LII. Isang di inaasahang pagdiriwang

3.6K 115 5
                                    

May kakaibang uri ng awra ang hatid ng hangin. Mararamdaman ng bawat nilalang sa Nayon ng Wood ang mabigat na tensyong namamagitan sa dalawang panig.

Hindi nila aakalain ang kanilang nakikita habang sakay ng isang puting kabayo ang Alpha kasama ang isang lingkod ng Wood.

Makikita ang paggalaw ng bagang ng Hari sa galit. At ang matalim na pukol na binigay ng Prinsesa sa babaeng kasama ni Easton.

Kita nito kung papaano ito ingatan ng lalaki pababa. ang paghawak nito sa kamay ng isang alipin bagay na hindi nito ginawa kahit isang beses sa kanyang harapan.

Ang ingit na nararamdaman niya ay kasintulad ng isang apoy na lumiliyab sa kanyang dibdib. Nais niyang paslangin kung sino man ang mababang nilalang na kasama nito.

" Ano ito Alpha!?" Galit na sabi ng Hari.

" Patawad at nahuli kami ng Dating Haring Nolan" walang emosyong sabi ni Easton habang mahigpit na nakahawak sa katabing babae. Kita ng bawat lingkod kakaubang kilos na iyon. Na siya namang Nagdulot ng pagkainis kay Loriela.

" Isang kahihiyan sa Prinsesa ang makitang nagdala ka ng isang walang kwentang Alipin sa araw ng inyong pag iisa!" Muling sabi nito.

Napaangil si Easton sa pangalang binigay ng Hari sa Kabiyak.
" Hindi ko nais pang marinig na winawalang galang mo ang Luna sa aking Harapan Haring Nolan"

Napasinghap ang lahat sa narinig mula sa Alpha maging ang Prinsesa at ang Hari ng Mcnaught ay hindi aakalain ang sasabihin nito.

" LUNA?! " tanong ni Loriela. " Siguro kong isa itong palabas upang kami ay inisin Alpha. Kung iyon nga ay nagtagumpay ka,Maari mo ng Paalisin ang mababang uri na iyan sa aking harapan ngayon din!" Galit na sabi nito. Napaatras ito sa nakakatakot na tinging ibinigay ni Easton.

" Wala kang karapatang sabihin iyan sa aking Kabiyak Loriela." Malamig na sabi nito.

Humarap ito sa kanyang mga Kawal at lingkod kasabay ng pagtaas ng kamay niya at ang kamay ni Alena
" Naririto ako upang aking ipakilala sa inyo mamayan ng Wood ang aking kabiyak... Prinsesa Ivana Leoth ng Kaharian ng Nimpolia  "

Mas lalong nagulat ang hari sa kaniyang narinig. Hindi ito makapaniwala sa kanyang nasasaksihan. Buhay ang anak ng Nimpa. Kung gayon ay naririto lamang ang hinahanap ng Pinuno ng silver Fangs.

Lumukob ang takot sa puso ng Hari. Kasama narin ng anak nito.. Sapagkat natitiyak nilang malalaman ng Alpha ang nangyaring pagsugod ilang daang taon na ang nakakaraan.

Rinig ang tawa ng Prinsesa sa kanyang nakikita " Hindi ko nais pang ipagpatuloy mo ang kahibangang ito Alpha. Ilang minuto lamang ay magaganap na ang ating pagiisa"

Napangisi si Easton sa sinabi ng Prinsesa. " Tama ka.. Ilang minuto lang ay magaganap na ang AMING pagiisa Prinsesa Loriela." Tumingin ito sa kanyang kawal.
" Nais kong dakpin niyo sila. Pagkatapos ng aming pagiisa ay itatakda ko ang pagkitil sa Hari at Prinsesa ng Mc Naught sa kanilang pagtatangkang nakawin ang Kayamanan ng Wood at ang pagkitil  ating mga kasama ilang daang taon na ang nakakaraan" galit na sabi nito.

Nanlaki ang mata ng Hari. Makikita ang pagdepensa ng Kawal ng Mc Naught sa mga ito.

" A-ano ang iyong nais sabihin?? Wala kaming kinalaman sa nangyaring pagsugod Alpha"

Umaangil na napatingin ito sa Hari.
" Hindi ako mangmang upang hindi ko malaman ang  Haring Nolan. Isa na ang patunay roon ay ang Kwentas na ito." Kasabay ng paglabas ng isang kwentas mula sa kasuotan na iyon.

Napasinghap ang Prinsesa.
" P-Paaanong napunta sa iyo ang Kwentas na iyan!!" Galit na sabi nito.

" Ahh sa tingin ko'y ako ang dapat mong sisihin. " nakangising sabi ng isang babaeng nakaupo sa may taas ng puno habang kumakain ng pulang mansanas.

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon