XI. Kaibigan

5.7K 170 1
                                    

**********
Easton

" Alpha Easton sigurado kabang ayos kalang sapagkat  kakaiba ang iyong kinikilos" sabi ni Evan sa kanyang tabi at sa ikaapat na nitong itinanong yaon.

Hindi niya mapigilan ang pagkainis sa lalaki, ang gusto niya'y mapag isa ngunit sadyang imposible sapagkat kailangan niyang masiguro ang kaligtasan ng kanyang nasasakupan.

Kailangan niyang libutin at pagaralan ang bawat sulok ng kanyang lupa at ngayon nga'y kasama niya ito.

"Ilang ulit ko bang sasabihin Beta . Walang dahilan upang hindi maging maayos ang aking pakiramdam"
Sabi niya ng hindi tumitingin dito.

"Paumanhin ngunit hindi lang ako ang nakakapansin pati narin ang ating mga kasamahan, may nagbago sayo ng mga nakaraang araw" sabi nito.

" Wala kang dapat ikabahala sapagkat maayos kong nagagawa ang aking tungkulin bilang inyong pinuno"

" Hindi ako nagtatanong sa inyo bilang isang lingkod kundi bilang isang kaibigan"sabi nito.

"Wala akong dapat sabihin sa iyo Evan kaya wag ka ng mag aksaya ng panahon na ako'y tanongin" walang emosyong sabi niya.

Hindi na ito nagsalita pa hanggang sa makarating sila sa Loob ng mansion.

" maari kanang makaalis Beta" sabi niya rito. Nagpaalam rin ito at siya nama'y
Agad na nagtungo sa kanyang silid aklatan.

Kumuha siya ng alak sa isang parte sa silid kung saan nakalagay ang lahat ng mga inumin At pasalampak na umupo.

Di siya nagdalawang isip na tunggain ang laman ng bote hanggang sa maramdaman niya ang likidong dumaloy sa kanyang lalamunan.

Halos hindi niya na malasahan ang laman niyaon at parang tubig nalamang ito para sa kanya.

Tahimik ang buong mansion. Ramdam niya ang malamig na ihip ng hangin.

Naglakad siya patungo sa beranda.
At tiningnan ang bawat bahay na nakapaligid sa kanyang tinitirhan.
Kita niya ang bawat liwanag na nagmumula sa loob ng mga ito.

Hanggang sa dumako ang kanyang tingin sa may kalayoang lugar kung saan nakatayo ang Pagwan.

Ang lugar kung saan ginagawa ang mga materyales ng mga kagamitang kinakailangan ng kanyang mga kawal.

Lugar kung saan niya itinapon ang babaeng laman ng kanyang isipan sa mga nakalipas na araw.

Muli ay ramdam niya ang kirot ng kanyang puso.
Simula ng iwan niya ito sa silid ay hindi niya na ito nakita pa.

Ramdam niya ang pagkukulang sa kanyang pagkatao. Ang pangungulilang muli itong mahawakan at makita.

Walang oras na hindi pumasok sa kanyang isipan na puntahan ito at muling ibalik sa mansion.

Ngunit ni minsan ay hindi niya ginawa sapagkat isa itong kahinaan.
Hindi maaring magkaruon ng puwang ang tao sa kanyang puso.

Biglang lumakas ang ihip ng hangin, napapikit siya kasabay ng napahinga niya ng malalim.

Kahit malayo ito ay langhap niya parin ang matamis nitong amoy.
Ngunit hindi na iyon kasing lakas gaya ng mga nagdaang araw.

Napakuyom sapagkat ang akala niya'y mawawala rin ito sa kanyang isipan.
Ngunit tela pinaglalaruan siya ng tadhana dahil gabi-gabi niya itong napapanaginipan.

Ang mapupulang labi nito, kung gaano ito kalambot at katamis.
Ang makinis nitong mukha.
At ang mga mata nitong  ayaw mawala sa kanyang isip.

"Alena" banggit niya sa pangalan nito.

Siguro nga'y kapansin pansin ang kanyang kakaibang kinikilos dahil batid niyang naging mainitin ang kanyang ulo.

The Alpha's Light (ATW#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon