**************
EastonMabilis na binuksan ng bantay ang malaking pintuan papasok sa mansion ng makita ang kanilang pinuno na dala-dala ang isang babae.
Pagpasok palamang ng Mansion ay napansin agad ng kanyang mga lingkod ang kakaibang kilos nito dahil sa ilang daang taong nakasama nila ito'y ngayon lamang ito nagdala ng babae, hindi lang babae kundi isang sugatang babae na nag-aagaw buhay.
Halos lumuwa ang mga mata ng mga dalagang lingkod sa nasasaksihan.
"Tawagin niyo ang manggagamot! ngayon din!" Maawtoridad na sabi niya sa mga ito habang maingat na dinadala papasok sa kanyang silid si Alena.
Tumango ang isa niyang alagad at nagmamadali na umalis.
" paumanhin Alpha ngunit sino ang babaeng iyan?" Tanong isang kawal dahil hindi nito nakikita ang mukha ni Alena sapagkat natatakpan ito ng buhok nito na hinay-hinay niyang hinawi.
Hindi niya sinagot ang katanongan nito sapagkat ang kanyang buong atensiyon ay kay Alena lamang.
Nawawalan siya ng lakas habang tinitingnan ang malaking sugat sa noo pati narin sa ibang parte ng katawan nito.
Hindi niya ninanais na makita itong walang malay.
Hinihiling niya na sana'y gumising ito at makitang muli ang napakaganda nitong mga mata.Ang marinig muli ang tinig nito habang sinasambit nito ang kanyang pangalan.
Napakuyom siya dahilan upang tumunog ang buto sa kanyang mga daliri.
Sana'y hindi pa huli dahil hindi niya matatanggap na mawawala ito ng tuluyan kung gayong ngayon niya lamang natanggap kung gaano ito kahalaga simula ng makita niya ito.
" Minsan sa huli na natin mapagsisisihan ang maling ating nagawa at wala ng paraan upang maitama pa ito" rinig niya ang tinig ng kanyang ama ng panahong buhay pa ito.
Wala sa isip niyang hinaplos ang malambot nitong pisngi.
Hindi niya hahayaang mawala ito sa kanya ng tuloyan gaya sa nangyari sa kanyang magulang.
************
Napasinghap ang mga lingkod na nauusisang makita ang babaeng dala-dala ng kanilang pinuno sapagkat kilala nila kung sino ito.
Sa kabilang banda ay mas mahahalata ang pagkagulat sa mukha ng tatlong lingkod sa Kusina.
Ngunit napalitan rin ito ng pagkainis sa Muling pagbalik ng babae.Hindi rin mawala sa mga isip nito ang pag-uusisang malaman kung bakit ito dinalang muli sa Mansion kung gayong nabalitaan nilang pinalayas na ito ng kanilang pinuno sa mismong lugar.
Labis silang hindi makapaniwala sapagkat ngayon lamang nila nakita ang pag aalala nito sa isang lingkod.
Isa sa kanila'y hinihiling na sana'y sila nalang ang babaeng nakahiga.
Napapitlag ang lahat na nasa harap ng pintuan ng marinig nila ang nakakatakot na boses na dumagundong sa loob ng silid.
" Ano ang inyong itinatayo?! Hindi ba't iniuutos kong dalhin niyo ang manggagamot ngayon din!" Galit na sabi nito.
" Alpha andito na ang manggagamot " sabi ng isang kawal na nalabantay sa kanyang pintuan.
" Papasokin siya rito" sabi ng nito ng hindi humaharap sa kanila.
Nang mapansin nitong walang gumagalaw ni isa man sa kanila ay galit nitong binaling ang ulo sa kanilang kinatatayoan.
Lahat sila ay napalunok dahil sa madilim na awrang nakapalibot dito.
" Ano pa ang inyong tinatayo sa harapan ng aking silid?!" Malamig na tingin ang pinukol nito sa kanila dahilan upang sila'y matakot at natatarantang umalis sa silid nito.
BINABASA MO ANG
The Alpha's Light (ATW#1)
Hombres Lobo*MAKAPANGYARIHANG NAMUMUNO SA NAYON NG WOOD. Ang buong akala ni Easton ay pinagkaitan siya ng babaeng kanyang mamahalin. Ngunit di niya inaasahang darating ito sa maling oras at maling panahon. Ngayon nga'y kailangan niyang itama lahat ng kan...