"Tsktsk 10 mins late ka na Mr. Alcatara" halos mapatalon sa gulat si Blake ng pag labas nya sa condo unit ay nag aabang na sa labas ang kababatang si Rynnah
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya
"Hinihintay ka?" sarkastikong balik na tanong na tugon ng dalaga
"At bakit?" takang tanong ng binata ngunit nag simula ng mag lakad papunta ng elevator at sinundan naman sya ng dalaga
"Hello? Diba sabi ko naman sayo ipapakilala kita kila Carrie?" byernes ng huli nyang nakausap si Rynnah kung saan pinuntahan sya nito sa bahay nila, sabi ng dalaga ay babalik ito kinabukasan pero walang Rynnah na dumating sa bahay nila. Batid ng binata na alam parin ni Rynnah ang schedule nitong pag uwi sa bahay nila. Monday to Friday ay sa condo unit kung saan malapit sa eskwelahan sa tumutuloy at dahil wala syang pasok ng sabado at lingo, biyernes palang ng hapon pag katapos ng klase at dumidirecho nya sya sa bahay nila para makasama ang mga magulang.
"Ngayon na ba yun?" tanong ni Blake ng makapasok sila ng elevevator
"Yes! Bakit late ka ng 10 mins?" muling tanong ng dalaga, agad naman tumingin si Blake sa relo ng makitang maaga pa
"Anong late? 30 mins pa bago mag start ang first class ko" sagot naman ng binata
"Pina check ko ang CCTV 7:20 AM palang lumalabas ka na ng unit mo, meaning late ka ng 10 mins!" sagot ng dalaga sabay pindot sa elevator sa ground floor kung saan naka park ang sasakyan
"At bakit naman pinayagan ka ng security system na I check ang CCTV logs?"
"Hello? Condo namin to, aangal pa ba sila?" napabuntong hininga ang binata ng maalala na pag mamay-ari nga pala ng pamilya Lopez ang condong tinutuluyan nya. Nanahimik nalang sya habang binabaybay ng elevator ang bawat floor papunta sa Ground Floor. Pumikit sya ng maramdamang kulang pa ang tulog nya dahil exam week nila ngayon.
"Micronutrient Dificiency labanan natin to,
pag may bear brand araw araw
o yeah kaya natin to" rinig ni Blake na kanta ng kasama sa elevator ngunit pinili nyang wag pansinin ang dalaga at nanatiling naka pikit
"Micronutrient Dificiency labanan natin to,
pag may bear brand araw araw
o yeah kaya natin to" ulit na kanta ng dalaga, saktong tumunog naman ang elevator hudyat na nasa Ground Floor na sila
"Anong kanta ba yan?" iritableg usisa nya
"Wala ka bang TV sa unit mo at hindi mo alam yun?" tanong ng dalaga
"Meron pero English Channels lang ang pinapanood ko at walang Micronutrient Deficiency don!" sagot ni Blake
"Ganun ba? Ok" kibit balikat na sagot ng dalaga at naunang lumabas ng Elevator
"Micronutrient Dificiency labanan natin to,
pag may bear brand araw araw
o yeah kaya natin to" nang aasar na ulit na kanta ng dalaga
"Pwede bang itigil mo yan?" iritableng pigil muli ni Blake kay Rynnah sa pag kanta ng ulitin nito ang kanina pa kinakanta
"Eh bakit ba nakaka LSS kasi! Latest jiggle yun sa commercial ng Bear Brand noh" dipensa ng dalaga
"Bakit stock holder na ba kayo ng Bear Brand at kung maka advertise ka?" tanong ng lalake habang patuloy nilang binabaybay ang lugar kung saan naka park ang sasakyan ng binata
