A/N: Pakinggan nyo yung music :) "Lost Stars"
PARA DAMA!
-----
Walang ganang nag lakad si Rynnah papunta ng parking area, maging ang parking lot nila ay naiba na. Ang dating exclusive parking lot nila ay wala na at nasa normal na parking lot nalang sila nag papark. Nauna ng umuwi sila Gabby at Zhiek, dumaan pa sya sa botanical garden ng school nila para mag munimuni at pasado alas syete na at ngayon lang nya naisipang umuwi.
Napaka bigat ng pakiramdam ng dalaga at wala sa wisyong nag tungo sa lugar kung saan naka park ang sasakyan nya. "B-blake? A-anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Rynnah nang nakita nya si Blake na naka sandal sa sasakyan nya. Kung dati ay sabay silang pumasok dalawa ngayon ay balik nanaman sya sa dati na mag isang pumapasok dahil si Carrie ang nakakasama ni Blake ngayon.
Hindi nag salita ang binata at tinignan ang may sugat na palad ni Rynnah "Anong nangyari sayo kanina? Hindi ka nanaman ba nag iingat ha?" dama ng dalaga ang pag aalala ng dating kaibigan ngunit ayaw nyang bigyan ng kahulugan iyon.
Agad hinawi ni Rynnah ang kamay na syang kinagulat ni Blake "Anong ginagawa mo dito?" malamig na tanong ng dalaga
Ngunit hindi pinansin ni Blake ang tanong ni Rynnah bagkos ay muli itong nag tanong "Bakit ngayon ka lang uuwi? Saan ka galing?"
"Sige na uuwi na ko"
"Ipag dridrive na kita, mahihirapan kung mag mamaneho ka dahil sa sugat mo" suwesyon ng binata
"Hindi na kaya ko na"
"Ang tigas ng ulo mo, ipag dridrive na kita" muling pilit ni Blake
"May sarili kang sasakyan diba?" walang ganang tanong ni Rynnah "Bakit hindi si Carrie ang ihatid mo?"
"Nakauwi na sya, pwede ko namang iwan yung kotse ko dito hindi naman mawawala. Amina yung susi mo para makauwi na tayo" muling pag pupumilit ni Blake
"Kaya ko ang sarili ko"
"Ang tigas ng ulo mo Rynnah!" singhal ni Blake
Hindi na napigilan ni Rynnah ang sarili kung kaya't kumawala na ang nararamdaman na matagal ng kinikimkim "Kaya ko! Nakaya ko na wala ka! Kinakaya kong wala ka! Kaya kakayanin kong wala ka!" singhal ng dalaga
"R-rynnah?" gulat na saad ni Blake,
Tinitigan ni Rynnah ang binata, nangangalumata na ang dalaga habang tumatagos ang bagat titig nito kay Blake. Halos madurog ang puso ni Blake ng masilayan ang nag babadyang mga luha ng dalaga "Pwede ba! Wag mo na kong saktan pa! Kasi Putang Ina nasasaktan na ko oh! Wag mo ng dagdagan pa"
"A-ano bang sinasabi mong sinasaktan kita?" naguguluhang tanong ni Blake
"Ayan!" sabay hampas ni Rynnah sa dibdib ng binata "Kapag nakikita kita... nasasaktan ako, kapag nag papaka concern ka.. nasasaktan ako, kapag pinaparamdam mo saking mahalaga ako sayo nasasaktan ako" kasabay ng mga hikbi ni Rynnah ang pag kawala ng mga luha nya. Kahit walang pwersa ang bawat pag hampas at tulak nya kay Blake ay nararamdaman ng binata ang bigat at sakit na nararamdaman ni Rynnah "At sa twing nasasaktan ako dun ako sinasampal ng katotohanan.." pinahiran ni Rynnah ang mga luha sa pisngi "Na sa ating dalawa sa akin lang may kahulugan lahat ng ginagawa mo kasi sa ating dalawa ako lang naman yung nasasaktan!"
