XXXIX. Nimpa

3.8K 165 5
                                    


**********
Alena

Mabigat ang kanyang katawan ng siya'y magising. Agad siyang napabalingkwas at tiningnan ang paligid, iniisip niyang baka bumalik uli siya sa loob ng masukal na gubat.

Nawala ang kanyang takot ng makitang nasa loob parin siya ng silid.

Agad siyang bumangon at hinanap ang panyapak.

Wala na si Easton sa kanyang tabi dahilan ng kanyang pagkalungkot.

Ramdam niya ang pangangasim ng kanyang sikmura, agad siyang tumakbo papasok sa maliit na silid at hinanap ang lababo.

Hindi niya na napigilan ang pagsuka at pagkahilo.

Napapikit siya dahil walang lumalabas sa kanyang lalamunan.

Nang maramdaman umayos na ang kanyang kalagayan ay napaupo siya sa malamig na sahig ng silid.

Humihingal siya sa masamang nararamdaman at
Napapikit habang dumadagan sa haligi.

Ilang minuto pa ay naramdaman niyang may dumidila sa kanyang kamay.
Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mata at agad na tumambad sa kanya ang Alaga.

Panaginip ngalang ang lahat.

Wala sa isip niya itong niyakap. Napangiti siya dahil sa paglabas ng dila nito at pagkahol.
" Aston." Sabi niya habang hinahalikan ito sa mukha na siya naman nitong nagustohan.

Natawa siya dahil sa mabilis na paggalaw ng buntot nito.

" Alena!" Tawag sa kanya ni Remedes.

Hinay-hinay siyang tumayo ng hindi niya na maramdaman ang pagkahilo tela ata masama ang kanyang kinain kagabi o kaya'y nasobrahan siya sa mangga.

" Remedes." Nakangiting bati niya, kita niya ang pagkalma sa mukha ng kaibigan.

" Handa na ang umagahan" sabi nito.
" Ayos kalang ba?" Nagaalalang sabi nito.

Napatango siya. Tela may nais itong itanong ngunit hindi nito masabi.
" Hihintayin ka namin sa baba" pilit na ngiti ang binigay nito.

Napailing siya sa kakaibang kinilos ng kaibigan.

********

Sa loob ng Silda ay makikita ang isang nakagapos na lalaki. Sa harap nito ay masamang nakatingin ang Pinuno ng Wood.

" Sabihin mo,sino ka?" Malamig na sabi nito ngunit imbes na sumagot ay nakangisi lamang itong tumingin kay Easton.

" Bakit ko sasabihin sa iyo Alpha Easton?"

Malamig na ngiti ang binigay niya rito.

" sino ka?" Muling tanong niya.

" bakit ko sasabihin sa iyo kung sino ako!!!?" sigaw nito dahilan ng pagdagongdong ng boses nito sa buong kulongan.

Nilabas niya ang kanyang matalim na kuko at walang awang binaon sa tagiliran nito iyon.

Rinig ang paghiyaw ng lalaki dahil sa ginawa ng Alpha.
" Sino ka? At ano ang pakay mo kay Alena?" Umaangil na sabi nito, kita ang nakakatakot na tingin pinukol nito sa kaharap. Ang mata nito'y tuloyang naging itim dahilan sa sari saring emosyong di nito magawang itago.

Pilit na napangisi ang sanggalang kahit kita niyang nasasaktan ito.
"Alena? H-hindi ko kilala ang iyong tinutukoy." Nahihirapang sabi nito.

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon