*********
Alena" Wala kabang isip? Tingnan mo ang iyong ginawa Alena!" Sigaw ni Lucia sa kanya.
Hindi niya aakalaing lalakas ang apoy at muntik ng masunog ang abuhan at kung lumakas pa'y baka buong Mansion ay matupok ng apoy.
Mabuti nalang ay agad niyang naagapan ang pagkalat bago pa man tuluyang lumaki.
Hingal na hingal siyang tumingin sa pinuno ng kusina.
Ang tatlo'y masamang nakatingin sa kanya na tela nais siyang patayin.
Napalunok siya habang pinupunasan ang madumi niyang kamay dahil sa maitim na uling na dumikit rito.
Alam niya kahit pa walang salamin kung gaano siya kadungis.
" Patawad, hindi ko sinasadyang pabayaan ang apoy" paliwanag niya rito.
" Hindi?! Alam kong nais mong sunugin ang Mansion! Tingnan mo ang nagyari dahil sa iyong kamangmangan! " turo nito sa sunog na abuhan na ngayon ay basang basa.
"Makakarating sa Pinuno ang iyong ginawa" napalunok siya at mabilis na umiling
" Pakiusap wag mong sasabihin kay Easton ang tungkol rito " garalgal na sabi niya sa kabang nararamdaman.
Kita niya ang pagsinghap at panlalaki ng mata ng tatlo dahil sa pagkagulat ngunit maya-maya pa'y makipot ang tinging pinukol ng mga ito sa kanya.
"Lucia! Narinig mo ba ang kanyang sinabi?" Di makapaniwalang sabi ni Olivia.
"Ang mangmang na ito ay tinawag lamang sa pangalan ang ating pinuno. Wala na siyang galang sa ating Alpha!!" galit na sabi ni Enil.
Rinig niya ang angil nito sa kanyang harapan.
"Wala kang karapatan upang tawagin ang Alpha sa kanyang pangalan mangmang! Hindi ikaw ang Luna!"
Kita niya ang pagtubo ng matatalim na kuko ni Olivia.Napaatras siya sa kanyang kinatatayuan. Luna? Anong nais nitong ipahiwatig, naguguluhang sabi niya.
" Patawad, hindi ko sinasadya ang lahat maniwala kayo Lucia"
Muli ay paliwanag niya." Lapastangan ka mangmang! Sisiguraduhin namin sa pagkakataong ito na makakarating kay Alpha Easton ang iyong pagwalang galang sa kanyang Ranko bilang Pinuno ng nayon!" Sabi ni Enil.
" Pakiusap!" Sabi niya habang mabilis na hinawakan ang kamay nito upang ito'y pigilang makaalis.
Hindi niya nais malaman ni Easton ang kanyang pagalis sa silid sapagkat pinangako niyang mananatili siya roon hanggang sa ito'y dumating.
Tela hindi nagustuhan ni Olivia ang kanyang ginawa, napasinghap siya sa sakit ng biglang dumapo sa kanyang braso ang matatalim nitong kuko.
Sa isang iglap ay inalis niya ang kanyang kamay kay Enil at inilapat iyon sa kanyang braso na ngayon ay dumudugo.
Naluluha siya sa sakit at takot sa oras na iyon.
"Karapat dapat lang iyan sa iyo mangmang!wala kang karapatang hawakan ang isa man sa amin!" Galit na sabi ni Lucia.
Tumulo ang kanyang luha sa tingin ng mga ito, tela nandidiri ito sa kanya.
" Anong inyong ginawa kay Alena!?" Sabi ni Rebecca ng makalapit agad na nabaling ang tingin nito sa sugat na kanyang tinatakpan.
Ramdam niya ang pangingirot nito ngunit mas ramdam niya ang pangingirot ng kanyang puso.
Hindi niya alam kung bakit gayon nalamang ang galit ng mga ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Alpha's Light (ATW#1)
Werewolf*MAKAPANGYARIHANG NAMUMUNO SA NAYON NG WOOD. Ang buong akala ni Easton ay pinagkaitan siya ng babaeng kanyang mamahalin. Ngunit di niya inaasahang darating ito sa maling oras at maling panahon. Ngayon nga'y kailangan niyang itama lahat ng kan...