XLV. PAGKALAYO

3.5K 119 13
                                    

*****
Evan

Rinig niya ang ungol na nanggagaling sa loob ng kanyang tahanan habang kita ang patuloy na paglakas ng apoy mula rito.

Mabilis niyang tinahak ang deriksyon ng kaniyang pinuno at agad niyang nakita ang isang malaking lobong nakatingin sa nagaapoy na silid ni Alena.

Ngunit alam niyang huli na ang lahat dahil imposibleng mapasok nila ang silid nito ng buhay.

" Alpha! Kailangan na nating makalabas sa lugar na ito" sabi niya. Pero wala siyang narinig mula dito kundi pawang angil lamang.

Napakuyom siya. Ngayon ay alam niya na ang dahilan ngpagsugod. Isa lamang ang pakay ni Ronan.

Iyon ay ang Luna. Siya man ay hindi aakalaing mangyayari ang bagay na ito.

Gayon paman ay kailangan niyang matiyak ang kaligtasan ng kaniyang pinuno. Alam niya kung ano ang nangyayari rito sa oras na ito.

Mahirap sa isang lobo ang mawalay sa kanyang kabiyak. Lalo na kung napakalakas ang koneksyong namamagitan sa mga ito gaya ng kung anong meron ang koneksyon ng Alpha at ng luna.

Ramdam niya muli ang pagkabuhay ng kirot sa kanyang puso habang tinitingnan ang umaangil na lobo sa kanyang harapan.

Hindi na ang Alpha ang kanyang kaharap at ramdam niya iyon sa pagkawala ng koneskyon nito sa kanyang isip.

Bagay na ilang daang taon ring nangyari sa kanya simula ng mawala ang kanyang kabiyak.

Ngunit magkaiba sila, sapagkat buhay pa ang Luna at kailangan lamang nila alamin kung nasan ito dinala ni Alpha Ronan at kung ano ang pakay nito rito.

Napakuyom siya sa galit. Habang naaalala ang mukha ng kanyang yumaong kabiyak, ang sakit na matagal ng nananatili sa kanyang puso ay muling nabuhay.

Agad niya itong inalis sa kanyang isip  na sanay niyang gawin sa maraming taon na nagdaan.

" Alpha Easton nasisiguro akong hindi pa nakakalayo si Ronan" sabi niya rito.

Umaangil itong humarap sa kanya, kita niya ang nagpupuyos na mata nito sa galit na nararamdaman.

Umaangil itong lumapit sa kanya.
" ALPHA! " muling tawag niya rito. Ngunit tela wala itong naririnig.

Napamura siya, hindi na nito nakikilala ang kaharap.

Agad siyang nagpalit ng anyo. Mabilis na lumabas sa kanyang nagaapoy na tahanan.

Ramdam niya ang mabilis na paghabol nito sa kanya. Habang umaangil. Mas binilisan niya pa ang takbo hanggang sa makita niyang malayo na sila'y huminto siya.

Bago paman siya makatingin dito'y dinambaan siya nito sa likuran dahilan upang siya'y matumba.

Napaungot siya sa sakit.
Ngayon niya lamang napansin ang anyo nito.

Ang mata nito'y tuloyan ng nagiging kulay pula.

Muli siyang napamura. Sa oras na ito'y wala na itong kinikilala kahit lingkod man.

Buong lakas siyang tumayo sa kanyang apat na paa.

Hinintay niya ang muling pagsugod nito ngunit nanatili itong nakatayo at nakatingin sa deriksyon ng Timog habang may inaamoy sa paligid.

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon