LV. Hindi Inaasahang Pagkikita

4.2K 109 3
                                    

*****

Napangiti siya ng makita ang kanyang katipan na ngayon ay papalapit sa kanya.

Agad siya nitong hinalikan at nakangiting humarap sa kanya.

" Tiyak kong binisita mo nanaman ang Puntod ng iyong magulang" malumanay na sabi niya rito.

Agad niyang pinulupot ang kanyang kamay sa leeg nito habang nakatingin sa ngayon ay nangungusap nitong mata.

Hinawi nito ang buhok na nalaglag sa kanyang mukha at inipit sa kanyang tenga.

Napapikit siya ng haplusin nito ang kanyang pisngi.

Lumuhod ito at hinalikan ang ngayon ay lumalaking puson.

Muli itong tumayo habang hinahaplos iyon.

" Mahal kita Alena" seryosong sabi nito. Lumapad ang ngiti sa labi niya.

Simula ng magising siya ng gabing iyon ilang linggo na ang nakalipas ay malaki ang pagbabagong nangyari sa kanyang katipan.

Himala kung tatawagin. Nagpapasalamat siya sa Dios sapagkat binigyan siya nito ng isang pagkakataon upang muling makapiling ang kabiyak.

Hindi niya aakalaing kailangan niyang mamatay bago tuloyang mapasakanya ang isang kapangyarihang hindi niya inaasahan.

Ng gabing iyon din ang nasilayan ng lahat ng kanilang pagtatali.
Isang pinakanakakatakot ngunit pinakamasayang gabi rin ng kanyang buhay.

" Mahal din kita Easton. Higit pa sa aking buhay." nakangiting sabi niya.

Pinulupot nito ang braso sa kanyang bewang.

" Hindi ko maisip ang mangyayari sa akin sakaling tuloyan kang nawala Mi amor." Kita niya ang naluluhang mata nito " H-hindi ko kakayanin. Baka kapag nangyari iyon ay dalawa na tayong nakalibing sa mga oras na ito. Mas nanaisin ko pang mamatay kaysa mabuhay" may kung anong tumosuk sa puso niya ng makita ang pagtulo ng luha nito.

Agad niya itong pinahid ay dinampian ng halik.

" Hindi mangyayari iyon Mahal ko. Pinapangako kong hindi mangyayari iyon" anya niya rito.

Sa wakas ay sumilay ang ngiti sa labi nito" Alam ko sapagkat di na kita ihihiwalay sa tabi ko mi amor. Kayo ang pinakamahalaga sa buhay ko , kayo ng ating anak. " muli nitong hinaplos ang kanyang nakaumbok na tiyan.

Sabay nilang hinaplos iyon. Ang kanilang supling na akala niya'y mawawala sa kanya.

" Hindi ako makapaniwalang buhay ka Mi amor, Ako ang may kasalanan kung bakit muntik kang mawala sa akin. Para akong nananaginip"

Nanlambot ang kanyang puso sa sinabi nito. Kung gayon ay sinsisi parin nito ang sarili sa nangyari.

" Mahal ko, hindi mo kailangan sisihin ang iyong sarili. Huwag nanating balikan pa ang nakaraan. Hindi ka nananaginip." Naiiyak na sabi niya.

Agad niya itong hinalikan upang mapatunayan ritong totoo ang lahat. Buhay sila at magkasama.

" Mine." angil nito.

Matamis ang ngiting ibinigay niya dito. " Yours" Nangingitim ang mata nito sa pagnanasa. Ramdam niya ang pagmamasa ng maselang bahagi ng kanyang katawan. Kasabay noon ay ang muling pagakin nito sa kanyang labi. Ang paggalaw ng kamay nito patungo sa parte kung saan nais niyang hawakan nito.

" Yes, Mine. Akin ka Mi amor. Akin ka lamang. " mapangaking sabi nito.

Alam niyang tuloyan siya nitong aangkinin upang maiparamdam na hindi panaginip ang lahat.

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon