FINALE

592 69 60
                                        

A/N: Paki play yung nasa media :) Salamat. #ParaFeels

-----

Five o'clock ng madaling araw, naka pwesto ang lahat sa isang beach resort. Lahat ng guests ay kumportable lamang ang suot na may iba't ibang uri ng pag ka pink ang kulay. Puno ang paligid ng buhanginan ng lamp na syang nag sisilbing palaputi kasama ang mga design na Christmas lights. Napakaliwanag ng paligid kahit na wala pang araw nang dahil sa nag gagandahang crystal na ilaw na nag mukang banderitas sa man-made na pinag sasabitan ng mga ito, puno ng kulay puti at pink na bulaklak ang dadaanan ng ikakasal at puting upuan naman ang inayos para sa mga guests. Napaka simple kung tutuusin ngunit napaka ganda ng set up.

Pili lamang ang mga naimbitahang bisita, tanging malalapit lamang sa pamilya dahil sa kagustuhan nila Quinn at Cyrus ng pribado at simpleng kasal lamang. Naroon ang malalapit na kaibigan ng dalawang ikakasal. Sila Zane kasama ang asawang si Thomas, si Sarah kasama ang asawang si Ziggy, si Kristina kasama ang asawang si Rara, si Max kasama ang asawang si Reaker. Ilan pa sa abay sa kasal ang mga anak ng kaibigan na sila Zion at Reatha, kasama pa ang flower girl na si Zian na syang kapatid ni Zion Ylevol. Ka partner naman ni Blake si Carrie at dahil nga hindi inaasahan na papalitan ni Carrie si Rynnah ay mag isa lamang ni Rynnah.

"Anak gusto mo bang ako nalang ang kasama mo sa pag lalakad sa altar?"  tanong ng amang si Rara kay Rynnah. Nakasuot ang dalaga ng baby pink na dress at flower crown. Mukang diwata ang dalaga sa maamong muka nito, kasama pa ang nakakulot nitong buhok.

"Hindi na po pa" sagot ni Rynnah

"Ang ganda ganda talaga ng baby ko, ayusin mo nga yang damit mo at mag smile ka" sabat naman ng ina "Kung anong kina sleeveless ng gown mo syang kina sleevemore naman ng suot ko ano?"

"Ano nanaman bang sleevemore nay?" takang tanong ng dalaga

"Mga wala talagang fashion sense ang mga tao ngayon. Yang gown mo sleeveless, itong akin dahil may balabal sleevemore ang tawag. Mukang kailangan ko nang mag tayo ng sarili kong fashion line para naman matuto ng uso kayong mga kabataan" wika ng ina. Napa ngiti si Rynnah, alam nyang pinapatawa lang sya ng ina dahil nararamdaman nito na hindi sya ayos.

"O sya sige na pwepwesto na kami at mag sisimula na" paalam ng ama

Pumwesto na din ang lahat, walang gana naman si Rynnah nag hihintay lamang ng pag sisimula ng tugtog na hudyat na mag lalakad na sila, pasipasipa lang syang naka tungo sa buhangin.

"Ang ganda ganda mo nakasimangot ka" napaangat ang muka ni Rynnah ng marinig ang boses ni Wayne "Isang smile naman dyan crush"

Bahagya namang napangiti si Rynnah "Anong ginagawamo dito?"

"Ito papartneran ka"  nakangiting saad ni Wayne "Pinahabol ni tita Quinn yung damit ko, substitute daw muna ako ni Papa at Auntie Madeline dahil hindi pa pwedeng lumabas ng hospital si papa"

Lumingon naman si Rynnah sa likuran nya, naroroon si Carrie at Blake at sa likuran ng mga ito ay naka pwesto na si Quinn. Nag thumbs up sign naman ito kay Rynnah ng makitang kasama na nya si Wayne

"Hindi naman pala loner ang pinsan ko" buyo ni Zion na nasa harap nila Rynnah 

"May knight in shinning armor e"  pasada din ni Reatha

"Nako panigurado nag aalboroto na yung kakilala ko dyan" lakas na sambit ni Zion para marinig ni Blake. Siniko naman ni Reatha si Zion "Aray naman"

"Wag ka kasi pahalata"  singhal naman ni Reatha

Maya maya pa ang tumunog na ang kanta, hudyat na mag sisimula na ang pag lalakad nila.

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon