CHAPTER 15

598 82 16
                                        


Halos mag damag nag hanap ang mag kakaibigan ng microchip hagang makatulog na si Reatha sa balikat ni Zion.

"Tignan nyo to" nagising ang nakaidlip na si Zion at Reatha, pumunta naman ang abala din sa pag hahanap na si Blake sa gawi ni Rynnah. Binuksan ni Rynnah ang isang box at kung susumahin ay kahugis ito ng nasabing espasyo na nawawala sa Glass Box. "Pero wala yung laman!"

Inagaw ni Blake ang box at binulatlat ito hanggang sa may nakuha sila maliit na piraso ng papel sa ilalim kahon.

"necklace" yan ang tanging nakasulat sa piraso ng papel.

"Hindi kaya may nakatagong necklace dito?' tanong ni Zion. Mabilis na kumilos si Blake na parang wala sa sariling katinuan na may hinahanap.

"Ito yun" sabi ng Blake na may hawak na isang parang libro na makapal ang cover

"Libro yan bro, puyat lang yan. Iba ang necklace sa libro" sabi ni Zion

umiling si Blake at lumapit sakanila, binuklat ni Blake ang libro at sa dulo nito ay may maliit na envelope kung saan kinuha ni Blake ang isang dog-tag na may nakaukit na S&S. Ito ang isa sa mga kinakalkal nya kanina ngunit hindi nya naisip na pwedeng clue pala ang nakitang nakatagong Dog-tag

"Yan na yung necklace? Baka naman diamond necklace yun? Tapos nakasuot dun yung microchip?" sabi ni Reatha.

Sinimulang basahin ni Blake ang libro ngunit para lamang itong isang normal na libro. Pero napansin nya ang ilang mga words na naka highlights

"Pahingi ng papel at ballpen" at agad naman syang inabutan ni Rynnah, naupo si Blake habang nasa likuran nito ang mga kaibigan

"Good Night, Good night! Parting is such sweet sorrow, that I shall say good night till it be morrow."

"Conscience is but a word that cowards use, devised at first to keep the strong in awe"

"What's in a name? That which we call a rose by any other name would smell as sweet"

  "I have no spur to prick the sides of my intent, but only vaulting ambition, which o'erleaps itself, and falls on the other."  

Mga stanza kung saan naka highlights ang ilan, isinulat ni Blake ang mga ito

"GO TO CALAO FALLS"

"Paki search nga kung merong Calao Falls at kung san ito banda" utos ni Blake at agad nilabas ni Zion ang Cellphone, sinilip nila itong lahat. Pag bukas ay picture agad ni Reatha ang wallpaper

Napaubo si Blake at saka nag patay malisya, habang nag bigay naman ng nakakalokong ngiti si Rynnah at nakataas naman ang isang kilay ni Reatha

"A-ano, nung nakipag hiwalay ako kay Leslie ginawa kong wallpaper yung picture mo hehe" palusot ni Zion, pag pindot ni Zion sa finger print scanner ng phone ay tumambad naman ng 156 missed calls at 82 Messages Received "Wala pala akong signal, yung phone nyo na nga lang g-gamitin nyo" sabay balik ni Zion ng phone sa bulsa

"Hay nako, okay na sana e" pasadyang sabi ni Rynnah at saka sya naman ang umabot ng phone na nasa lamesa malapit kay Blake, sabay sabay din tumingin ang lahat na atat na atat malaman kung meron bang Calao Falls. Pag bukas ng phone ay picture naman ni Blake ang bumungad sa phone ni Rynnah. Si Reatha naman ang nag pasaring ng ubo "C-cute sya dyan, b-bakit ba" sabi ni Rynnah saka lumayo at sinearch mag isa ang Calo Falls "Meron ngang Calao Falls, nasa Mayantoc Tarlac" sabi ni Rynnah, napangiti ang lahat 

"Pupunta tayo dun" sabi ni Reatha

"P-pero anong oras na pwede na nating ipag pabukas to siguro para makapag tanong na din tayo kay Manong Kaloy" sabi ni Zion at sumang ayon ang lahat.

"P-paano, matulog na tayo para maaga bukas?" nauutal na sabi ni Rynnah dahil sa kahihiyan sa nakitang wallpaper ng mga kaibigan.

Akmang aalis na ang dalawang binata sa silid ng dalawang dalaga ng tumunog ang phone ni Reatha

"Hello Doc Adrian? Napatawag ka?"

"Doc Reatha sorry naistorbo ba kita? Itatanong ko lang sana kung  nasa Tarlac pa ba kayo?"

"Oo Doc bakit?"

"Nasa Tarlac kasi ako, pinadala ako ni Daddy to check some reports sa Hospital branch dito, I was wondering kung san ka banda sa Tarlac nag stay?"

"S-sa Sta Ignacia Doc"

"May bahay kami dito sa Tarlac, malapit lang sa tinutuluyan nyo"

"T-talaga doc?" hindi na mawari ni Reatha kung bakit pa kailangang ipaalam ng kasamahang doctor ito

"Yes, ill be staying until tomorrow baka gusto mo mag coffee bukas? I mean mamaya?"

"Nako doc may pupuntahan kasi kami bukas"

"Saan?" usisang tanong ni Doc Adrian

"Sa Calao Falls po"

"Mayantoc?"

"Yes Doc"

"Sakto doon ang bahay ko, pwede ko kayong samahan mahirap kasi pumunta dun mag tre trek ka pa. May kakilala din akong tour na pwedeng mag assist sa atin"

"Talaga Doc? Nako sige salamat po, itext ko nalang po kayo bukas ng umaga" at inibinaba na ni Reatha ang tawag, Nakangiting tumingin si Reatha sa mga kasama ngunit bumungad ang naka kunot noo na si Zion "A-ano si Doc Adrian, taga Mayantoc or may bahay pala dun sa pupuntahan natin, tapos a-ano, nasa Tarlac sya sa Hospital Branch nila dito, N-nag offer sya na samahan tayo para di maligaw bukas"

"No! Hindi natin kailangan ang tulong nya" biglang sagot ni Zion

"Pero bro mas mapapabilis kung may kasama tayo na alam na agad yung pupuntahan natin" sabi ni Blake

"Oo nga kuya Zion, iisang tabi mo muna yang selos mo ha" nang aasar na sabi ni Rynnah

"S-selos? Ako? Sige isama nyo yan, ano naman sakin" at saka tumalikod si Zion palabas ng silid, nag paumanhin naman si Blake sa dalawang dalaga at sinundan ang paakyat na si Zion, inakbayan nya ito at tinapik sa balikat

"Dibali bro, mas pogi ka naman diba? Mag tampisaw ka kunwari bukas sa Falls para mabasa yung damit mo sabay hubarin mo yung damit mo para pakitaan mo si Doc ng ABS. Para mabading sya hahaha. Sige bro goodnight" sabi ni Blake at saka kumaripas ng takbo papanik sa taas.

------

A/N: Need pa namin ng OP sino gusto?




Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon