CHAPTER 17

519 83 3
                                    

A/N: Sa Dec 15 po i popost ko ang mechanics ng writing contest, welcome at open ito sa lahat ng readers ko. 1000php or fifty shades trilogy po ang prize.

----

Pinatuloy ng matanda ang tatlong bisita sa kanyang munting bahay. Nag abala pa itong ipag timpla ng maiinom ang tatlo. Ngunit bakas parin kay Zion ang pag aalala at pahapyaw hapyaw na pag tingin ng cellphone nito

"Nako hijo kahit anong tingin mo sa cellphone mo ay wala kang matatanggap na tawag o mensahe dahil walang signal dito" sabi ng matanda habang pinag sasalin ng juice ang mga bisita

"Salamat ho" pag papasalamat ni Blake sa ginawa ng matanda

Naupo ang matanda sa katabing upuan ni Zion

"Ang kasama nyo bang babae kanina ay anak ni Madelin?e" tanong ng matanda, batid ni Blake na maaring kagaya ni Mang Kaloy ay nakita din nito ang larawan ng kanilang Ninang Skye kasama ang mga magulang noong mga bata pa ito

"Nako hindi po, anak po iyon ng kakambal ng Ninang namin" sagot ni Rynnah 

"Nasa inyo po ba ang address kung nasaan si Uncle Sean?" tanong ni Zion, at umiling ang matanda

"Nadoon iyon sa loob ng Glass Box, ngunit kinuha ni Anita ang Microchip para mabuksan iyon" sagot ng matanda

"Sino pong Anita?" tanong ni Blake

"Si Anita ay isa sa mga naging malapit na kaibigan ni Boss Sean" panimula ng matanda "Nag kagusto si Anita kay Boss Sean at ito din ang naging dahilan kung bakit napaaga ang pag alis ni Boss Sean sa lugar na ito. Sa kagustuhan na umiwas kay Anita dahil hindi nya kayang suklian ang damdamin ng dalaga kaya't umalis ito" patuloy na kwento ng matanda, tiim lamang na nakinig ang mag kakaibigan "Alam ni Anita na nasa Glass Box na iniwan ni Boss Sean sa bahay nito ang clue kung saan ito matatagpuan kung kaya't pinakelamanan nya ito para masundan sana si Boss Sean, ngunit hindi alam ni Anita ang Passcode kaya't kinuha na lamang nya ang microchip" 

"Hindi po ba pwedeng lagyan nalang ng passcode kahit wala yung microchip?" tanong ni Zion

"Hindi maari, ang pag kakaalam ko kapag inilagay mo ang microchip doon sa Glass Box ay doon palang mabubuksan ang pindutan para sa passcode nito" sabi ng matanda

"Paano nyo pong nalaman ang mga bagay na ito?" tanong ni Rynnah

"Dati akong Army at ng mag retiro ay kinuha nya akong driver ni Boss, isa din ako sa malalapit nyang kaibigan kung kayat kilala ko din si Anita." sabi pa ng matanda "Ang sabi ni Boss noon ay alam daw ng taong pupunta dito ang passcode ng Glass Box na iyon" Agad na naisip ni Rynnah na marahil ay kagaya din ng passcode sa cassette ang passcode ng Glass box "Ibinilin nya na kung may mag hanap sa kanya ay ituro ko na nasa Glass Box ang susi kung saan nyo sya muling makikita. Pero kinailangan kong umalis sa bahay na iyon dahil kailangan kong mag trabaho para mag karoon ng pang gastos sa pang araw araw. Nang umalis ako sa bahay na iyon ay naiwan si Kaloy na syang namamahala ng bahay, ngunit dahil nga kapag napupunta lamang ako sa bayan para sunudin ang mga turistang pupunta sa falls na ito ako nakakasagap ng signal sa aking telepono ay huli na ng malaman kong nag punta si Anita sa dating bahay ni Boss. Nang makarating ako sa bahay ay doon ko nakita ko na wala na ang microchip at kinuha ni Anita ang microchip kasama ang isang papel" agad na inabot ng matanda ang papel sa mag kakaibigan

"One race madeline, -Anita" basa ni Blake sa papel "Ano pong ibig sabihin nito?" tanong ni Blake

"Isang car racers si Anita, mayroong race track dito sa Tarlac sa bandang San Jose kung hindi ako nag kakamali ay malapit ito sa TRP at marahil doon nyo din makikita si Anita. Palagay ko ay nag hahamon sya ng isang duwelo sa pagitan ng kampo nyo" sabi ng matanda "At nang dahil nga sa hindi ko kayang bantayan ang bahay ay nag iwan ako ng sulat kasama ang dog tag na nasa inyo para makausap ko kayo" dagdag na paliwanag pa nito

Nagiging malinaw na ang lahat sa mag kakaibigan mag simula ng makausap nila ang matanda

"Kung ganon po ba ay ibibigay lang ni Anita ang microchip kung matatalo namin sya sa isang race?" pag lilinaw na tanong ni Rynnah

"Palagay ko hija ay yun ang ibig nyang sabihin" sagot ng matanda "Ngunit binabalaan ko kayo, napakagaling na racer ni Anita, isa sya sa mga pinang babato ng Tarlac sa larangan ng karera"

agad na ngumisi si Rynnah sa turan ng matanda

"Pero nasaamin po ang isa sa pinaka magaling na pinang babato ng Pilipinas sa larangan ng karera" nakangising sabi ni Rynnah

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Zion

"Si Gabby! Sya ang ilalaban natin sa itrimitidang hitad na Anita"

Nang matapos makausap ng tatlo ang matanda ay nag aya na sila na muli silang samahan pabalik ng bayan.

"Mag iingat kayo, maduming kalaban si Anita" bilin pa ng matanda

Pag kasakay na pagkasakay ng sasakyan ay agad na pinatakbo ito ni Zion habang hindi mapakali sa kakapindot ng cellphone

"Kuya Zion wag ka naman mag cellphone habang nag dridrive" sabi ni Rynnah

"Pakitawagan naman si Reatha o, para makapunta na tayo ng hospital" pakiusap ni Zion, kayat agad na kinuha ni Rynnah ang cellphone para tawagan. 

Nang sagutin ang tawag ay boses ng pamilyar na lalake ang sumagot

"Hello? Doc ikaw ba yan?" tanong ni Rynnah sa kabilang linya "Nasaan po? Ok papunta na po kami" at saka ibinaba ang tawag "Nasa Sto. Nino hospital daw sila kuya sa Camiling" agad binuksan ni Zion ang gps para hindi maligaw papunta sa pinag dalhan kay Reatha

"Rynnah si Gabby" paalala ni Blake

"Oo nga pala" sabi ng dalaga kayat agad din na tinawag si Gabby

"Hello Rynnah?" sagot ni Gabby sa kablang linya

"Hi Gabby, naistorbo ba kita?" tanong ni Rynnah

"Nope, wala nga akong ginagawa e. I miss you na, umuwi ka na boring dito" sabi ni Gabby

"Bored ka? Gusto mo bang mawala boredom mo?" nakangising tanong ni Rynnah at tumingin sa salamin sa harapan kung kayat nag tama ang mga mata nila ni Blake na nakatingin din sa salamain at chinecheck sya sa likuran

"Yes bish! So papasunudin mo na ba kami dyan?" tanong ni Gabby

"Ill text you the address, dalhin mo na din si EVO" sabi ni Rynnah, EVO ang tawag ni Gabby sa paborito nitong racing car na ginagamit lamang ng dalagang racer kapag sa malaking racing event sya pupunta

"Uhmm mukang gusto ko yang iniisip mo, see you bish!" sabi ni Gabby

"See you, make sure you'll win this race" paalala ni Rynnah

"Kelan ba ko natalo?" pag yayabang ni Gabby

"See you bish" sabi ni Rynnah sabay baba ng tawag

----

A/N: Bish = b*tch terminilogy ni Gabby at Rynnah hahaha!

UD pa ko wait nyo ha.



Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon