XXXIII. Prinsesa Loriela

3.9K 120 0
                                    

****

" Marami kang dapat sabihin sa amin Alena" sabi ni Remedes ng pumasok ito sa kanyang silid.

Tiningnan niya ang dalawa, napalunok siya ng makita ang tinging pinupukol nito " mula simula" ang nais ipahiwatig.

" Bakit hindi mo sinabi sa amin ang tungkol sa inyo ng Pinuno Alena?"mahinahong sabi ni Karina.

" Hindi ko alam kong papaano ko sasabihin." nahihiyang sabi niya.

Tinaasan siya ng kilay ni Remedes samantalang si Karina naman ay napakunot ang noo.

Ngayon nga'y nakaupo ang mga ito sa kanyang kama kasama niya.

" Maari mong simulan sa araw kung kailan ka niya dinala sa Mansion." nakataas na noong sabi ni Remedes.

Wala na siyang nagawa pa dahil alam niyang nauusisa ang mga itong malaman ang nangyari.

" Kung Gayon ay ikaw ang Luna." sabi ni Remedes na hindi makapaniwala,rinig niya ang pagsinghap ni Karina.

" Luna?" Napakunot ang noong sabi niya. Kung hindi siya nagkakamali ay natatandaan niyang ito rin ang sinabi ni Lucia sa kanya.

" Hindi ba sinabi sa iyo ng Alpha na ikaw ang magiging Luna ng Wood?" Nagtataka siyang napailing.

" Hindi ko natatandaang binanggit niya sa akin ang salitang iyan." Pagtatapat niya.

" Hindi ko alam kong bakit hindi niya sa iyo sinabi ito ngunit batid kong may dahilan ang Alpha" sabi ni Karina.

" Ano ba ang kahulogan ng salitang iyan?" Nagtatakang sabi niya.

Kita niya ang paglambot ng mukha ni Remedes " Ang Luna ang magiging Kasama ng Alpha sa pamumuno ng Nayon ng Wood, siya ang magiging kabiyak niya habang Buhay. Mas lalakas ang ating pinuno kung malakas ang magiging hinaharap na Luna sapagkat magsasanib ang kanilang kapangyarihan lalo na at nalalapit ang pagiisa ng Araw at ng buwan" sabi nito.

Kumirot ang kanyang puso, ngayon ay alam niya na kung ano ang nais ipahiwatig nila Lucia.

Ang kailangan ay isang malakas na nilalang na makakasama ni Easton upang pamunuan ang Nayon.

Ramdam niya ang kamay na maingat humawak sa kanyang braso. " Wag kang mabahala sa bagay na aming sinabi Alena, batid naming sa ipinakita ng Pinuno ay wala siyang pakialam kung isang Tao ang itinakda para sa kanya. " nakangiting sabi ni Karina

Nais niyang panghawakan ang sinasabi nito ngunit hindi mawala sa isip niya ang mabahala.

" Hindi ako katulad sa inyo Karina" mahinang sabi niya. " Hindi ako malakas gaya ng inyong sinasabi. Nasisiguro akong hindi ako ang Luna na nakatakda para sa kanya" kumirot ang puso niya sa kanyang sinabi.

" Wag mong sabihin iyan Alena, kita namin kong paano ka tingnan ng aming Pinuno baga'y na ngayon lang namin nakita" nakangiting sabi nito.

Ramdam niya ang pagiinit sa kanyang dibdib dahil sa sinabi nito.
" Mahal ko siya" pagamin niya sa mga ito. " Hindi ko alam ngunit nararamdaman ko ang koneksyon sa pagitan namin"

Napangisi si Remedes sa kanyang sinabi " Hindi na ako nagtataka kung bakit naaamoy namin ang kanyang bango sa iyo."

Napasinghap siya at namula ng makita sa mga mata nito ang nais nitong ipahiwatig.

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon