CHAPTER 26

608 86 16
                                    

"Subukan mo lang kasi Bish! Wala naman mawawala kung itrtry" pag pilit ng kaibigan ni Rynnah na si Gabby, papunta sila ng cafeteria dahil lunch break na nila. Nauna na ang ibang kasama nila na sila Khaye, Carrie at Blake dahil dumaan pa sila ng comfort room habang hinihintay naman sila ni Zhiek sa labas. Kahit na mas higher year si Blake at Khaye ay kasabay nila itong mag lunch dahil pareho ng schedule ang lahat ng nasa section A kahit anong year o course ka man.

"Ayaw ko nga bish, kalokohan lang yan!" pag tanggi ni Rynnah. Gabby believes in lucky charms, horoscope even in fortune tellers. Halos lingo lingo itong pumunta sa manghuhula at bumibili ng kung ano anong lucky charm, minsan tama ang hula sakanya pero mas madalas ay hindi.

"Gagu sinubukan ko din to dati kay Zhiek tapos sabi nya mas nainlove sya sakin. Oh malay mo naman umepekto kay Blake tapos mainlove na sya sayo" muling pag pupumilit ni Gabby. Hawak ni Gabby ang isang bote ng kung susumain ay parang orange juice pero sabi ni Gabby ay nakuha nya ito sa babaeng nanghuhula sakanya lingo lingo, isa daw itong love potion na kapag pinainom mo sa taong gusto mo ay gugustuhin ka din daw nito. Hindi naniniwala si Rynnah dito kung kaya't kanina pa sya tumatanggi sa kaibigan

"Bish si Zhiek matagal ka ng mahal non, hindi kapa inlove sakanya e matagal na syang may gusto sayo. Kathang isip nya lang yan!" sagot ni Rynnah habang nag reretouch ng foundation sa muka

"Bish si Nica pinainom nya ng ganito si Daryl na kaklase natin tapos one week lang sila na! Tapos si Leny din sinubukan nya to kay Joshua tignan mo hanggang ngayon sila parin!"

"Nag kataon lang yon! At saka bish gusto ko naman kung maiinlove si Blake sakin yung hindi inasa dyan sa potion potion na yan, orange juice lang yan bish! Nag papaniwala ka dyan" muling kontra ni Rynnah kay Gabby

"Wag kang Kj Rynnah! Wala namang mawawala kung susubukan mo, kung hindi effective edi okay, kung effective edi mas okay" ang totoo ay natatakot syang subukan ito dahil baka kagaya ng iba ay umasa sya sa gayuma gayuma na wala namang kasiguraduhan, natatakot sya na mag bakasakali tapos ma disappoint lang sya sa huli,

Huminga ng malalim si Rynnah, kilala nya ang kaibigan hindi ito susuko at titigilan hanggat hindi napag bibigyan. Hinablot nya ang orange juice na walang brand o kahit anong tatak kay Gabby.

"Fine, ito ang una at huli bish! Wag tayong umasa na eepekto to ha!" ngunit ang totoo ay may puwang sa isip nya ang pag babakasali na baka naman totoo nga yung gayuma at kagaya sa iba umpekto din kay Blake at sakanya,

"Good! Kailangan yan inumin ni Blake ngayon kasi baka hindi na effective kung bukas pa" paalala ni Gabby

Lumabas na ang dalawa sa cr at natanaw nila sa di kalayuan si Zhiek, agad nila itong pinuntahan para makasunod na sila sa cafeteria

"Ang tagal nyo naman" bugnot na sabi ni Zhiek

"Nag usap pa kami, bakit ba!"pabalang na sagot ni Gabby. Inakbayan ni Zhiek si Gabby at nag simula na silang mag lakad

"Napaka clingy naman o!" sabi ni Rynnah at sumunod sa dalawang kaibigan. Tumabi sya kay Gabby habang nga lalakad sila papuntang cafeteria.

"H-huh, ano yang hawak mo?" puna ni Zhiek ng mapansin na may hawak si Rynnah na bote ng juice

"Ahh ito ba?"sabay taas ng dalaga sa hawak na bote "Orange Juice"

Tinignan mabuti ni Zhiek ang pamilyar na bote "Parang alam ko yan" duda nito, "Love Potion ba yan?" tanong ni Zhiek, naalala nya ng painumin sya ng nobyang si Gabby ng love potion. Naniniwala kasi ang girlfriend nito na mas maiinlove daw sya kung iinumin nya yun pero sa palagay nya kahit wala naman yung love potion na yun ay araw araw parin naman syang naiinlove sa nobya.

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon