Halos mag kasabay na nakarating si Rynnah at Carrie sa gitna ng polo club kung saan nakatayo ang bahay ni Gabby. Ngunit pag baba ng dalawa sa kanikanilang sasakyan ay walang imikan ang mga ito at dumerechong nag tungo sa bahay, sa gate palang ay nakilala na ng mga guard na nag babantay ang dalawa kung kayat pinapasok na agad ang mga ito.
Naabutan ni Rynnah at Carrie si Gabby na nag aayos ng pag kain sa garden area ngunit nagulat ang dalawa nang madatnan din si Khaye dahil hindi nila ito inaasahan dahil hindi naman talaga ito kasama sa kanilang mag babarkada at ngayon lang nila ito nakasama habang nasa lugar na iyon.
"Late na ba kami?" bungad na tanong ni Rynnah na syang umagaw ng atensyon nila Gabby at Khaye
"Ohh no, just in time" saad ni Gabby "Tara kain muna tayo?" aya ni Gabby.
Ngunit walang ganang kumain si Rynnah, gusto nya sanang kumprotanhin si Carrie kung bakit sya buhat ni Blake kagabi at kung bakit doon sya natulog ngunit sa kabilang banda pinipigilan sya ng utak nya. Una dahil "Ano naman kung doon sya natulog sa unit ng "boyfriend" nya" at pangalawa ay parang hindi din sya handa sa kung anong sagot sa tanong nya at baka may malaman pa syang hindi kaaya aya sa pandinig nya. Sa madaling salita, wala naman syang karapatang mag tanong.
"Kakakain ko lang" saad ni Carrie "Nag dinner kami ni Blake with his mom and dad"
"Wala namang nag tatanong" bulong ni Rynnah sa sarili
"Ano yun Bish?" tanong ni Gabby
"Ahh wala, sabi ko ako gutom na ako" agad nag tungo si Rynnah sa mesa kung saan may nakahain na pagkain. Agad syang nag lagay sa plato ng carbonara at sunod sunod ang subo, takang lumapit naman sakanya ang tatlo at sumabay na din kumain si Khaye. Panay ang abot ni Rynnah ng sandwich at chicken at talagang sinugurado nya na lahat ng pag kain na nakahain ay matitiman nya
"Bish dahan dahan naman baka mabulunan ka nyan" puna ni Gabby pero hindi iyon pinansin ni Rynnah. Madalas syang ganito kapag depress o kung may malalim na iniisip kagaya ngayon na sunod sunod ang pang yayari sa buhay nya. Kahit hindi sya nakakaramdam ng gutom at kahit pakiramdam nya busog na busog na sya ay patuloy parin ang sunod sunod na pag kain nya.
"Mag aaya kayong kumain. Ngayong kumakain na pupunain nyo. Ang sarap kasi ng pag kain, kumain nalang din kayo" sunod sunod na wika ni Rynnah habang may laman pa ang bibig.
"So why are we here?" Carrie finally asked. Nararamdaman na din ng dalaga ang awkwardness sa pagitan nilang mag kakaibigan.
"Sinabi na ni Ate Khaye ang lahat sa akin" sabi ni Gabby, tumingin si Carrie kay Khaye para kumpirmahin, bahagyang umiling si Khaye hudyat na hindi nito nabangit kay Gabby ang tungkol sa pag papangap nila ni Blake.
Tanging ang ilan sa usapan patungkol sa Uncle Sean nila Blake at Rynnah ang naibahagi ni Khaye at hindi na kasama doon ang tungkol sa naging usapan sa pagitan ni Blake at Carrie.
Maging si Rynnah ay natigil na din sa pag kain buhat nang mag salita si Gabby patungkol sa issue.
Tumayo si Gabby at kinuha ang isang kahon, mula sa kahon na iyon ay mayroong pag kakahati hati sa tatlo. Sa bawat hati ng kahon ay may label. Isa para kay Rynnah, isa para kay Carrie at isa para kay Gabby. They called that box a "confession box". Kung saan kung may gusto silang sabihin sa isa sakanila pero hindi nila magawang ipaalam ay isusulat nalang sa isang papel at ihuhulog sa part kung para kanino ang sulat.
Naupo si Gabby sa may damuhan at sumunod naman ang tatlo sakanya at pumwesto din ng upo. It was the perfect spot para makita ang magagandang bituin na madalas nilang pag masdan matapos mag confess para maibsan ang guilt sa katawan.
