong pag aanunsyo ng isang news reporter. Twing sasapit na ang pasko ay binubuksan ang isang paskuhan village kung saan taon taon ay iba ang tema. Ngayong taon ay White Christmas ang tema ng Village na ito kung saan mag kakaroon ng fake snow sa buong Village at talagang mararanasan ng tao ang white christmas.
Ilang minuto nalang ang hihintayin bago buksan ang Village, nang pumasok ang isang puting grand starex, agad nahawi ang kumpulan ng mga tao at ilang mga bulung-bulungan ang maririnig sa mga ito. Agad nag radio ang guard na syang bantay sa malaking gate ng Paskuhan Village at nang mag karoon ng signal ay pinapasok ang grand starex. Huminto ang van sa tapat ng naka set na kagabitan pang banda.
Nang mag bukas ang pinto ng van ay nag tilian ang lahat ng unang bumaba si Khaye hawak ang pulang drumsticks habang pinag lalaruan sa kamay, naka suot ito ng pulang palda at puting tops habang nag lagay ng pulang kurbata, nakalugay ang unat na unat at makintab na buhok. Patuloy na ikinumpas ni Khaye ang kamay habang hawak ang drumsticks paraan nya para kumaway sa mga fans
"Omg No U-Turn!!!!! Khaye!! iloveyou!!"
"Khayeeeeeeee astig mo!!"
"NO U-TURN! NO U-TURN! NO U-TURN!!!!" sigawan ng mga tao, isa ito sa strategy na naisip ng management. Ang iayon sa pangalan ng grupo ang pe-perform, pupunta sila sa iba't ibang lugar para mag perform ngunit hindi kagaya sa mga nakagawian na gig ng mga banda, kundi sa mga lugar gaya ng ganitong event, kahabaan ng edsa, o sa hallway ng universities. Basta hindi sa kagaya ng mga nakagawin ng mga sikat na banda na may stage o di kaya ay sikat na mga resto bars.
Sumunod na bumaba si Zhiek, nakasuot ito ng polo sa loob na pinatungan ng itim na merico v-neck sweater, mas lalong nag tilian ang mga kababaihan ng kumaway sakanila si Zhiek
"Zhiebby babies kami Zhiek!!!! We love you daddy!!!"
"Daddy daddy!!! Iloveyou"
"Zhiek iloveyou!!
tilian ng mga kababaihan
Sunod na bumaba si Rynnah, nakasuot ang dalaga ng white dress at pinatungan ng maroon long cut coat. Halos di mag kamayaw ang mga kalalakihan ng makita ang napakaganda at napakaputi na si Rynnah.
"Rynnah fansign please!"
"Rynnah pa picture!"
"Rynnah!!! ILOVEYOU"
"NO U-TURN, NO U-TURN"
hindi na mag kamayaw ang tao lalo ng bumaba ang huling myembro ng grupo na si blake, Nakasuot ito ng simpleng white vneck at pinatungan ng black coat. Inakbayan nito si Rynnah at sabay nag tungo sa naka setup na gamit
"Sila ba?"
"Alam ko friends lang e"
"Na search ko mag kababata sila"
"Nakita ko sa instagram mag kakaibigan parents!"
"Baka sila nga"
"Nako ma brobroken hearted ako pag ganun"
![](https://img.wattpad.com/cover/51776361-288-k887804.jpg)