LIV. Ang Sumpang Iniwan

3.6K 91 5
                                    

*******
EASTON

Mabilis ang tibok ng puso niya habang nakatingin sa ngayon ay walang malay na kabiyak.

Ramdam niya ang takot na lumukob sa kanyang katawan habang maingat niya itong niyakap.

Amoy niYa ang dugo na lumalabas dito na ngayon ay pumapasok sa kanyang ilong.

Napapikit siya upang kontrolin ang sarili. Ramdam niya pagwawawala ni tremor sa bahagi ng kanyang isip.

Hindi ito ang panahon upang ipakita sa kanyang mga tauhan ang kanyang kahinaan.

" Tawagin niyo ang manggagamot ngayon rin!" Sigaw niya sa mga ito.

Sa bawat paligid ay makikita ang mga labi ng mga kawal ng Mc Naught at ang bilang ng kawal ng Wood.

Pati narin ang labi ng Hari at ni Venom.

Muli niyang tiningan ang mukha ng katipan na ngayon ay nakarehistro ang sakit na nararamdaman rito.

Napaungot siya hindi dahil sa sugat na kumikirot sa kanyang katawan kundi dahil mas doble pa ang sakit na nararamdaman niya habang naiisip na maaring mawala ito sa kanyang harapan.

" Hindi mangyayari iyon , Hindi ka mawawala Mi amor" sabi niya sa kanyang isip.

Ngayon nga'y hindi niya na napigilan pa ang pagbugso ng kanyang emoyson.

Ramdam niya ang pagmamasa ng kanyang mata. Mas lalong dumadami ang dugong lumalabas rito.

Ang kanilang supling.

" Asan na Ang manggagamot!!" Galit at natatarantang sigaw niya.

" A-Alpha!" Sigaw ni Rafa.

Agad itong lumapit sa kanya upang tingnan ang katipang hawak hawak.

Maingat niya itong inihiga sa daladala nitong Tela.

Isinuot niya ang saplot na dala ni Philip ngunit hindi parin maaailis sa kanyang paningin ang walang malay na katipan.

Wala na siyang nais pa sa oras na iyon kundi ang makita itong magising.

Mas lalong kumirot ang kanyang dibdib habang nasisilayan niya ang pagiling ng manggagamot.

Namumutla itong tumingin sa kanya.

" A-Alpha hindi ko alam kung papaano ko maipapaliwanag ngunit wala sa aking kaalaman ang nangyayari sa Luna" nag-aalala at natatakot na sabi nito.

Napaangil siya sa sinabi nito , lumabas ang matatalim niyang kuko dahil sa sinabi ng mangagamot.

" Ano ang iyong sinasabi! Hindi ba't isa kang manggagamot?!" Galit na sabi niya.

Wala sa isip niyang nakahawak na pala siya sa damit nito na ngayon ay tangka niyang lalasugin ang katawan sa oras na hindi nito nilunasan ang kabiyak.

Namumutla itong tumingin sa kanyang nangingitim na mata
" A-Alpha maya-maya lamang ay lalabas na ang buwan. Isang mahika ang nakapalibot sa katawan ng Luna. Isang... Sumpa."

Nanlamig ang kanyang katawan sa sinabi nito. Napailing siya habang muling tumingin kay Alena.

Unti-unti ay nakikita niya ang itim na markang lumalabas sa katawan nito habang nagliliwanag ang buo nitong katawan.

Sumpa..

Nanginginig ang katawan niya sa kanyang naalala.

Isang sumpang kanyang binitiwan sa aklat ng kanilang Angkan.

"Ang batas ay batas at di na maaaring baguhin. Sa ikatlong pagsilak ng buwan, ako ang papatay sa tao. At ito ang magiging alay ko sa ating mga ninuno . Kapalit ng iyong kaparusahan ay ang buhay ng isang nilalang"

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon