******
Ronan" Patay na lahat ng kawal Alpha Ronan. Sa tingin ko'y maari na nating pakawalan ang isang ito" nakangising sabi ng kanyang Beta.
Tiningnan niyang maigi ang isang lalaking nanakakulong sa silda at balot ng sugat at dugo sa katawan.
" Alfonso " tawag niya rito.
Tela ngayon lamang nito napansin ang kanilang pagpasok." Ronan, hindi ko aakalaing dadalaw ka sa akin ang akala ko'y nilimot mo na ako...kapatid ko" mahinang sabi nito sa mga salita dahil sa sugat na natamasa.
" nahuli na ata ako ng dating kapatid ko. Nagustohan mo ba ang pananatili riyan sa loob?" May panunuksong Sabi niya sa nakagapos na lalaki.
Napangisi siya. Matagal din simula ng makita niya ito ng harapan.
Kung hindi lamang kay Lucas ay hindi niya malalamang nabihag ito ng wood.
Ngunit magkaibang uri sila. Sapagkat mas pinili nitong pumanig sa Lycan, isang kalapastangan sa kanilang angkan ngunit gayon paman nasa dugo parin nito ang lahi ng lobo.
" Ahh! Bilisan mo na Rolan at matagal ko ng nais makaalis sa mabahong sildang ito" naiinis na sabi ng kanyang kapatid.
Napangisi siya
" Asan na si Nikodemos? Mukhang nilimot kana ng iyong pinuno" nakangising sabi niya habang unti-unting humakbang papalapit dito." Huwag mong babanggitin ang pangalan ng pinuno Ronan. " umaangil na sabi nito.
Tumaas ang gilid ng kanyang labi" Na siyang kinikilala mo. Hanggang ngayon ba'y hindi mo parin matanggap na ako ang inatasang mamuno sa ating angkan?" Nakangising sabi niya na tinugonan naman nito ng matalim na tingin.
" Pakawalan mo na ako dito Ronan " naiinis na sabi nito at halatang nawawalan na ng pasensiya.
Gaya ng nais nito ay agad niyang kinalas ang kadina sa magkabilang kamay ng lalaki.
" Alpha kelangan nanating puntahan ang nimpa. " sabi ng ni Raul.
Napatingin siya sa kanyang kapatid.
" Kung gayon ay nahanap niyo na siya" sabi nito.
Sumilay ang di kaaya ayang ngiti sa kanyang labi.
" Sa tingin mo ba'y maitatago mo sa akin ang babae? Ang nimpang hinanap ko noon paman ngunit nagawa mo akong lokohin kapatid ko" sabi nito at sa isang iglap ay nawala ang ngiting kanina lamang ay nanakurba sa labi ng Alpha." Ahh! Hindi ko alam ang iyong nais ipahiwatig" nagmamaang maangang sabi ni Alfonso.
Ngunit alam niya ang totoo. Ang pagtataksil nito sa kanilang lahi ay malaking rason upang alisan ito ng karapatan na tumapak sa kanilang lupain.
" Huwag mo ng ipagkait Alfonso sapagkat batid kong ikaw ang kumuha sa nimpa matapos ang pagsalakay sa kaharian ng Nimpolia ilang taon na ang nakakaraan. " walang emosyong sabi niya rito.
" hah! At bakit ko sasabihin sa iyo ang aking nalalaman? Baka ika'y nakalilimot, hindi na ako kabilang sa Western Wolf. " nagmamalaking sabi nito.
Malamig na tingin ang binigay niya sa kaharap " Hindi ako makakalimot sa iyong pagtataksil sa ating lahi Alfonso. Ano ba ang silbi ng isang traydor sa ating angkan? Inatasan kitang dalhin sa akin ang babae ngunit mas pinili mong pumanig kay Nikodemos. "
Napangisi ito " Wala kang lakas upang mamuno sa ating angkan Ronan! Hindi ikaw ang dapat maging pinuno ng Western Wolf kundi ako! " galit na sabi nito.
Nakakalokong tawa ang maririnig sa loob ng madilim na kulongan na nanggagaling sa Alpha na bigla ding nawala at napalitan ng seryosong mukha.
BINABASA MO ANG
The Alpha's Light (ATW#1)
Werewolf*MAKAPANGYARIHANG NAMUMUNO SA NAYON NG WOOD. Ang buong akala ni Easton ay pinagkaitan siya ng babaeng kanyang mamahalin. Ngunit di niya inaasahang darating ito sa maling oras at maling panahon. Ngayon nga'y kailangan niyang itama lahat ng kan...