LI. Binhi

4K 129 9
                                    

****
ALENA/IVANA

Napahagulgol siya sa kanyang narinig. Hindi totoong wala na ang kanyang kaibigan.

" Mi Amor " Anya ng isang tinig . Habang nakayakap ito sa kanya upang siya'y patahanin.

" Kasalanan ko ang lahat Easton" umiiyak na sabi niya rito habang pinapahid nito ang kanyang luha.

" Walang may kasalanan sa Lahat. Tungkolin niya bilang isang tapat na lingkod na ika'y proteksyonan bilang Luna ng Wood, ginawa niya lamang ang nararapat Alena " Sabi nito.

Tumingin siya sa mga mata nito. Kahit ilang beses niya ng sabihing Ivana ang pangalan niya at ikwento rito ang kanyang nakaraan ay mas pinipili parin nitong tawagin siyang Alena.

Hindi rin nila makita si Karina sapagkat bigla nalang itong nawala. Nagaalala siya sa kaibigan. Sana'y ligtas din ito.

Wala sa isip niyang napayakap sa kabiyak ng mahigpit.

" kailangan na  kitang ibalik sa Mansion " napakunot ang noo niya. Sinabi man nito ang nangyari kung bakit nito tinago ang pagpapakasal batid niya sa sariling madami pa siyang kailangan malaman mula rito.

" Ngayon din ay magaganap ang aking pagtatali sa Prinsesa ng Mc Naught Mi amor " mahinahong sabi nito. Kasabay ng paghawak sa kanyang baba upang ilapit sa mukha nito.

Ramdam niya ang galit at sakit sa sinabi nito.  Kung gayon ay balak parin nitong magpakasal.

Sa inis niya ay inalis niya iyon at lumayo sa lalaki. Rinig niyang angil nito ngunit hindi niya na pinansin.

******
MANSION DE LUPOS
LORIELA

"Nakita mo ba Si Easton?" Naiinis na sabi ng Prinsesa ng Mc Naught sa Ama nito.

" Kung ganyan ka'y aakalain kong pinagpapalit mo na ang iyong Hari sa isang hamak na pinuno ng Wood " sabi ng Hari sa Kanyang anak.

" Nais ko laman matiyak na matutuloy ang pagdiriwang ama" nakangising sabi nito.

" Matutuloy ang inyong pagtatali kaya huwag kang mangamba Loriela" Hinalikan nito ang asawang nagpapanggap bilang anak na siya namang tinugunan ng babae.

" Maghanda kana at ilang sandali pa ay magsisimula na ang pagdiriwang." Nakangising sabi nito.

" Naipadala mo ba ang mensahe sa kaniya ama "
Hinaplos nito ang mukha ng kaharap.

" Wala kang dapat alalaahanin pa,magiging masaya ang pagdriwang na ito" di makapaghintay na sabi nito.

*******
IVANA/ALENA

" Nais kong gamitin ang kabayong iyan Easton " naiinis na sabi niya.
Kung hindi lamang niya mahal ang lalaking ito ay kanina niya pa ginamit ang kaPangyarIhan upang huwag itong makagalaw at makadalo sa pagdiriwang.

Rinig niya ang mahinang tawa nito.
" Nagseselos kaba sa Prinsesa Mi Amor?" Napasibangot siya ng banggitin nito ang babae.

Hindi niya na mapigilan ang maluha. Hindi ba nito naiisip ang pinagdadaanan niya. Dumagdag pa ang nararamdaman niya sa pagpapakasal nito kahit sinabi na nitong wala siyang dapat ipangamba.

" Mi amor " nagaalalang sabi nito. Ngayon ay buo na ang kanyang desisyon. Hindi siya sasakay kay Tremor kundi sa kabayong nasa harap niya.

" Evan maaari mo ba akong tulongang makaakyat dito" rinig niya ang angil ng katabi.

Kung nais nitong pagselosin siya at ilihim ng matagal ang pagpapatira nito ng isang Prinsesa sa isang mansion ay Nagtagumpay ito kung kaya't mas dapat lamang na maramdaman din nito ang nararamdaman niya. Kahit pa hindi naaayon sa kanyang kalooban ang ginagawa.

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon