CHAPTER 4

850 84 22
                                    

Araw ng biyernes, araw ng pag alis ng mag kababatang si Blake at Rynnah papuntang Pampanga kung saan sinabi ng kanilang Uncle Sean sa sulat na doon sya papunta ng araw na umalis sya. Parehong hindi mapakali ang dalawa. Excited si Rynnah dahil sa wakas ay maaaring mag karoon na ng bagong kabanata ang storya ng kanyang pinaka mamahal na Ninang Skye at ang dati nitong nobyo. Ngunit sa kabilang banda kaba naman ang nararamdaman ni Blake, batid ng binata na sa tagal ng panahon ay maaaring may sarili na ding pamilya ang nasabing Nobyo ng Ninang. Natatakot sya sa kung anong pwede nilang maabutan pag dating sa pampanga.

Matapos mag ayos ay agad sinukbit ni Blake ang kanyang bag pack na nag lalaman ng mga kakailanganing damit kung sakali man na mag tagal sila doon. Muling tinignan ng binata ang kabuuan ng itchura sa salamin at ng matiyak na ayos na ay gumayak na ito palabas. Tuluyan na sanang lalabas ng unit ang binata ng tumawag ang kanyang ina

"Hello ma?" sagot ng binata

"Mag iingat kayo ni Rynnah ha" bungad agad nito

"Opo ma" tanging sagot nya

"Wag mong papabayaan si Rynnah ha" muling paalalang Ina

"Hindi nyo kailangang ibilin yan ma, alam nyo naman pong kahit kelan hindi ko magagawang pabayaan si Rynnah" sagot nya

"Oh sige anak mag text kayo o tumawag kung ano ng balita sa inyo ha"

"Opo ma, sige po at susunduin ko na sa kabila si Rynnah"

agad binaba ng binata ang telepono, nasipat ng mga mata nya ang shades na muntik na nyang maiwan. Kinuha nya ito at saka tuluyuan ng lumabas ng unit. Nabigla ang binata ng maabutan ang kababata sa tapat ng unit nito na cool na cool na nakasandal at nakasuot ng shades

"Ang tagal mo naman" ungot ng dalaga sabay lagay ng shades nito sa kanyang ulunan

"E bakit hindi ka nag doorbell?"

"Wala lang para feel na feel ko pag labas mo, tapos makikita mo ko na naka pose tapos sa panihingin mo hinahangin hangin yung buhok ko na may shinning shimmering splendid background effect! Ganon kaya sa movie hayyy grabe sya IGNO nanaman!" umiirap na sagot ng dalaga

"Anong IGNO?" tanong ng binata

""IGNORANTE!!!" matigas na sagot ng dalaga. Napansin ng binata ang bagahe ng kababata sa likuran nito

"Hoy Rynnah anong tingin mo sa pupuntahan natin Camping?" agad na sabi nito ng makita na isang maleta ang dala dala nito "Kung pag punta natin dun ay nadoon na si Uncle Sean aba mamayang gabi lang babalik na din tayo. Bakit dinala mo na ata buong gamit ng unit mo" nanlaki ang mga mata ng dalaga at napanganga sa turan ng kababata

"Grabe sya! Maganda ng ready. Probinsya yun, paano kung malayo sa kabihasnan yung pupuntahan natin? Pano kung walang mabilan dun?" paliwanag ng dalaga "Nag dala ako ng shampoo, conditioner, sabon, lotion, hand cream, deodorant, lip balm, toner, cleanser, face cream, hand cream, facial serum, whitening cream, perfume, makeup, mga damit. Saka duh morning and evening skin care routine kaya ang dala ko!" dagdag pa nito

"Bahala ka nga dyan" sabay suot ng binata ng shades na hawak at nilagpasan ang dalaga

"Ay grabe sya, hindi mo ba ko tutulungan sa gamit ko?" sigaw ng dalaga

"Ginusto mo yan!" sigaw pabalik ng binata.

"Hoyyyy sandali!!!" hirap na hirap na habol ni Rynnah kay Blake para maabutan papunta sa elevator.

----

"Sasakyan ko ang gagamitin natin" sabi ng dalaga ng makarating sila ng parking lot

"At bakit?" tanong ng binata

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon