CHAPTER 27

571 84 12
                                        

"Promise para talaga kayong nag kiss ni Wayne Avila dahil sa pag inom nyo sa iisang bote!" pang aasar ni Rynnah sa kaibigan, nag tungo sila sa bahay ng kanilang Ninang Skye para asikasuhin ang susunod na lugar na pupuntahan nila para hanapin ang kanilang Uncle Sean habang maluwag ang schedule nila dahil simula na ng Chirstmas Break nila.

"Tigilan mo na nga ko Rynnah, paulit ulit ka na e" singhal ng kaibigang si Blake

Hindi napigilan ni Rynnah ang pag tawa sa twing naalala na para ngang nag kiss ang dalawa dahil sa pag inom sa iisang bote. "Hindi mo naman agad sinabi sakin, type mo pala si Avila! Kaya pala ganun nalang ang titig mo sakanya ha, tapos kung maka agaw ka nun juice kanina! PANALO! Namumuong loveteam na ba ito?" muling pang aasar ni Rynnah

"Kayong dalawa nga mag tigil na sa pag aasaran mamaya may mapikon sa inyo, sige na at mag meryenda muna kayo" suway ng kanilang Ninang. Agad na kumuha ng chips ng nova na nakalagay sa plato ang mag kaibigan at sabay nag dip sa milo. Tuwang tuwa naman silang pinanood ng kanilang Ninang. Ipag luluto nya pa sana ag mga ito ngunit kakatapos lang kumain ng dalawa.

"Sya nga pala Ninang, wala ka bang nakita na kahit anong clue o address dun sa binigay namin sayo?" tanong ni Blake.

"Yun na nga ang dahilan kung bakit ko kayo pinatawag" agad na nag tungo ang dalawa sa kanilang Ninang ng makatanggap ng tawag ang mga ito. Iniwan nila ang mga kasama sa cafeteria at babalikan nalang ang mga to dahil sasabihin din ni Carrie ang schedule para sa mga susunod na gig nila. "PInatingnan ko yung saranggolang nakita nyo, at sabi ng nakausap ko yung printed design na nandon ay isang lugar sa Cebu."

"CEBU? Pupunta kami ng Cebu?" gulat na tanong ni Rynnah dahil palayo na ng palayo ang pinupuntahan nila.

"Hindi ako nakakasiguradong naroon nga sya, pero yun lang ang posibleng clue na iniwan nya dahil hindi sya nag iwan ng kahit anong address"

"Sakto Ninang, wala na kaming pasok. Pwede kaming pumunta dun, pero mag papaalam muna kami sa management para maayos yung schedule" sagot ni Blake

"Masyado ng lumalayo ang mga lugar na pinupuntahan nyo, k-kung wag nyo na kayang ituloy ang pag hahanap?" suwesyon ng kanilang Ninang Skye

"Ninang naman, ngayon pa ba kami susuko kung kelan naiintindihan na namin yung diskarte sa pag hahanap kay Uncle Sean?" sagot ni Rynnah

"Tignan nyo ang nangyari sa Ate Reatha nyo, paano kung may masama uling mangyari sa inyo?" nag aalalang tugon ni Skye

"Ninang please, hayaan mo kaming ituloy to." pakiusap ni Rynnah

"K-kayo ang bahala" tiim na sagot ni Skye

"Nararamdaman ko Ninang malapit na natin syang makita" dagdag pa ni Rynnah

----------

Nag balik ang dalawa sa kinaroroonan ng mga kaibigan, mga isang oras lang naman silang nawala dahil malapit lang naman ang bahay ng kanilang ninang sa eskwelahan. Agad silang nag tungo sa cafeteria kung saan iniwan ang mga kasamahan.

"Huh? Nandito ka pa rin?' tanong ni Rynnah kay Wayne ng makalapit sa pwesto nila. Akala ng dalaga ay babalik na ito sa practice ng mag paalam silang umalis

"Wala pa kaming practice crush kaya naki tambay muna kami" sagot ni Wayne "Dito ka sa tabi ko maupo" nakangiting mungkahi nito. Kibitbalikat naman na naupo si Rynnah sa dating pwesto nya gayun din si Blake sa tabi ni Carrie. 

"I let him stay, he can join us everyday if he want" sagot ni Carrie

"Oo nga bro, ilang taon din na ako lang ang lalake na kasama nila. Napag kakamalan na nga akong gayshit e! Buti nalang dumating si Blake, mas maangas pa kung sasama ka samin." singit ni Zhiek, agad naman syang siniko ng katabing si Blake na hindi sang-ayon sa mungkahi nila ni Carrie.

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon