CHAPTER 20

584 84 16
                                    

Agad nag tungo ang mag kakaibigan na sa bahay kung saan naroroon ang Glass Box. Nang makarating sa bahay ay agad kinuha ni Blake ang Glass Box at inilapag sa lamesa sa sala. Pinalibutan ito ng mag kakaiban habang si Rynnah ay naupos sa lapag upang maging kapantay ng kanyang paninging ang Glass Box.

"Para saan ba yan?" mausyosong tanong ng Carrie habang mausisang pinag mamasdan ang Glass Box

"Nandito naiwan ng tito namin yung next clue kung saan sya mahahanap." sagot ni Rynnah

"Bakit hindi nyo nalang tawagan, bakit kelangan pa ng Clue? Ano yan nag lalaro kayo ng taguan?" tanong ni Carrie

"Matagal silang nag kahiwalay ng Ninang Skye namin at sa huling sulat nya nakalagay yung lugar na pinuntahan nya. Hindi namin sya naabutan pero nag iwan sya ng clue, kaya't bawat lugar na mapuntahan namin at hindi namin sya maabutan doon ay hinahanap namin yung iniiwan nyang clue" paliwanag ni Rynnah

"Bat ba nag hiwalay yung dalawa?" muling mausyosong tanong ni Carrie

"Ang alam ko, merong babae na sumira ng relasyon nila. Yung Anika Charmaine. Grabe nga yun e, ang sama naman nya pati nga mommy ni Blake pinadukot nun dati" muling sagot ni Rynnah

"Do you know her?" mataray na tanong ni Carrie

"H-hindi, base lang sa kwento nila" takang sagot ni Rynnah

"See you dont know her, so stop bragging unsure words about her" iritableng sabi ni Carrie, sanay sila Gabby at Rynnah na may kasungitan ang kaibigan ngunit nakabibigla na mag bigay ito ng komento gayung hindi naman nya kilala ang babaeng tinutukoy ni Rynnah, madalas na walang kibo ito at hindi nangengeelam sa mga bagay na hindi naman sya konektado sa usapan.

"Carrie? Kelan ka pa nangeelam sa issue ng may issue?" tanong ni Gabby, ngunit hindi na sumagot si Carrie "Go on bish, do your business. I wasn't ours anyway" pasaring ni Gabby sa kaibigang si Carrie na nag react kanina

Agad inilagay ni Rynnah ang microchip. Umilaw ito at sa tabi ay may umangat na keypad kung saan ilalagay ang passcode. Kagaya sa Pampanga ay pinundot ni Rynnah ang 7593, nag bukas ang isang side ng Glass Box. Maingat na kinuha ni Rynnah ang isang saranggola at masuring tinignan ito. Sa  kahoy ng saranggola ay may naka ipit na sulat.

"Saranggola, ang syang susi para matunton ka

tanging instrumento para maabot ka

Dalawang tao,

hindi tatlo,

lalong hindi isa.

Dalawang tao ang kailangan para mapalipad ito.

Dalawang tao lamang

Ikaw at ako,

Inalalayan ko ang pag hawak dito

habang nasa mga kamay mo ang pisi para mapalipad ito

Isang napakanipis na pisi

Pisi na nag uugnay sating dalawa

Pisi na kapag naputol ay magiging dahilan ng pag kawalay sa isa't isa

Parang ikaw at ako,

Relasyon na iningatan ko ang pag kakahawak dito

Ngunit ikaw mismo ang pumutol sa pisi nito,


Iniangat ko ang saranggola upang makalipad

habang ikaw ay tumatakbo ng matulin at hindi kukupadkupad

Dear Past #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon