*********
AlenaNanginginig ang kanyang katawan dahil sa katanongan nito.
" Sabihin mo sa akin Alena, alam kong hindi lamang mababaw ang sugat na iyong nakuha upang magkaroon ng pilat ang iyong balat"
Napapikit siya, pilit niyang itinatago rito ang sugat na iyon ngunit nawala sa kanyang isip na itago ito dahil sa kanyang pagkasabik na makita ang lugar na sinasabi nito.
Bumilis ang tibok ng kanyang puso habang naalaala muli ang nangyari sa nakalipas na taong inalipin siya ng mga halimaw.
Ang iniwang pilat ng mga ito ay sapat lamang upang muling maramdaman niya ang sakit na tela sariwa pa sa kanyang isip.
Ang paglatay ng latigong napapalibutang ng matulis na metal ay nagdulot ng malaking sugat sa kanyang katawan.
Nanlamig siya, tela isang larawang isa-isang nagsisipasok ang lahat ng hinagpis na kanyang dinanas.
" Alena!" Rinig niyang pagsambit nito sa kanyang pangalan.
Hindi niya namalayan ang pagtulo ng luha sa kanyang mata habang ang palad nito'y nakabalot sa kanyang pisngi upang iharap siya rito.
Kita niya ang pag-aalala at pagkataranta sa mata nito.
" Easton." Mahinang banggit niya sa pangalan nito. Napayakap siya rito ng mahigpit.
Alaala nalamang ang lahat at ang kasalukuyan ay nasa kanyang harapan, hindi siya babalik sa mga ito kahit ano pa ang mangyari.
" Mi Amor tinakot ba kita?" Nagaalalang sabi nito.
Napailing siya at mas hinigpitan ang yakap sa makisig nitong katawan.
"H-hindi " mahinang sabi niya." Kung gayon ay sabihin mo sa akin kung saan mo nakuha iyan?"
Napalunok siya at di nagawang sumagot. Ramdam niya ang pagyakap nito sa kanya at pagbaon ng mukha nito sa kanyang balikat na nagdulot ng bultahe sa kanyang katawan.
" Alam kong hindi ka nagsasabi ng totoo Alena.Nais kong pagkatiwalaan mo ako" sabi nito.
Siguro nga'y marapat na sabihin niya ang totoo ngayon rin bago paman lumipas ang araw na malaman nito ang lahat.
Ngunit paano siya magsisimula. Gayong wala siyang naalala sa nakalipas na taon maliban sa araw kung saan minulat niya ang kanyang mata at nasa loob na siya ng isang madilim at nakakatakot na silid.
Ang masasamang matang nakatingin sa kanya. At ang isang nakakatakot na mukhang hindi mawawala sa kanyang alaala.
Napalunok siya bago muling humarap rito "Hindi ko alam kung ano ang pangalan niya" natatakot na sabi niya.
" Pakiusap Easton, hindi ko nais alalahanin pa ang nakaraan"Hindi niya nababasa kung ano ang iniisip nito. Nakatingin ito sa kanya pero walang emosyonang mga mata nito.
"Hindi kita pipilitin Mi Amor, Siguro'y kailangan mo munang mag-ayos. Mamaya'y babalikan kita upang ipakita sa iyo ang magandang bahagi ng nayon" sabi nito at binigyan siya ng halik sa noo.
Naglakad ito at nagbihis ng kasuotan, muli ay tumingin ito sa kanya bago tuluyang lumabas.
Ng mapagisa siya'y biglang nanayo ang kanyang balat ng muling bumalik ang mukha ng Halimaw sa kanyang isipan.
Isang nakakatakot na mukha ng isang nilalang.
********
EastonNagpupuyos na lumabas siya sa loob ng silid. Pinikit niya ang mata at huminga ng malalim.
BINABASA MO ANG
The Alpha's Light (ATW#1)
Manusia Serigala*MAKAPANGYARIHANG NAMUMUNO SA NAYON NG WOOD. Ang buong akala ni Easton ay pinagkaitan siya ng babaeng kanyang mamahalin. Ngunit di niya inaasahang darating ito sa maling oras at maling panahon. Ngayon nga'y kailangan niyang itama lahat ng kan...