" Alena!" Sigaw ng pamilyar na tinig pagkababa niya sa hagdanan.
" Remedes! Karina!" Sigaw niya at patakbong lumapit sa mga ito.
Hindi niya napigilang yakapin ang dalawang kaibigan dahil sa pagkasabik niyang muli itong makita.
" Alena masaya akong makita kang muli" masayang sabi ni Karina.
" Nais naming bisitahin ka rito ngunit napakahigpit ng nagbabantay sa amin" sabi ni Remedes na tela may pinariringgan
Rinig niya ang mahinang angil sa Likuran ng mga ito.
" Elias!" Sabi niya rito, natawa ito ng bigla niya itong yakapin.
Sobra siyang nasasayahang muling makita ang mga ito.
" Bitawan mo na siya Elias bago pa mawala ang iyong kamay sa iyong katawan" rinig niya ang nakakatakot na boses ni Easton.
Agad siyang binitawan ni Elias na napapailing.
" Wag kang mag-alala Alpha walang intensyon ang Elias ko kay Alena" sabi ni Remedes.
Tiningnan niya si Remedes ng makahulugan. Napakibit balikat lang ito at lumapit kay Elias, pinulupot nito ang kamay sa mga kamay ng lalaki.
Kita niya ang pamumula ni Elias sa kinilos ni Remedes.
Napangiti siya. Tela ata may kakaibang nangyari sa dalawa sa mga nakalipas na araw.
Bagay na nais niyang alamin.
" Evan! Philip!" Bati niya sa dalawa, akma niya sanang yayakapin ang mga ito ng maramdaman niya ang matipunong brasong pumulupot sa kanyang bewang.
" Wag mo ng idikit ang iyong katawan sa dalawang iyan Mi Amor" angil nito.
Namula siya dahil tela pinagdadamot siya nito sa mga kasama.
Napangisi si Evan sa inasta nito, samantalang si Philip naman ay napailing.
"Mabuti at maayos lang ang iyong kalagayan rito Alena" sabi ni Philip at tumingin ng makahulugan kay Easton.
Napakunot noo siya. Samantalang napaangil naman si Easton.
" Maayos naman ang aking kalagayan" inosenteng sabi niya.
" Mabuti naman kung gayon. Sabihin mo lang sa amin kung sakaling pinipi-"
" Philip!" Sigaw nito.
Napangiwi siya sa lakas ng boses nito.
Rinig niya ang mahinang tawa ni Philip.
" Alpha niloloko ko lang si Alena" sabi nito.
Ramdam niya ang matalim na tingin nito kay Philip.
Ramdam niya ang paghiwalay nito sa kanyang likuran at paghawak nito sa kanyang kamay.
Kita niya ang hindi makapaniwalang tingin ng dalawa niyang kaibigan. Samantalang ang tatlong lalaki naman ay nakangisi.
Tela walang kamalay malay si Easton sa pinapakita.
" Ikaw na muna ang bahala sa kanya Evan,wag kang mag-alala at magpapadala ako ng kawal upang bantayan ang iyong tahanan" sabi nito.
Napahigpit ang hawak niya sa kamay nito.
Kung gayon ay susunduin siya ng mga ito paalis ng Mansion.
Napayuko siya. Hindi niya nais umalis, ramdam niya ang masama g mangyayari.
Hindi niya matukoy kung ano iyon. Ngunit natatakot siyang sa maaring maganap.
"Alena" tawag nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Alpha's Light (ATW#1)
Werewolf*MAKAPANGYARIHANG NAMUMUNO SA NAYON NG WOOD. Ang buong akala ni Easton ay pinagkaitan siya ng babaeng kanyang mamahalin. Ngunit di niya inaasahang darating ito sa maling oras at maling panahon. Ngayon nga'y kailangan niyang itama lahat ng kan...