CHAPTER 42

595 76 95
                                    

Isang grupo pero nahahati sa dalawang panig. Ganyan itukoy ngayon ang turingan ng bandang No U-TURN kasama ang ilan sa mga kaibigan nila na hindi myembro ng banda na sila Carrie, Gabby at Wayne. Maaaring ito na ang huling tugtog ng grupo dahil nalalapit naman na ang Socialization na sya namang talagang naging punot dulo kung bakit nabuo ang banda, ngunit hindi ito ipapaalam sa mga tao. Dahil nasa kontrata nila na kapag dumating na ang time na kailangan ng buwagin ang banda ay mag kakaroon ng isang conference para sa huli nilang pamamaalam sa mga taong nag mahal sakanila kahit sa maikling panahon lamang.

Aliw na aliw ang mga taong nag hihintay sa isang coliseum habang hinihintay ang pag sisimula ng kaunaunahang big concert ng grupong No U-Turn. Kasabay ang pag taas ng mga ito sa mga ilaw na palamuti, banner at mga LED light na mayroong pangalan ng pinaka paborito nilang myembro ng banda.

Naka pwesto sa VIP area ang mga malalapit na tao kila Zhiek, Rynnah, Blake at Khaye.

Mag kakatabi sila Carrie, Gabby at Wayne sa harapan sa mismong sentro kung saan kitang kita nila ang stage. Samantalang nasa gawing kanan naman ang mga magulang ng mag kapatid na Zhiek at Khaye. Nasa gawing kaliwa naman ang mga magulang nila Rynnah at Blake kasama ang mga kaibigan ng mga ito maliban sa kanilang ninang Skye na nasa hospital at nag babantay sa kanilang Uncle Sean. Sa likod naman nila Carrie ay nakaupo sila Reatha at Zion kasama ang kanikanilang kasintahan.

10 ... 9 ... 8 ... 7 ... 6 ... 5 ... 4 ... 3 ... 2 ...

Countdown ng mga tao sa loob ng Colosseum hudyat na mag sisimula na ang inaabangang konsyerto na may temang 90's kung saan mga sikat na kantang kinalakihan ng mga batang 90's o mga kanta ng mga sikat na banda na mag simula pa noong 90's ay sinusubaybayan na ang tutugtugin nila bilang tribute.

Mula sa LED screen ay nag play ang isang video, kuha ang mga ito mula ng mag simulang mag practice ang banda. Mga panahon na ayos pa ang lahat sa kanila. Kitang kita ang saya ng apat habang tinitipa ang mga hawak na instrumento.

Mula sa kung paano tumitig si Blake kay Rynnah habang kumakanta hanggang sa pag ngiti pabalik ni Rynnah sa kaibigan. Ilang hiyawan ang maririnig mula sa mga taga hanga ng dalawa na nag hahanggad na sana mag katuluyan sila. Kasabay ang ka astigan ni Khayeden sa bawat pag hampas sa drums at ang trademark na kagat labi ni Zhiek Ford na  syang tinilian ng mga kababaihan. Ang mga tawanan ng banda na nababakas na nag eenjoy sila sa ginagawa nila. Kasama din ang ilan sa mga clips sa mga lugar kung saan sila tumugtog. 

Walang sinuman sa mga kaibigan nila ang nakakaalam kung anong mangyayari ngayon dahil ang buong preperasyon ay ideya ng apat at hindi nila pinahintulutan maging ang kahit sinong malapit sakanila na malaman kung ano ang mga pasabog nila ngayong gabi.

Nang matapos ang video ay binuksan ang spotlight sa gitna kung saan nakapwesto ang drummer na si Khayeden Ford, nag echo na ang tatlong beses na hampas ni Khaye sa drumsticks hudyat na mag sisimula na silang tumugtog. Lumiwanag ang buong stage kasabay ang pag angat nila Zhiek, Blake at Rynnah na nasa gitna mula sa ilalim pa elevate sa flatform. Nag tilian naman ang lahat ng fans at hindi mag kamayaw ang mga ito lalo na ng tuluyan ng naka angat sa stage ang tatlo ngunit nagulat ang lahat ng si Rynnah ang nasa gitnang bahagi habang nasa mag kabilang gilid naman si Zhiek at Blake.

"Oo nga pala, hindi nga pala tayo

Hanggang dito lang ako, nangangarap na mapa-sayo
Hindi sinasadya
Na hanapin pa ang lugar ko
Asan nga ba ako? Andiyan pa ba sa iyo?" 
Nakapikit na panimula ni Rynnah sa kanta, damang dama ng malamig nyang boses ang kantang inaawit nya. Bahagyang natahimik ang mga tao na hindi agad naka bawi dahil sa pag kabigla ng hindi ang Vocalist ng banda na si Blake ang kumakanta.

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon