"Bakit ba kabadong kabado ka?" Tanong ni Rynnah sa kababata habang nasa loob pa sila ng sasakyan. Sabay silang pumasok dahil sa iisang condo lang naman sila nakatira napag pasyahan nila na isang sasakyan nalang ang gamitin. Ito rin ang araw na isasama ni Rynnah si Blake sa grupo nya para sa pangakong tutulungan nya ito na manalong King of The Night ilang buwan nalang mula ngayon kaya hindi sila dapat mag sayang ng oras. Naudlot ang pag papakilala nya sana kay Blake last week dahil sa misyon nila sa kanilang Ninang Skye.
Nang makauwi ang dalawa buhat sa Pampanga ay agad silang nag tungo sa kanilang Ninang para sabihin ang magandang balita. Naroroon din ang mga magulang nila na noong una ay alalang alala sa kanilang dalawa ngunit ngayon ay sang-ayon na sa kanilang ginagawang pag hahanap kay Sean dahil nakita ng mga ito ang determinasyon at mukang pag tatagumpayan nila ito.
"Sinong may sabing kabado ako?" maang na sagot naman ni Blake
"Halata kaya! Wag kang mag alala mabait naman sila" sagot ni Rynnah
"Yung Gabby at Zhiek oo pero yung Carrie?" napasimangot ang dalaga ng marinig ang pangalan ng kaibigang babae, batid ng dalaga na may gusto ang kasama kay Carrie kaya ito hindi mapakali kanina pa
"Wag kang mag alala magugustuhan ka nun, che!" sagot nya at nag patimauna ng nag lumabas ng sasakyan. Patungo sila sa cafeteria dahil doon sila mag kikita kita
"S-sigurado ka? Bakit kasi kailangan pa to?" sagot ni Blake ng makasunod sa kaibigang nag mamadaling mag lakad
"OO! WAG KANG MAG ALALA!" masungit na sagot ni Rynnah
"Bakit ba ang sungit mo?" tanong ni Blake "Sabagay sa gwapo kong to alangan sungitan nila ko noh?" dagdag pa ng binata at nilagpasan na ang dalaga sa pag lalakad. Napahinto si Rynnah sa pag lalakad at pinakalma ang sarili dahil sa mabilis na pag tibok ng puso nya
"Puso ikalma mo" sabi nya sa sarili "Kaibigan ka lang Rynnah, lumugar ka sa parking area ng ga friendzone" pag papaalala pa sa sarili at saka pumikit at huminga ng malalim. Hindi nya maintindihan ang nararamadamang parang may mabigat na bagay sa digdig nya.
"Hoy bilisan mo na nga dyan" sigaw ni Blake na medyo malayo na sakanya
"OO NA!" sagot nya at saka nag mamaktol na sumunod sa kaibigan.
Nang makarating sa cafeteria ay kinawayan sya ni Gabby, kasama nito Carrie, Zhiek at maging ang kapatid nitong si Khaye. Nag tatakang lumapit si Rynnah sa mga kaibigan. Kilala nya si Khaye, mas matanda ito ng dalawang taon sa kanila. Kahit na welcome ang dalaga sa grupo ay hindi ito madalas sumasasama sa kanila.
"Late na ba kami?" takang tanong parin ni Rynnah
"No, just in time" masayang sagot ni Carrie na muling pinag taka ni Rynnah, hindi naman normal na halos abot tenga ang ngiti ni Carrie. Madalas nga itong seryoso lamang at minsan parang walang pakeelam sa paligid.
"Si Blake nga pala, yung sinasabi kong kaibigan ko" pag papakilala ni Rynnah kay Blake "Blake, Si Gabby at yung boyfriend nyang si Zhiek" pag papakilala ni Rynnah sa mag boyfriend at kumaway naman ang mga ito "Si ate Khaye, kapatid ni Zhiek" pag papakilala ni Rynnah kay Khaye ngunit tinignan lang ng dalaga si Blake "At si . . ." bago pa man maituloy ni Rynnah ay inilahad na ni Carrie ang kamay nya
"Carrah Misakie Acosta, nice to finally meet you Blake" masayang pag papakilala ni Carrie sa sarili nya. Umariba nanaman ang bilis ng tibok ng puso ni Rynnah. Ngayon nya lang nakita si Carrie na interisadong mag pakilala sa isang lalake. Umiling ng mabilis si Rynnah para burahin ang pag iisip sa kaibigan
