Sa kasaysayan ng nagdaang Panahon, hindi pa kilala ang Pilipinas bilang pangalan nito. Wala pang nangyayaring pagsalakay at walang kastilang nais sakupin ang bansa.
Sa madilang salita,
Ang bawat pulo sa bansa ay may iba't ibang nagmamay-ari, iba't ibang nilalang na kahit sino man ay hindi aakalaing naninirahan sa napakagandang lupain nito. Nagmula ang mga ito sa ibat-ibang panig ng mundo, naglayag at nanatili sa Silanganan upang mamuhay ng payapa at ipagpatuloy ang lahi ng angkan.Ngunit ang mga kakaibang nilalang na ito ay mailap at walang nakakaalam na sila'y namumuhay kasama ng ordinaryong tao. Isang lihim ng Lahing hindi kailan man masisiwalat hanggang sa kasalukuyang panahon.
Mga Lobo, Bampira, Diwata, Manggagaway at iba pang nilalang na aakalaing haka-haka lamang sapagkat walang prohibang nalikom ang mga nauna at kasalukuyang siyentipiko.
Ang kwentong ito ay isang kasaysayang nalimot sa mahabang panahon. Sekretong nakatago sa kabilang bahagi ng mundo na ngayon lamang maisisiwalat.
*****
14th Century
(Taong 1360's)Madilim na ang gabi at ingay lamang ng hangin na tumatama sa mga puno ang maririnig.
Kinakabahan siya sa tangka niyang gagawin pero buo na ang kanyang desisyon .
Ito nalamang ang tanging pag asa niya at ang huling pagkakataong makakaalis siya sa empyernong lugar.
" Ilang taon na ba simula ng nakulong siya sa loob na ito? " ang tanong niya sa sarili.
Dahil hindi niya maalala kahit isa man sa kanyang nakaraan.
Ang natatandaan niya nalang ay ang nakakatakot na matang nakatingin sa kanya ng siya'y magising sa mismong lugar. Kahit pangalan niya'y hindi niya alam o kahit ang kanyang magulang.
BINABASA MO ANG
The Alpha's Light (ATW#1)
Werewolf*MAKAPANGYARIHANG NAMUMUNO SA NAYON NG WOOD. Ang buong akala ni Easton ay pinagkaitan siya ng babaeng kanyang mamahalin. Ngunit di niya inaasahang darating ito sa maling oras at maling panahon. Ngayon nga'y kailangan niyang itama lahat ng kan...