CHAPTER 30

525 82 12
                                    

Matapos ang gig ay agad nag tungo ang mag kakaibigan sa bahay nila Blake sa Baguio, nauna ng bumalik ng Manila ang mga staffs at nag paiwan sila dahil sa napag usapan na bakasyon. Katamtaman lamang ang lawak ng isang palapag na bahay nila Blake sa Baguio, pag mamay ari iyon ng kanyang ina dahil namalagi ang Ginang noon sa Baguio noong panahon na nag hiwalay sila ni Thomas Blaze habang pinag bubuntis nya si Blake.

Apat ang kwarto ang meron ang nasabing bahay, at inaakupahan na ng mag asawang nag bababantay ang isang kwarto.

"What if Gabby and Zhiek in one room with Khaye, then Blake and I, Rynnah and Wayne ang mag kakasama sa room?" Suwesyon ni Carrie, kanina pa hindi mapalagay ang mag kakaibigan kung paano ang magigig room designation nila

"HINDI PWEDE!" sabay na tanggi ni Blake at Rynnah, sa isip ni Blake ay hindi maarining mas mapalapit si Wayne kay Rynnah, habang naiimagine naman ni Rynnah ang mga posibleng gawin ni Carrie at Blake sa iisang kwarto

"E kung mag kakasama nalang yung boys sa iisang room tapos mag kakasama tayong girls?" suwesyon ni Rynnah

"Pwede din, may mga extra pang latag naman siguro sila Blake" pag sang ayon ni Zhiek

"But I cant sleep on floor" maarteng saad ni Carrie

"Foam naman yung pan latag, hindi naman banig" sagot ni Khaye

"Kahit na!" muling angal ni Carrie

"Edi ikaw sa kama, kami sa lapag" saad ni Gabby

"Pero walang privacy, mahirap kumilos apat tayo sa room" busangot na saad ni Carrie

"Edi dun ka mag isa sa isang kwarto" sabay sabay na saad ng lahat

"Galit ba kayo?" takang tanong ni Carrie

"OO" muling sabay sabay na saad ng lahat bukod kay Wayne at Rynnah

"Fine, mag kakasama sa room si Blake, Wayne at Zhiek sa kabilang room si Gabby, Khaye at Rynnah at mag isa ko dun sa isang room. Happy?" sawakas ay pag sang ayon ni Carrie

"Good! Mag prepare na tayo at simulan na nating mag gala" saad ni Gabby, binigay ni Blake ang kanya kanyang susi ng kwarto, tinulungan din sila nila Aling Cora at Mang Berting sa pag lalatag ng foam para sa dalawang kwarto.


----

Nang matapos mag ayos sa kanikanilang kwarto ay kumain muna ang mag kakaibigan bago simulan ang pamamasyal.

"Saan tayo pupunta mamaya?" tanong ni Zhiek

"Sa Burnham Park!" agad na sagot ni Rynnah at Blake

"Ano naman gagawin dun?" kunot noo nanaman na tanong ni Carrie

"Mag bibike" sagot ni Blake, noong bata pa lamang sila ni Rynnah at  madalas pang mag outing ang mga pamilya nila ng mag kakasama ay ito ang hilig nilang gawin kasama si Reatha at Zion kapag nasa Baguio

"Anong ka cheapan naman yan?" agad na tutol ni Carrie

"Mukang masaya yun gusto ko mag bike" saad ni Wayne

"Kami din" pag sang ayon ni Gabby at Zhiek, awtomatikong umirap si Carrie dahil talo nanaman sya sa diskusyon ng mga kaibigan

Lulan ng van na si Mang Berting ang nag dridrive ay agad nag tungo ang mag kakaibigan. Nang makarating sa Burnham Park ay nag paalam si Mang Berting na mag papark at tawagan nalang sya kung kailangan na sya ng mag babarkada.

"Baby ikaw mag pedal ha angkas mo ako" malambing na saad ni Gabby kay Zhiek ng namimili na sila ng bike na may sidecar na sasakyan

"Dito nalang ako, hihintayin ko nalang kayo. Ayaw kong mag bike." taas kilay na wika naman ni Carrie

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon