CHAPTER 43

555 77 41
                                    

Nasa simbahan ang lahat para sa rehearsal para sa kasal nila Cyrus at Quinn. Hindi parin nag papansinan sila Blake at Rynnah mag buhat ng matapos ang concert. 

"Bakit hindi kayo nag papansinan ni Blake?" pabulong na tanong ni Reatha sa pinsan na si Rynnah "Dahil ba sa eksenang ginawa nya nung concert nyo?" dagdag pa nito.

Bumuntong hininga si Rynnah sa pag ka rindin. Mag simula ng maganap ang pag aya ni Blake kay Carrie nung mismong concert nila ay sa bahay muna ng mga magulang nya sya tumutuloy dahil umiiwas ito kay Blake kung kaya't hindi ito umuuwi sa condo. Rinding rindi na sya sa tanong dahil maging ang ina nito ay nakiki intriga din patungkol sa naganap nung concert.

"E ibang usapan na kasi ngayon Ate Reatha"  pabulong na sagot ni Rynnah sa pinsan. Nakahiwalay sila ng upuan dahil nag papahinga sila ngayon matapos ang ilang ulit na practice. Kasama naman ni Blake si Zion. Habang si Carrie naman ay nakaupo sa pabitan nila Quinn at ang ina ni Blake na si Zane. Kasama ng mag katabing si Cyrus at Thomas 

Nasa likuran naman nila ang ilan pa sa mga kaibgang malapit ni Quinn. Ang buong tropang Oakwood.

"Anong ibang usapan? E diba simula pa naman noon alam naman na natin ang stand natin sa dalawang lalakeng yan?"  pag tukoy ng Doktora kay Zion at Blake "Bakit mo kasi pinag sisiksikan yang sarili, nandyan naman si Wayne"

"Ayaw ko namang gumaya sayo noh!" walang prenong saad ni Rynnah

"Anong tulad ko?" takang tanong ni Reatha

"Ayan, ginawa mong rebound si Doc Adrian!"

"H-hindi sya Rebound ha! Gusto ko naman si Adrian" sagot ni Reatha

"Ayun na nga, gusto. Gusto lang, pero si kuya Zion ang mahal mo... Sige tanggi mo!" sunod sunod na saad ni Rynnah

"Atleast diba may salitang gusto"  depensa ni Reatha

"Shinota mo ng "gusto" lang? Pano ka mag goodnight? Goodnight baby, I like you. Ganun?"  pabalang na saad ni Rynnah

"Syempre hindi, syempre goodnight I love you yung sinasabi ko"

"Kita mo na sinungaling ka pa" irap na sagot pa ni Rynnah

"Matututunan ko din syang mahalin, makakalimutan ko din si Zion"

"Ninang Zane ikaw ba yan? Amnesia ang peg? Makakalimutan? Gasgas na yan ate e!" saad uli ni Rynnah

"Bakit ba ang bitter mo? Hindi ka nalang maging masaya para sakin?"  mahinang singhal ni Reatha

"Dama ko kasi si Doc Adrian e!.. Yung sinabihan mo ng mahal mo sya pero joke lang? DAMA YUN ATE REATHA! FEELS!" sabay hawak ng dalaga sa dibdib na nag kunwari pang naninikip

"Ambisyosa, bakit sinabihan ka ba ni Blake na mahal ka nya?"  tumango si Rynnah "OMG? Umamin na sya sayo?" noon pa man ay nahahalata naman na ni Reatha na may pag tingin si Blake sa pinsang si Rynnah ngunit hindi nya iyon magawang kumpirmahin dahil sa inaasta ng dalawa na taguan ng feelings.

"Kaya nga sabi ko sayo, ibang usapan ngayon. Sinabi nyang mahal nya ko pero hindi tugma sa kinikilos nya. Nakakalito sa feelings tuloy. Feeling nya ata survey ang pag sabi ng "mahal kita" na i checheck lang nya kung anong magiging reaction ko"  walang ganang saad ni Rynnah

"Baka naman may malalim syang rason?"

"Bingo na te, ilang tao na nag sabi sakin na baka may rason sya. Kung meron man ate bakit hindi nya sabihin sakin para maintindihan ko sya diba?" saad ni Rynnah

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon