CHAPTER 9

679 81 5
                                    

Sa pinaka malaking mall sa Pilipinas gaganapin ang signing and intro para sa bagong banda na kahuhumalingan ng madla, ang bandang NO U-TURN. Nabuo at napag desisyunan ito ng grupo kahapon ng sunduin sila upang sa office ng agency nila Carrie mag lunch kasabay na din ng meeting ng banda kasama ang mga big boss. 

Kahapon, ng sunduin ang apat na myembro ng grupo na sila Rynnah Krixel Lopez, Thompson Blake Alcantara, Zhiek Ford at Khayden Ford ng isang van at habang binabaybay ang kahabaan ng edsa ay hindi sinasadya na sa maling u-turn slot dumaan ang driver nila kaya nahuli ito mabuti nalamang at areglo. Dito nila naisip na pangalan ang grupo nila na NO U-TURN

Ngayon ay nasa isang silid ang apat na myembro kasama ang girlfriend ni Zhiek na si Gabby at nag hihintay na lamang ng hudyat na mag sisimula na ang event. Kahapon lamang din naka pag practice ang grupo bago dumirecho si Blake sa bahay ng mga magulang. Isang original composition ni Blake ang kaunaunahang tutugtugin nila na sya ding magiging trademark song ng kanilang grupo. Naging malaking advantage sakanya upang hindi sila mahirapan na gamayin ang musika dahil alam ni Rynna ang tipa ng kantang isinulat ni Blake at sa kadahilanan din na professional ang mag kapatid na si Kyahe at Zhiek.

Inip na inip nang nag hihintay ang lahat. Nilibang ni Khaye ang sarili sa mahinang pag hampas ng drumsticks sa lamesa upang lumikha ng tunog, samantalang nag bibiruan naman ang mag nobyong Zhiek at Gabby habang ang dalawang mag kababata naman ay tiim na nakaupo lamang

"Kinakabahan ka ba?" tanong ni Blake sa dalaga

"Hindi, excited nga ko e" sagot naman ng dalaga

"Ako din, buti pinayagan ka ng mga magulang mo?" tanong muli ng binata

"Sus yun pa? alam mo namang si Inay, e-este si mommy basta expossure gustong gusto nun" sagot naman ni Rynnah

"May joke ako!!!" pag kuha ng atensyon ni Zhiek sa mga kasama, kumuha si Zhiek ng papel at marker. "Anong basa dito CAPABLE

"Capable" sagot ni Rynnah

"Oh dito" muling nag sulat si Zhiek at hinarap sa mga kasama ang papel

"Possible" sagot naman ni Gabby, muling nag sulat si Zhiek

"E dito?" muling tanong ng binata

"adorable" sagot naman ng ate nito,

"Oh ito last na" muling tinaas ni Zhiek ang sinulat, tumingin ang tatlong babae kay Blake dahil sya nalang ang hindi nag paparticipate

"PAR-DIB-LE" sagot ni Blake, nawala ang mga ngiti sa labi ni Zhiek

"Ay? alam mo yun? Akala ko isasagot mo pardibol e" dismayadong sabi ni Zhiek, nag tawanang naman ang mag kaibigang si Rynnah at Gabby

"Sa susunod na mag jojoke ka siguraduhin mong hindi namin napanood sa TV ha!" tuwang tuwang pambabasag ni Gabby sa nobyo

"Its not laughable" sabi ni Rynnah

"So kornible" dagdag pa ni Gabby

"Waleyble" (waley) pang gagatong din ni Khaye at nag tawanan silang lahat

Naputol ang tawanan nila ng pumasok si Carrie ng hindi kumakatok

"Hi girl!" bati ni Gabby sa kaibigan ngunit hindi sya pinansin nito

"Blake lumipat ka daw sa kabilang kwarto" direchong sabi ni Carrie at iniwanan ang mga nasa kwarto. Nag tataka ngunit sumunod nalang si Blake. Nang makalabas si Blake ay hindi na mapakali si Rynnah

"Bakit kelangan sa kabilang kwarto si Blake?" tanong ni Rynnah

"Ewan" kibit balitang sagot ni Gabby "Baby nasa labas sila daddy, mag mano tayo" baling ni Gabby sa nobyo "Iwan muna namin kayo ha" paalam ng dalawa. Natira na lamang si Rynnah at Khaye. Nag pabalik balik naman si Rynnah sa pag lalakad habang cool na cool na nakaupo lang si Khaye na pinag mamasdan sya

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon