XXXVIII. Nabigong Plano

4.1K 175 8
                                    

*********
Easton

" Nasisiguro kaba sa iyong sinasabi?"
Tanong niya sa kaharap.

" Nasisiguro ako Alpha, wala sa kanya ang iyong hinahanap." Sabi nito.

Napaangil siya, hindi maaring wala itong alam sa tatak na kanilang hinahanap.

Tumingin siya sa Dalawang kasamahan. " Sa tingin ko'y nagkamali kalang babae. Nasisiguro akong may kinalaman ang Hari sa pagsugod sa aking lupain." Umaangil na muli siyang tumingin dito.

Napailing ito. "Nabasa ko ang kanyang isip Alpha at wala akong nakitang may kinalaman siya sa pagsugod. Nalaman ko rin na maging siya man ay hindi pa nakikita ang pinuno ng Silver Fangs Dynasty."

Napatiim bagang siya sa impormasyong sinabi nito.
" Ngunit.."

Hinintay niya ang sasabihin nito at tela nagaalinlangan itong sabihin.
" Tela may balak silang agawin ang iyong lupain."

Hindi na siya nagulat sa impormasyong ito dahil alam niya na ang pakay ng Hari sa una palang.

" Sa tingin ko'y mahihirapan tayong tukoyin ang ating kalaban Alpha" sabi ni Elias.

Napatiim bagang siya. Aminin man niya sa hindi ay tama ito.
" Batid kong may nais silang kunin sa aking Lupain. Bagay na nais kong malaman kong ano. " malamig na sabi niya.

" O Sino." Pagtatama ng Babaeng katabi ni Philip. Napangisi ito upang lumabas ang matatalim nitong pangil na nagawa nitong itago  kagabi.

Hindi niya pa nasisiguro kung karapat dapat ba itong pagkatiwalaan kung gayong ibang lahi ang lumalatay sa dugo nito.

Napakunot noo siya.

" Tama siya Alpha." Sabi ni Philip na halatang sinasang ayonan ang katabi na tela pinoprotektahan ito sa kung ano mang maari niyang gawin.
" Maaring ang pakay nila sa ating Lupain ay isang lingkod. Ngunit sino?"

Isang katanongang umugong sa loob ng silid.

**********

" Aston!" Sigaw niya. Kanina niya pa tinatawag ang alaga ngunit tela hindi siya nito naririnig.

Hindi niya namalayang napalayo na siya sa tahanan ni Evan. Ang sabi niya'y nais niyang mapag-isa at pinangako niyang hindi siya lalayo sa bakuran nito ngunit hindi niya nagawa dahil sa alagang ngayon ay hinahanap niya.

" Aston!" Muling tawag niya.

Napatingin siya sa kaliwa ng marinig niya ang paggaspas ng mga dahon sa bahaging iyon.

" Aston?"

Mahina siyang naglakad patungo roon. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Paano kung hindi iyon ang alaga?

Napalunok siya. Sino paba ang gagalaw roon kundi si Aston lamang.
" Aston!" Masayang sabi niya ng makita ang nakahigang hayop ngunit hindi ito nakaharap sa kanya.

Tela may kinukuha ito sa loob ng halaman, maya-maya pa'y kumahol ito habang nakatingin parin sa loob.

Nauusisa siyang tingnan kung ano ang nais nitong kunin.

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon