Gamit ang sasakyan ni Zion, handa na ang mag kakaibigan para puntahan ang kanilang Uncle Sean sa Tarlac, o kung wala man ito doon alam nilang may naiwan itong kahit anong bakas o marka kung saan nila ito sunod na hahanapin. Nakaupo si Reatha sa Passenger Seat katabi ni Zion habang mag katabi naman sa likuran si Blake at Rynnah
"Ok lang ba na dumaan muna tayo sa Hospital? Kailangan ko kasing i transfer yung mga pasyente ko sa kasamahan kong doctor" sabi ni Reatha ng paandarin na ni Zion ang sasakyan,
"Kay Doc Anthony?" tanong ni Zion
"Hindi, kay Doc Adrian " sagot ni Reatha,
"Bagong Doctor?" muling tanong ng binata. Halos mag palitan naman ng tingin ang dalawang mag kaibigan na nasa likuran na nakikinig sa dalawang nag uusap
"Anak ni Doc Anthony, Intern din" napa preno si Zion "Ano ba Zion, mag dahan dahan ka nga!"
"So-sorry, may dumaang pusa kasi" palusot ng binata "Ibig sabihin ka edad mo?" tanong ni Zion
"Hindi, siguro ka age mo. FEU sya galing" sagot muli ni Reatha
"Mukang alam ko na kung bat napa preno yang isa" bulong ni Blake sa katabing si Rynnah
"Dahil sa pusa diba?" pabalik na tanong na pabulong ni Rynnah
"Oo, malaking pusa!" tatawang sabi ni Blake na kina weirdohan naman ni Rynnah.
Ngunit sa isip ni Blake alam nyan kaya ganyan ang inaasta ni Zion ay dahil may bago nanaman syang babakudan na pumorma kay Reatha
"Sigurado ako mas gwapo ako dun" sabi ni Zion
"Ano namang connect? Ewan ko sayo Zion" iritableng sabi ni Reatha.
Nang makarating sa hospital ay sinabi ni Reatha na hintayin na lamang sya dahil saglit lang naman sya.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Blake ng mapansin na nag alis si Zion ng seatbelt ilang minuto lang bago umalis ng sasakyan si Reatha.
"May bibilin lang" sagot ni Zion
"Anong bibilin mo?" tanong muli ni Blake
"Gamot sa botika, para may baon tayo" sagot muli ni Zion
"Hindi ba tayo dadaan sa Mall para bumili ng baong pagkain? Doon ka nalang din bumili kaya ng gamot" inis na napakamot sa ulo si Zion
"Sa bilis ng tibok ng puso ngayon ni Zion palagay ko nga kailangan nyang bumili ng gamot" makahulugang sabi ni Blake "Samahan na kita"
"Paano ako? Iiwan nyo ko?" tanong ni Rynnah
"Oo, bantayan mo yung sasakyan" sabi ni Zion at saka sila nag madaling lumabas ni Blake ng sasakyan at nag tungo sa Information Desk
"Hi love" bungad ni Zion sa receptionist gamit ang malanding boses. Madalas sya mag punta sa hosptal twing sinusundo nya si Reatha kaya kilala na sya ng mga tao dito
"Hello Sir Zion, hinahanap nyo po ba po ba si Doc Lopez? Nako kakarating lang po at dumaan dito tinanong kung nasan ngayon si Doc Adrian" kwento ng babae
"Ahh ganon ba? Nako baka dun sya papunta noh? Nasan ba ngayon si Doc Adrian? Sabi kasi ni Doc Lopez sunduin ko sya e. At nasabi nya na dadaan sya kay Doc Adrian kaya lang hindi ko na ma contact ngayon si Doc nakalimutan nyang sabihin anong floor ko makikita ang desk ni Doc Adrian" palusot ni Zion, halos pigilan naman ni Blake ang pag tawa dahil sa turan ng kasama
![](https://img.wattpad.com/cover/51776361-288-k887804.jpg)