XXV. Kalaban" שִׁכחָה"

4.9K 157 2
                                    

***********
Lingkod

"Nakita mo ba iyon Olivia?" Di makapaniwalang sabi ni Lucia.

" kitang kita ko, hindi ko aakalaing pati ang pinuno'y nagagawa niyang paikotin!" Kita ang pagkainis sa mukha ni Lucia habang matalim ang tinging pinupukol ng tatlo sa papalayong bulto ng babae na ngayon ay kasama ang kanilang pinuno sa Hardin.

"Natataka ako kung bakit niya kasama ang Alpha?" Sabi ni Elin, kita ang pagkainggit sa mukha ng tatlo at ang hindi pagsang-ayon sa nangyayari.

" Hindi mo ba alam na inaakit niya ang ating pinuno? Nasisiguro akong wala sa tamang pagiisip ang Alpha" galit na sabi ni Lucia.

"Sang-ayon ako sa iyo sapagkat ngayon ko lang siya nakitang ganyan Lucia, hindi ako makakapaniwalang ang isang hamak na lingkod ay pagaaksayahan niyang bigyang pansin" sabi ni Olivia.

"Kailangan nating alamin ang ginagawa ng babaeng iyan, sisiguraduhin nating tuluyan siyang mapapaalis sa Mansion" masamang ngiti ang sumilay sa mukha ng tatlo samantalang si Rebecca naman ay tahimik lang na nakatingin sa Kaibigan.

Ito lamang ang tanging Masaya na muling bumalik si Alena sa Mansion.

*******
Alena

"Nais kong makita sila Remedes, maari ba akong pumunta sa Pagwan bukas?" Masayang Sabi niya rito.

"Hindi ka maaring umalis sa Mansion mi amor, mas ligtas ka sa aking tahanan" muli sa pangatlong pagkakataong sabi nito. Na nagpawala ng ngiti sa kanyang labi.

" Sa tingin ko'y walang masamang mangyayari sa akin Easton, nais ko lang makitang maayos  ang kanilang kalagayan" naiinis na sabi niya rito.

Dalawang araw na simula ng pagsugod ay hindi niya pa nakikita ang mga kaibigan.

Napatiimbagang ito at seryosong nakatingin sa kanya, ngunit hindi siya natatakot sa tingin iyon.

" Mas mahalaga ang iyong kaligtasan Alena" matigas na sabi nito.

" Hindi ko maintindihan kong bakit gusto mo akong ikulong rito" mahinang sabi niya, rinig niya ang angil nito.

Napasinghap siya ng bigla siya nitong
hatakin sa braso at mabilis na pinulupot ang kamay nito sa kanyang bewang.

" Wala akong intensyong ikulong ka mi amor" mahinahong sabi nito
" Iyon ba ang iyong tingin? Isa kang bilanggo?"

Napailing siya rito at nilapat ang mukha sa malapad nitong dibdib.

Langhap niya ang tela gubat na amoy nanggaling rito.

"Nais ko lang na mapanatag na maayos ang kanilang kalagayan, hindi ko intensyong sabihin iyon... Patawad" niyakap niya ito.

"Hindi ka maaring umalis sa mansion Mi amor kung nais mo silang makita ay dadalhin ko sila dito"

Napaurong siya ng bahagya ang tiningnan ito di niya mapigilang mapangiti at halikan ito sa labi.

" Talaga? Tama ba ang aking nadinig?"
Napaangil ito , kita niya ang ngiting sumilay sa mukha ng kaharap.

" Kung iyon ang magpapanatag ng iyong kalooban ay gagawin ko"

"Salamat Easton" sabi niya rito at muli itong hinalikan..

**********
Easton

Maingat siyang umalis sa tabi nito upang hindi ito magising.

Agad niyang tinakpan ng kumot ang hubad nitong katawan.

Nakangiti niyang pinagmasdan ang kabuoan ni Alena.

Isang napakagandang gabi nanaman ang kanilang pinagsaluhan.

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon