CHAPTER 1

1.2K 82 19
                                    

Nag pabalik balik si Rynnah ng pag lalakad sa hardin ng kanilang bahay at wari mo'y sinasariwa ang ikwentrong naganap sa pagitan nila ni Blake kaninang umaga sa eskwelahan. Maya't maya naman syang sinusundan ng tingin ng inang nag aayos ng halaman sa hardin sa mga oras na yun.

"Hoy Rynnah Krixel, ano bang problema mo at kanina pa ako hilong hilo sayo. Hindi ko tuloy matapos tapos tong ginagawa kong pag gugupit sa mga halaman" singhan ng inang si Kristina sa anak, ngunit hindi parin natininag si Rynnah kakaparit maritong pag lalakad nya "Aba't talagang ayaw mong tumigil!" inis pag sigaw ng ina

"Nay! Sino po bang may sabi sa inyo na sundan nyo ko ng tingin" sagot ng dalaga sa ina ng sa wakas ay tumigil na ito sa palakad lakad na ginagawa

"Oo nga naman sorry" wala sa katinuang sagot ng ina sakanya na wari mo sya ang anak sa kanilang dalawa. Nang makabawi sa ginawa ng anak ay agad pinanlakihan ni Kristina ng mata ang anak "Aba't sumasagot sagot ka pang bata ka!"

"Nay nung hindi po ako sumagot sa inyo nagalit kayo, tapos ngayon pong sumagot ako sa inyo galit parin kayo?" pag papaliwanag ng dalaga sa ina, huminga ng malalim ang dalaga at naupo sa maliit na upuan at saka kumuha ng juice na nakalapag sa lamisita "Parang pag ibig lang yan nay, nag rereklamo kapag hindi mahal ng taong mahal nila. Tapos kapag may dumating ng tao na mamahalin sila hindi naman nila susuklian ng pag mamahal. Gets nyo ba nay?" pasadang sagot ng dalaga

"Aba! At sana mo naman napulot yang mga salitang yan hoy Rynnah ke bata bata mo pa puro ka pag ibig, pagibig" tutol na sagot ng ina na tuluyan ng natigil sa ginagawa at hinarap ang anak

"Makasalita nay, nauna po kayong kumerengkeng sakin. Sa inyo pa po talaga nanggaling yang salitang yan?" may panunuksong sagot ng dalaga

"Hoy! Nung kabataan ko hard to get ako. Hindi ako basta basta na inlove inlove na ganyan" pag mamalaking sagot ng ina

"Weh??" di makapaniwalang tanong ng dalaga

"Anong weh?" nang hahamong tanong naman ng ina

"Hindi ganyan ang kwento ni Ninang Skye sakin" kibit balikat na sagot ni Rynnah. Simula sapol pa lamang ay ang Ninang Skye nya ang isa sa pinaka ka close nya sa mga kaibigan ng ina. Dahil sa walang pamilya ang nabangit na babae ng dalaga kaya halos ituring din syang anak nito. Bata palamang si Rynnah ay mahilig na syang mag pakwento sa Ninang Skye nya ng mga kalokohan at pinag daanan nila ng mga kaibigan ng ina, dahil sa halos paulit ulit nya itong pinapaulit ngunit hindi parin sya nag sasawa sa kwento ay halos makabisa na nya ang buong pang yayari sa mga naranasan ng ina maging ang kanyang ama na si Ryder.

"Wag kang nag papaniwala sa kwento ng ninang mo na yun" giit na sagot naman ng ginang sa anak

"Alis ako nay" biglang sabi ni Rynnah sa ina na wari mo'y nakaisip kung sino ang magandang kausapin sa bumabagabag sa kanyang isip

"At saan ka naman pupunta?" tanong ng ina

"Kay ninang Skye" agad humalik sa pisngi ng ina ang dalaga at hindi na hinintay pa ang isasagot ng ina at tuluyan ng umalis

---

Sa kabilang banda , busy-ing busy ang ina ni Blake na si Zane sa pag lilinis ng bahay

"Blake anak I check mo nga yung kwarto mo kung may ipapasama kang ilagay sa basement" sigaw ng ina kay Blake pero nag patuloy lamang ang binata sa pag timbre ng gitara at hindi sinunod ang ina.

Busy-ing busy naman si Zane sa pag kalikot sa kwarto nilang mag asawa ng matabig nya ang isang lumang kahon sa itaas ng cabinet. Agad pinulot iyon ng ginang at ipinatong sa side table. Ipag papatuloy nya pa sana ang pag lilinis ng makilala ang kahon kaya dali dali syang naupo sa kama at binuksan ito. Tuwang tuwa syang tignan ang mga naitabi nyang larawan ng asawa noon nasa highschool pa lamang sila. Maging ang cd na nag lalaman ng video ng asawa ng araw na muntik na syang ikasal sa kaibigan. Tuwang tuwa si Zane habang inaalala ang mga alala sa nakaraan ng mahagip ng mga mata nya ang TO HIM na sulat nya na ginawa nyang panahon na akala nya ay hindi na ulit sila mag kakabalikan ng asawa. Napangiti sya ng basahin ito at napag tanto na ang bawat letrang sinulat nya dito na para sana sa susunod na taong mamahalin nya ay nag lalarawan parin sa nag iisang lalakeng minahal nya, ang kanyang asawang si Thomas. Ibinalik nya ang kahon sa taas ng cabinet at iniwan ang sobre na may laman na sulat sa drawer ng side table at naisip na ibigay ito mamaya sa asawa pag kauwi

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon