V. Ang Pagkikita

5.9K 193 3
                                    

*********
Easton

Mabilis niyang hinahabol ang usang kanyang nakita at masaya ang kanyang lobong hulihin ito at tikman ang masarap at sariwa nitong laman.

Ramdam niya ang mga damong tumatama sa kanyang katawan at tahimik na hinabol ang hayop na kanyang nakikita.

Sa huli ay huminto siya ng makitang hindi na ito tumatakbo habang kumakain ng isang di pangkaraniwang halaman.

Agad siyang tumalon patungo dito at sinakmal ito sa leeg.

Nagpupumiglas itong makawala ngunit sa lakas niya ay hindi nito kayang makaalis.

Rinig niya ang ingay na nanggagaling dito at mas binaon niya pa ang kanyang matatalim na pangil sa leeg nito hanggang sa marinig niya ang pagbiyak ng buto nito.

Nasisihayan ang lobo niyang makitang nawawalan ito ng buhay at di pa nagtagal ay nawala na ang lakas nito tanda na wala na itong hininga.

Hindi na niya ito pinalampas pa at agad na tinikman ang masarap at sariwang karneng nanggagaling mula dito. Ninamnam niya ang bawat kagat dito, kitang nagkalat ang dugo sa kanyang mahabang nguso.

Napahinto siya sa kanyang ginagawa ng marinig niya ang paggagalaw ng mga halamang di kalayuan sa kanyang kinaroroonan.

Napaigting siya, kita ang paggalaw ng kanyang mabalahibo at ngayo'y nakatayong tenga,muli niyang pinakinggan ang buong paligid.

Ngunit wala na siyang narinig pa.

Iniwan niya ang usa na ngayon ay watak-watak at tanging buto nalamang ang natitira, hinay-hinay na pumunta sa pinanggagalingan ng ingay.

Kumipot ang kanyang mga mata, kahit madilim ay nakikita niya ang buong paligid dahil narin sa hindi pangkaraniwan niyang paningin.

Handa na siyang atakihin kung sino man ang naroroon ng biglang may tumawag sa kanyang pangalan.

Muli ay tiningnan niya ito, kumalma siya ng maisip na walang tao roon.

Agad siyang umalis sa lugar at tumakbo pabalik sa isang puno kung saan niya nilagay ang kanyang mga gamit.

Kita niya ang kanyang makasamahan pagkapasok niya sa mansion.

Masaya ang mga itong makita ang kanilang pinuno at makasama muli sa iisang hapag.

Kinagagalak niyang sumalo sa mga ito habang pinaguusapan ang mga bagay tungkol sa kanilang nayon.

Ang iba sa kanyang kawal ay aliw na aliw sa mga babaeng kasama ng mga ito.

Hindi niya mapigilang tingnan ang mamasayang mukha ng mga lalaki na hindi maitatangi ang narararamdaman nito sa kanilang mga asawa.

Lungkot ang naramdaman niya , kung sana lang ay hindi siya pinagkaitan ng magkaroon ng babaeng mamahalin niya buong buhay ay nasisiguro siyang isa na siya sa pinakamasyang lalaki sa nayon.

Muli ay binura niya sa kanyang isip at ang ano mang nararamdaman at tinuon nalamang ang pansin sa kanyang pagkain.

" Ilang linggo pa'y magkakasama na natin ang mapapangasawa ng ating pinuno" masayang sabi ni Elias.

Dahilan upang tumahimik ang lahat at napatingin sa kanyang kinaroroonan.

" Tama ba ang aking narinig Alpha Easton??" hindi pamakapaniwalang sabi ni Evan.

Hindi niya pa nababanggit sa mga ito ang kanyang naging desisyon kung kaya't hindi niya maiialis sa mga ito ang pagkagulat.

" Tama ang inyong nadinig, napagkasunduan na namin ng hari ang lahat. At buo na ang aking pasya, papakasalan ko ang kanyang anak"

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon