CHAPTER 40

595 81 32
                                    

A/N: Guys favor :) Pa like naman ng page sa fb na Cookiesnamaycream WP

Nawalan kasi kami ng access sa dating fbpage. Salamat.

Ito yun

Ito yun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


ASAHAN KO HA! SALAMAT...

-----


07/29/2012

Dear Rynnah,

               We became friends by chance. At first, I didnt know that you came from one of  my mom's hated families, but we remained friends by choice. I didnt bother telling you, una dahil ayaw kong lumayo ka/kayo ni Gabby at masira yung friendship natin at pangalawa hindi ka naman damay talaga. Gustong gusto kong sabihin sa inyo ni Gabby lahat ng gulo sa buhay ko para masandalan ko kayo at madamayan nyo ako, pero pinangunahan ako ng takot at hanggang sa sulat nalang na to ko kayang idaan. Kung sakaling nababasa mo na ngayon to, ibig sabihin ay nawala na kayo ni Gabby sa buhay ko. Alam ko, alam kong aabot to dito kaya araw araw kong inihahanda yung sarili ko nadadarating ang araw na ang dalawa kong pinaka matalik na kaibigan ay mawawala na buhay ko ng tuluyan. Pero araw araw ko rin na pinag dadasal na sana matagal pa, sana bigyan pa tayo ng mahabang oras tatlo na ienjoy yung pagkakaibigan natin.

           Im sorry Ryry. I may not be the best friend that you can have, and I may not be showing you how much you and Gabby really mean to me. Pinipigilan ko kasi talaga yung sarili ko, kasi baka kapag dumating yung araw na kamuhian nyo na ako baka hindi ko makaya kasi masyado na akong sanay na nandyan kayo sa tabi ko. Kaya pinipilit kong idistansya madalas yung sarili ko sa inyo. Nakakatawang isipin, alam mo bang nag seselos ako na mas close kayo ni Gabby sa isa't isa? Iniisip ko lagi, kung sigurong nasa ibang sitwasyon tayo baka mas nilapit ko sainyo ng buo ang sarili ko.

         Alam mo bang nakakainis ka din! Napaka effortless mong tao, nakakaingit ka. Dahil habang ako ginagawa ko ang lahat para mahalin ng tao ikaw naman walang kahirap hirap. Madalas akong naiingit sayo. Una dahil may buo kang pamilya, naiingit ako sa twing mag kwekwento ka kung gaano kakalog ang mommy mo at kung gaano ka kamahal ng daddy mo. Maging ang mga taong nakapaligid sayo, ang mga kaibigan ng mga magulang mo. Iniisip ko nga, paano kung naging kaibigan nalang ni mommy ang parents mo? Siguro busog din ako sa pag mamahal dahil sa dami ng mga mapagmahal na taong nasa paligid ko. Naiingit ako sa mga family pictures at mga gatherings na pinupuntahan mo lalo na pag may reunion ang mga magulang mo kasama ang mga kaibigan ng mga ito at mga anak nila. Nakakaingit na walang pressure sa pag aaral mo, hindi mo kailangang ipag siksikan ang sarili mo sa honors, hindi mo kailangang ipilit na ipasok sa utak mo lahat ng formula sa math. Nakakaingit ka Ry kasi hindi kagaya ko, hindi mo kailangan mag panggap. I wanted to hate you but I cant, so I end up hating myself for not being you. I end up hating myself for still liking you despite of my bitterness. Then, I started wishing na sana kahit isang araw lang maranasan ko yung nararanasan mo, kahit isang araw lang maranasan ko sanang maging si Rynnah Krixel. It happened. Sinama mo kami ni Gabby sa bahay nyo para mag overnight, ang sarap pala ng pakiramdam tumawa dahil sa kakornihan ng jokes ng nanay mo habang inaasikaso ka. Ang sarap panoorin yung pag lalambingan ng mga magulang mo at halatang halata na mahal na mahal nila ang isa't isa. Ang sarap palang maging ikaw. Dun ko sinimulang kwestyunin ang sarili ko, paano nagawang kamuhian ng nanay ko ang mga taong kagaya ng mga magulang mo dahil nakakasigurado ako na maging ang mga tinatawag mong tita, tito, ninang at ninong ay kasing bait din nila. Pero mali e, sino ba naman ako para kwestyunin ang pinagdaanan ng nanay ko? Kaya I started hating myself again, this time I hated myself more kasi I cant hate those people that I suppose to hate. Alam mo ba yung pakiramdam na yun? Hindi Ry, at hindi ko papangarapin na malaman mo yung ganung pakiramdam, kasi mahirap... Sobrang hirap ...

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon