CHAPTER 3

713 83 8
                                        

My Dearest Skye,

Hindi ako sigurado kung gugustuhin mo bang basahin ito dahil ako nga mismo nagawa mong ipagtabuyan ng hindi manlang binibigyan ng pag kakataong mag paliwanag sayo. Sa mga oras na to, marahil ay malayo na ako sa kinaroroonanan mo. Sa mga oras na to binibigay ko na ang kalayaang hinihingi mo, at sa mga oras na to baka hindi mo na ako ulit makita pang muli.

God knows how much I love you at alam kong alam mo na mahal na mahal kita. Sa sobrang pag mamahal ko sayo, kaya kong gawin lahat ng bagay para sa ikaliligaya mo kahit na alam kong sobrang masasaktan ako. Naalala mo ba nung huling gabi na pinilit kong kausapin ka? Ang sabi mo sakin, kung mahal kita gagawin ko ang bagay na mag papatahimik sayo. Pero hon, hindi naman basta basta yung hinihingi mo e, hiniling mo na mawala na ako sa buhay mo. Then I asked you, kung gagawin ko ba yun makikita naba kita ulit na masaya? And you said yes, kaya ng gabi na yun pinangako ko sa sarili ko na yun nalang ang bagay na pwede kong ibigay sayo. Ang bagay na mag papasaya sayo. Nakuntento ako sundan ka at tanawin ka mula sa malayo kasi hon gusto parin kitang bantayan at siguraduhin na nasa mabuti kang kalagayan. Gabi gabi, twing nakikita kita sa bar ang sakit makita na yung taong mahal mo may kasamang iba. Ang sakit makita na totoo ngang magiging masaya ka kapag nawala ako sa buhay mo. Nakuntento nalang ako na tignan mula sa malayo ang mga ngiti mo. Gustong gusto kong lumapit at sapakin yung mga lalakeng nakakasama mo, gustong gusto kitang hilahin dahil nasasaktan akong makita na sinisira mo ang sarili mo sa bawat lagok mo ng alak at hithit ng sigarilyo. Pero kahit ibang iba ka na ng mga oras na yun, sa paningin ko ikaw parin yung Skye na minahal ko. At dun ko narealize na ako ang lason na sumira sayo.

That night Ive decided to leave, hindi pa ako handing lumayo sayo pero handa na akong ibigay ang kaligayahan na makukuha mo sa pag layo. Pero umaasa ako na isang araw dadating ang panahon na mabibigyan pa muli tayo ng chance dalawa.

Sa mga oras na to, papunta na ako ng Pampanga, naalala mo ba yung bahay na binili ko mula sa sariling sikap at walang tulong ng mga magulang ko? Yung bahay na pinuntahan natin noon, yung bahay kung saan sabay tayong nangarap na bumuo ng pamilya. Yun pangarap natin na dalawang anak, nung iniimagine natin na nag tatakbuhan sila sa hardin habang tayong dalawa masayang pinapanood sila? Naalala mo ba lahat ng plano nating dalawa? Kasi ako Hon oo e, bawat detalye naaalala ko. Pero mukang panahon na para mag paalam sa bawat pangarap na alam kong Malabo ng matupad.

Pero umaasa parin ako, umaasa ako na baka isang araw gumising ka na handa mo na akong patawarin. Mag hihintay parin ako, mag hihintay at aasa parin ako na baka sakaling sundan mo ako. Hinding hindi ko isasara ang puso ko para sayo Skye, mahal na mahal kita.

Mahal na mahal kita kaya pansamantalang pinapalaya na kita.

PS.

Nakausap ko si Chloe, inamin nya sakin na walang nangyari samin nung gabi na yun. Inutusan at blinackmail lang sya ni Anika Charmaine para sirain tayong dalawa. Walang katotohanan lahat ng pictures na nakita mo.

Layuan mo si Anika Skye, please.

Sean

------

Kunot noong ibinalik ni Blake ang sulat na nabasa sa envelop. Mahigit isang oras ng nag hihintay ang binata sa kaibigang si Rynnah sa cafeteria, usapan nila sabay silang mag lulunch pero pasado ala una na ng hapon ay wala pa ang dalaga. Hindi na nagawang hintayin ng binata si Rynnah ng maalala ang huling sulat ni Sean para sa kanilang Ninang Skye para sabay nila itong basahin, may kung anong bagay ang nag uudyok sakanya para buksan ang sulat. Madaming tanong ang sunod sunod na umusbong sa isip ng binata.

Hindi nya maintindihan kung anong pag punta sa bar, sigarilyo at alak ang tinutukoy sa sulat dahil hindi ganun ang pag kakakilala nya sa Ninang niya. Maging ang dalawang babaeng nabangit sa sulat ay madami syang katanungan na alam nyang ang ninang nya lamang ang makaka sagot. Ngunit ang mahalaga may lead na agad sila sa kinaroroonan ng dating Nobyo ni Skye.

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon