Nakarating ang mag kakaibigan ngmag tatakip silim na. Natunton nila ang isang bahay na puti sa bayan ng Sta. Ignacia Tarlac. Kagaya ito ng bahay sa Pampanga na may napakaganda at napaka lawak na hardin. Pinindon ni Blake ang doorbell ng paulit ulit ngunit walang lumalabas.
"Mukang walang nakatira" sabi ni Zion
"Imposible, siguradong kagaya sa Pampanga hindi hahayaan ni Uncle Sean na ma tengga lang yung bahay nya" sagot ni Rynnah
Hindi sumuko ang apat at nag abang sila sa harap ng bahay habang maya't maya ang pag lantak sa mga chichiryang binili.
"Baka naman wala talagang tao?" sabi muli ni Zion na halatang naiinip na
"Imposible yun, dahil may mga Christmas Decoration ang bahay" sagot ni Reatha
"Baka last year pa yan, hindi na tinaggal" hirit ni Zion.
ngunit maya maya lang ay may lalakeng nag bubukas ng gate ng bahay
"Excuse me po" pasintabi ni Blake sa mamang nag bubukas ng gate
Nilingo sila ng lalakeng nasa edad 50. Nanlaki ang mga mata ng lalake
"M-mga imortal ba kayo?" tanong ng lalake ng makabawi sa pag kagulat
"Po?" takang tanong ni Reatha
Naisip ni Rynnah na baka kagaya sa Pampanga ay baka may larawan din ang mga magulang sa bahay na ito. Kaya akala ng taong kaharap nila ay sila ang mga magulang na nasa larawan.
"Ahh ehh, nandito po kami para hanapin si Uncle Sean nandyan po ba sya?" tanong ni Blake
Hindi parin makasagot ang lalake na wari mo'y gulat na gulat sa apat na bisita
"Uhmm? May picture po ba sa bahay na yan na kamuka namin yung nasa larawan?" tanong ni Rynnah at tumango ang matanda, "Ahhh mga anak po kami nun, sadyang kahawig lang po siguro namin sila" nang marinig iyon ay agad tumindig ng ayos ang matanda
"O-oo nga noh, hindi ko naisip na pwedeng anak nila kayo" sabi nito at pinag patuloy ang pag bubukas ng gate. "Pasok kayo" aya nito.
Dalawang palapag ang bahay na ito, pag pasok ng bahay ay bumungad na ang larawan ng mag kakaibigan na kagaya sa nakita nila sa Pampanga sa Foyer, isang paikot na hagdan naman ang patungo sa taas. Pag pasok ng bahay ay may dalawang baitang para maka baba sa sala, dahil elevated ang gawi ng foyer, mayroon ding indoor garden na karugtong ng sala.
Manghang mangha na pinag masdan ni Zion at Reatha ang larawan na nakita. Kagaya nila Rynnah at Blake noon sa pampanga hindi makakaila na malaki talaga ang chance na mapag kamalan na sila ang nasa larawan
"Maupo kayo" anyaya ng lalake, kaya't sumunod silang apat.
Malinis ang bahay at halatang yari sa mamahaling materyales ang mga mwebles nito. Ngunit hindi kagaya sa Pampanga ang bahay dito sa tarlac ay maraming mga makabagong appliances.
"Nasaan po si Uncle Sean" tanong ni Rynnah
"Nako, tatlong taon na syang umalis sa lugar na ito. Ngunit inaasahan ko na may darating para hanapin sya. Yoon kasi ang sabi nya, ngunit hindi kayo ang inaasahan ko na mag tutungo dito" sabi ng matanda "Ang bilin nya kasi noon, na kapag dumating ang kasintahan nya na katabi nya sa larawang ito" sabay turo sa larawan ng kanilang Ninang Skye na nasa dingding ng sala "Ay patuluyin sa bahay na ito, ang inisip ko ay may ka edaran na ito dahil ilang taon na ang lumipas buhat sa larawan na yan" dagdag pa ng matanda "Kaya't ng makita ko kayo ay parang nagulat ako. Ikaw ba ang anak ng babaeng iyan hija?" tanong ng matanda kay Reatha "Kahawig mo kasi siya"