**********
"Mga inutil!!" Galit na sigaw ng isang may katandaang lalaking nakatago sa itim na balumbon. " Isang mahinang nilalang lamang ang aking ipanapahanap sa inyo'y hindi niyo pa makita!" Lumabas ang matatalim nitong pangil ngunit kahit sino man sa mga alagad sa kanyang harapan ay walang nakakakita.
" Patawad po Pinuno, ngunit ginawa na po namin ang lahat, hindi namin masagap ang amoy niya sa loob ng nayon" sabi ng isang lalaki.
" Ano pa't ginawa ko kayong lingkod kung hindi niyo rin pala mahahanap at madadala dito ang babae Lucas!" Sigaw nito. " Hindi ba't ang sinabi ko sa inyo'y dalhin siya rito sa akin! Ilang araw at gabi na ang lumilipas ngunit hindi niyo parin siya matunton!"
" Tiyak na patay na ang Aliping iyon Panginoon" nanginginig na sabi nito.
" Patay na! Sinabi ko sa inyong dalhin siya dito ng buhay!!" Galit na sabi nito kasabay ng pagtaas ng kamay nito at paghawak sa leeg ng kausap.
Ang balumbon nito ay nalaglag dahilan upang masilayan sa pamamagitan ng konting liwanag ang nakakatakot at sugat-sugat nitong mukha." P-panginoon hindi po namin ginusto ang iwan ang aliping iyon" sabi ng isa sa alagad nito.
" Alfonso, siguro'y alam niyo ang aking ginagawa kung sakaling hindi ko napapakinabangan ang mga inutil na alagad?" Malamig na sabi nito.
Umihip ang kakaibang hangin na nagdala ng takot sa paligid.
Ang kadiliman ng lugar ay mas lalong naging isang libingang kahit sinoman ay walang nais magligaw.
Napailing si Lucas sa kanyang mahigpit na pagkakahawak" Pakiusap Panginoon. Gagawin namin ang lahat upang muling hanapin ang babae!"
Nabubulol na sabi nito.Nakakatakot na ngiti ang sumilay sa kanyang sugat-sugat na mukha. Pilat na iniwan ng isang pangyayaring kailan may hindi nito makakalimutan.
Paghihigante lamang at poot ang nasa puso nito. Sapagkat balot ng lamig ang buo nitong pagkatao.
" Gawin niyo ang lahat. Bibigyan ko kayo ng tatlong araw upang muling hanapin ito sa nayong iyon. Hindi kayo nagtagumpay sa una niyong pagsalakay. At ang hangal na si Simon ay hindi magawang paslangin ang pinuno niyaon" napangisi ito " Tunay ngang kay hinang tampalasan"
Muli ay napadako ang mapupula nitong mata sa dalawang inutil na lingkod." Siguraduhin niyong sa pagkakataong ito ay madadala niyo sa akin ang babae" may banta sa boses nito." Ng buhay" matigas na dagdag nito.
" Panginoon, ano po ba ang nais niyo sa mahinang alipin na iyon?" Nagtatakang sabi ni Alfonso.
Binitawan nito si Lucas.
" Isa siyang napakaimportanteng nilalang. Mas mahalaga siya sa inyong dalawa kung kaya't wag niyo akong bibigoin" sabi nito.
Iniwan nito ang dalawang alagad at pumasok sa loob ng kanyang madilim at maalikabok na silid.
Mapapasakanya ang babaeng iyon. Ipinapangako niya.
Demonyong ngiti ang sumilay sa kanyang mukha. Habang iniisip niya ang mangyayari kapag nakuha niya ang nais niya rito.
Mula sa kanyang basag na bintani ay tumingin siya sa madilim na kalangitan. Malapit na ang susunod na pagsilak ng buwan.
Sa pagdating niyaon ay dapat mapasakanya na ito bago pa tuloyang mawalang saysay ang kanyang ginawa sa nakalipas na maraming taon.
******
EastonRadam niya ang malambot na kamay na humaplos sa kanyang pangibabang bahagi.
Ang napakabangong amoy nito ay pumapasok sa kanyang ilong na nagpapainit sa kanyang katawan.
BINABASA MO ANG
The Alpha's Light (ATW#1)
Werewolf*MAKAPANGYARIHANG NAMUMUNO SA NAYON NG WOOD. Ang buong akala ni Easton ay pinagkaitan siya ng babaeng kanyang mamahalin. Ngunit di niya inaasahang darating ito sa maling oras at maling panahon. Ngayon nga'y kailangan niyang itama lahat ng kan...