A/N: Ang chapter na ito ay dedicated kay Scarleng! :) Advance happy birthday!
---
Panoorin nyo muna tong video ng mga characters!
Salamat
------
"Bish answer your phone" saad ni Gabby sa sarili habang patuloy ang pag contact kay Rynnah. Nang tumawag sakanila si Blake na mauuna na sila nila Wayne at Rynnah na babalik ng manila kinabukasan ay agad din silang kumuha ng ticket para makasunod pa uwi. Dahil sa puno na ang mga flight sa umaga ay gabi na sila nakarating kinabukasan ng Manila at wala silang balita kila Rynnah, Blake at Wayne.
Kanina pa sinusubukan na kontakin ni Gabby si Rynnah ngunit hindi ito sumasagot.
"Si Blake kaya contakin mo baby?" suwesyon ng nobyong si Zhiek. Nang makalapag ang eroplano nila ay napansin na nila na mukang turilo si Carrie, dumating na ang sundo nila nila Khaye at Zhiek, at plano ng sumabay ni Gabby sa mga ito ngunit si Carrie ay parang wala sa sarili na sumakay ng taxi kung kaya't sinundan nila ito at dumirecho sa isang bar. Habang abala sa pag kontak ang mag nobyo kay Rynnah para humingi ng tulong dahil hindi nila mapilit na umuwi ang dalaga, si Khaye naman ang nag babantay kay Carrie na ngayon ay lasing na lasing na
"Cheers sa lahat ng mga failure na kagaya ko!!!!" sigaw ni Carrie sa loob ng isang kilalang bar habang initaas ang baso na may lamang alak at pasayaw sayaw pa sa malakas at nakabibining tunog sa bar
"Carrie tama na yan, umuwi na tayo" aya ni Khaye
"Ate Khaye ngayon lang ako iinom ng ganito, ngayon lang ako masaya. Ngayon ang unang beses na i brebreak ko ang rules na si ponsyopilato lang ang nag pauso. Kaya uminom lang tayo!" lasing na lasing na saad ni Carrie.
Masama ang loob ng dalaga, hindi nya kayang sisihin ang nanay nya sa mga kasalanang ito talaga ang mag kagagawan. Ngunit sa kabilang banda ay sinisisi nya rin ang sarili nya dahil sa pagiging selfish nya ng ilihim nya ang nalalaman sa mga kaibigan. Para na syang mababaliw sa mga pinag dadaanan nya ngayon. Hindi nya alam kung saan na sya lulugar at kung ano na ba ang dapat nyang gawin. Kung kaya't naisipan nyang mag pakalasing para kahit isang araw lang ay makalimot sya.
---
Naiwan naman ni Rynnah ang cellphone sa unit nya kung kaya't hindi sya ma contact ng mga kaibigan, umuwi na muna silang tatlo nila Wayne at Blake para makapag pahinga. Ngunit kahit anong pilit ni Rynnah ay hindi nya magawang makatulog kung kaya't tila kusa syang dinala ng mga paa patungo sa rooftop ng condo.
Naroon parin ang billboard na ang larawan ng kaibigang si Carrie ang nakapaskil. Pinag masdan nya lamang iyon habang nag iisip. Inisip nya ang pusisyon ni Blake at Carrie, kung itutuloy pa ba ng dalawa ang relasyon nila dahil sa mga nabunyag noong nasa Cebu sila. Lingid parin sa kaalaman ng dalaga ang naging usapan ng dalawa nyang kaibigan. Nanatiling tikom ang bibig ni Blake sa napag kasunduan nila ni Carrie.
Nag lalaban ang galit at awa ng dalaga para sa kaibigan. Kung kaya't maging sya ay litong lito na sa kung ano ang dapat nyang maramdaman para dito.
"Baka naman matunaw yang tinititigan mo nyan" nagitla ang dalaga ng marinig ang boses ni Wayne buhat sa likuran, nilingon nya at ito at saka sya ngumiti "Anong ginagawa mo dito?" dagdag na tanong ng binata
![](https://img.wattpad.com/cover/51776361-288-k887804.jpg)