"B-bakit sya nasa hospital?" tanong ni Carrie
"Wala ka ba talagang alam? O nag mamaang maangan ka lang?" tanong ni Wayne
Umirap si Carrie sa nag mamatigas na si Wayne "Mag tatanong ba ako kung may alam ako?" pasigaw na sagot nito.
Lumingon si Wayne sa mga hotel staff na nakikiusyoso "Umalis muna kayo" malumanay na utos nito sa mga tauhan. Sumunod naman ang mga ito sa kanilang amo. "Khaye, Zhiek, Gabby. Pwede bang iwanan nyo muna kaming apat?"
Tututol sana si Gabby pero hinawakan sya ni Zhiek sa balikat "Sige babalik na kami sa hotel, maiwan na namin kayo" paalam nito.
"Pwede nyo na bang ipaliwanag samin kung anong tinutukoy nyong dalawa?" tanong ni Blake
"W-wag, please Wayne wag" ang kaninang mataray na aura ni Carrie ay napalitan ng nakakaawang itchura.
"Rynnah, ni minsan ba nakita mo na ang tatay ni Carrie?" tanong ni Wayne kay Rynnah, nag taka naman ang dalaga sa tanong sakanyan.
"H-hindi pa" ni isa sa kanila ni Gabby ay hindi pa nakikita o nakikilala manlang ang tatay ni Carrie, ayaw din naman nilang mag tanong sa dalaga dahil hindi naman nito ito nakwekwento kaya't naisip nila na baka ayaw pag usapan ng kaibigan ang tungkol sa ama.
"Sa palagay mo bakit?" tanong ni Wayne
"S-siguro dahil broken family sila?" may tono ng pag tataka sa boses ng dalaga
"Pwede ba Avila direchuhin mo na kami" saad ni Blake
"Wag" pag tutol muli ni Carrie
"Ikaw Blake, gaano mo ba kakilala ang girlfriend mo?" tanong ni Wayne, natamaan naman ang ego ni Blake sa tanong ni Wayne. Pumasok sya sa kunwaring relasyon nila ni Carrie ng walang alam tungkol sa babaeng tinatawag nyang girlfriend nya. "Hindi ka ba nag tataka bakit bigla bigla nalang syang dumidikit sayo?" dagdag pa nito
"C-carrie? Ano ba to?" tanong ni Rynnah na may halong pag aalala sa boses dahil ayaw nya ang pinupunto ni Wayne sa kaibigan. Maaring mailap si Carrie at may pag ka masungit ngunit mabait ito.
May namumuo ng luha sa mga mata ni Carrie, kahit pilitin ng dalagang ikubli ay hindi nya mapigilan. Kahit ilang beses nyang ipaalala sa sarili nya na dapat nyang ipakita na matapang sya ay parang natupok ito sa isang iglap.
Matagal na nag usap ang mga mata ni Rynnah at Carrie, kahit walang salita ang mamagitan sa dalawa ay nangungusap ang mga mata sa isa't isa. "Carrah Misakie Acosta Agustin yan ang buong pangalan ko." pag suko ni Carrie "K-kapatid ni papa si Cyrus Agustin" nanginginig ang boses ni Carrie habang binabangin ang mga salitang alam nyang mag papabago sa tingin sakanya ng mga taong kaharap.
Sabay na nag bago ang ekspresyon ni Rynnah at Blake dahil sa sinabi ni Carrie.
"I-ikaw yung anak ni Tito C-cloud?" halos puro hangin nalang ang lumalabas sa boses ni Blake dahil sa pag kabigla sa hindi inaasang sinambit ni Carrie. Kapatid sa ina ni Zane Creed si Cyrus Agustin habang kapatid naman ni Cloud si Cyrus dahil inampon ito noon ng ama.
"A-anak ako ng babaeng kumidnap noon sa mama mo" patuloy na pag patak ng luha ni Carrie, mahal nya ang ina nya ngunit kinasusuklaman nito ang mga nagwa ng ina noon. Torn between her love for her mother and sympathy for those people behind on her mother's revenge.
"Pumunta ka dito noon para humingi ng sorry kay papa, pero hindi mo pinaalam kila Rynnah ang tungkol sa nalalaman mo sa papa ko, sa kinaroroonan nya" saad ni Wayne
